*ELENA*
~*PRESENT DAY*~
Ay oo nga pala, nakalimutan ko ulit, kailangan ko palang bumili ng isang kilong asin
Naglakad ako pabalik sa mall na pinanggalingan ko kanina.
Pa hum-hum lang ako habang dala dala ang dalawang plastic bag na kinalalagyan ng pinamili kong groceries.
"Ay anak ni Tokneneng na sobrang guwapo!" sigaw ko ng mabangga ako ng isang lalaki nung paliko na sana ako.
Napaupo ako sa sementadong daraanan at tumilapon ang dalawang plastic bag sa gilid ko.
Nasapo ko ang puwet ko. "Aray! Na flat na ata ang puwet ko" paimpit kong wika.
"Are you alright, Madam?" tanong nung lalaking nakabangga sa'kin at lumapit para tulungan akong makatayo.
"Sala-" naputol yung sasabihin ko ng makita ang mukha niya.
Naku po, Lord sobrang guwapo naman po niya! Siya na ba ang forever ko Lord?
Ngumiti ako ng matamis sa lalaki, pasikreto kong pinagpag ang kamay sa suot kong denim skirt.
Putakteng! Naka skirt pala ako ng maupo ako sa kalsada kanina.
Tumingin ulit ako sa estranghero sa namumulang pisngi. "Ah salamat, ako nga pala si Elena" pagpapakilala ko sa sarili at inilahad ko ang kamay sa kanya.
Tiningnan ng estranghero ang nakalahad na kamay ko habang nakakunot ang noo.
Pa simple kong binawi ang kamay ko.
Ay ang arogante naman ng lalaking 'to! Pinagpag ko na nga ang kamay ko sa palda ko tapos ang arte arte niya.
Biglang may bumusinang sasakyan sa kalsada at napatalon ang lalaki sa likod ko at tila nagtatago.
Ay hala ka po! May sira ata sa tuktok si kuya, natakot sa busina ng sasakyan.
"Ahm Mister, okay lang po ba kayo?" tanong ko sa lalaking nakatago sa likod ko habang takot na takot.
Hindi siya tuminag sa likuran ko kaya hinarap ko siya.
My eyes widen when I realized how close our faces are.
Napatingin ako sa mukha niya.
Sayang si kuya mestizo pa naman, kaso may sira sa ulo.
"Madam, do pray tell me, what is this place?" tanong niya sa'kin habang inikot ng tingin ang paligid niya.
Lumayo ako ng ilang dipa mula sa kanya. "Mister, nasa Pilipinas po tayo?"
"Pil- what?" tanong niya ulit.
Kanina pa to English ng English ah! Baka purong foreigner ang isang 'to, nagbakasyon dito sa Pilipinas kasama ang pamilya niya pero nasiraan ng bait kaya iniwan dito.
Napailing ako sa naisip.
Kawawa naman pala si kuya.
Ngayon ko lang din napansin ang suot niya.
Saan kayang ukay-ukay nakuha ni kuya ang mga damit niya?
In fairness, nakasuot pa talaga siya ng sinaunang kasuotan ng mga taga England noon.
"Welcome to Philippines! Our tourism tagline here is, it's more fun in the Philippines!" nakangiti kong wika sa kanya.
Mas lalong kumunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Darcy in the Modern World
Fiction généraleOne day, you meet someone who claims to be Mr. Fitzwilliam Darcy - your most favorite book character and your man of dreams. "Are you serious? You're Mr. Darcy?" "Yes Madam, if it pleases you, please let me know where I am so I can go back to Pembe...