Our Christmas Tradition

193 5 0
                                    

Sa katunayan, itong one shot na ito ay ang entry ko sa Protege xD I just posted it here since I want to share it to you, I'll edit this pa and mag add pa ako ng mga mangyayare kung kaya ko pa xD o kaya naman, may aayusin lang ako since ang feedback sa akin dito is magulo so yeah aayusin ko siya pero totoo namang magulo xD Kamsahamnida guys!

**

"Merry Christmas po sa'yo Lolo!" Sabay na bati ng mga apo ko sa akin nang makita nila akong papalabas ng aking bahay.

"Merry Christmas din sa inyo mga apo!" Sambit ko naman ,at sila'y lumapit at nagmano.

Agad naman ding bumati ang mga anak ko sa akin at hinalikan ang aking pisngi. "Mga anak, may pupuntahan lang ako ha?" Pagpapaalam ko sa kanila at agad naman nila akong pinayagan. Isinuot ko na muna ang paborito kong sumbrero bago pa man ako tuluyang umalis sa tinitirhan ko..

Napakabilis talaga ng panahon. Hindi ko man lang napansin na ilang oras na lang at magpapasko na, na ilang oras na lang at makikita ko na ulit si Fei, at ilang oras na lang ay ika-animnapu't pito (67) na anibersaryo na pala namin bilang mag best friend.

Dagli naman akong napangiti nang maalala ko ang isa sa mga paborito kong sandali kasama siya.

**

"Maawa ka sa akin, huwag mong ipahid iyan sa mukha ko! I spent 30 minutes just to look like this!" Pagmamakaawa sa akin ni Fei. Nagbabalak  kasi ako na pahiran siya ng chocolate sa mukha.

"Bakit naman ako maaawa sa'yo?" Tanong ko naman.

"E kasi best friend mo ako!" Sagot naman niya, nakakatuwa talagang pagtripan nitong best friend ko. Ang cute niya.

Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at hindi nagalinlangang ipahid sa mukha niya ang chocolate na nasa hintuturo ko. Dagli naman niya akong tinitigan ng masama at agad na sinabing "Ano ba iyan Xyler! Sira na iyong make-up ko!" Pagrereklamo nito, at parang binagsakan ng langit at lupa ang itsura ng kaniyang mukha kaya naman mas lalo akong natawa.

"Nakakainis ka talaga Xy!" Muli niyang pagrereklamo habang tinatanggal niya iyong chocolate sa  kaniyang mukha.

"Huwag kang magalala, maganda ka parin namin sa paningin ko eh!"  Sambit ko, at nakita kong namula ang best friend ko sa sinabi ko. Ngunit nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

"Ayan, pareho na tayong may chocolate sa mukha!" At sabay tawa nito. Pignagmamasdan ko ang mukha niya habang siya'y tumatawa, napansin kong nagiging isang linya na lang ang kaniyang mata kapag siya'y tumatawa, at napansin ko din na parang walang bukas kung tumawa ang best friend ko.

"Tama bang paglaruan ang chocolate?" Pagsingit bigla ni Mama at nakataas pa ito ng kilay. "Tignan niyo! Ang dudungis niyo na! Magpunas nga kayo ng mga mukha niyo!" Dagdag pa nito. Dagli naman kaming napatingin sa isa't isa at parang alam na namin ang nasa isipan naming dalawa. 

"BAKIT NIYO AKO PINAHIRAN SA MUKHA?!" Sigaw ni mama sa aming dalawa at bigla kaming tumakbo ni Fei at tumawa na para bang wala nang bukas.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now