"Good morning " Good morning Wake up wake up"
Alarm ng Cellphone ko na gumising sakin at napabalikwas na lang ako bigla sa higaan ng makitang alas 12 na pala. Kaya dali dali akonglumabas ng kwarto at hinanap sila mama, pero wala ng tao.
"Sh*t " Natataranta na ako ng may nakita akong nakadikit na maliit na papel sa ref.
"Hindi kana namin ginising dahil alam naming pagod ka sa pag tulong sa okasyon na toh, kaya mag beauty rest kana muna dyan. Sister in-law.
Napahinga ako ng maluwag dahil sa iniwang sulat ni ate Renalyn, hays sayang di ko masasaksihan yung sumpaang forever nila kuya! dibale susunod na lang ako sa reception sabi ko na lang sa sarili ko dahil wala naman akong magagawa at late na ako.
Dahil kagabi ay dumating ang mga kamag anak ni ate Renalyn so ayun na pagod ang beauty ko.
Pagkatapos kong maligo ay nag make up ako ng kaunti and since sa reception na ako tutuloy kaya mag ma-make up na lang ako ng simple parang pulbo at lip tint lang simplehan na lang natin maganda naman ako makinis ang muka at balingkinitan so hindi problema sakin ang walang make up.
Pero dahil special ang araw na to at pinag handaan ko ito kaya mag ayos ako ng kaunti baka sabihin ni kuya eh hindi ako prepare diba.
(Harolds POV'S)
Pag pasok ko ng simbahan ay una kong hinanap si kuya Enzo nasa harap na ito ng altar, kumaway ito sakin kaya biglang nagtinginan ang mga tao sakin. Sari saring bulungan ang mga naririnig ko sa paligid ko.
Ayan ba yung isa sa mga best man
Ang pogi naman nya
Single pa kaya yan
In fairness
~
Oh pare buti naka habol ka - Bati nya sakin sabay tapik nya sa braso ko.
Oo nga eh, akala ko late na talaga ako - Pumuwesto na ako sa gilid ni kuya Enzo habang napapaayos ako sa suits ko.
YOU ARE READING
The Day Before Us
RomansaPaano na lang yung matagal mo ng ikinukubli , tinatago, kinatatakutan, at iniiwasang mangyari eh mangyari?! At paano rin kung yung taong pinagsikapan mong limutin ay muling mag krus ang landas nyo ? Makakaya mo pa bang ikubli ang matagal mo ng gus...