Chapter 7 : Moonlit Lake

2K 60 1
                                    

Dahlia's Pov

Pag-kagising ko dumiretso kaagad ako sa salamin para tignan ang itsura ko.

Magang Mata,mapula rin ang gilid ng eyeballs ko dahil puyat ako,at gulo gulong buhok. In short I look so terrible.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~••~•~•~•~•~•
Boring ng araw ko wala akong ganang mag-laro ng cp ko,buti pa tong pusa ko walang problema at nakahiga lang sa dibdib ko.

Bakit ganito, dati hindi naman akong ganito. Ah.. tama.

I open my mobile data and search something on YouTube.

"How would you know if your already inlove?"

Hindi ko alam kung bakit yun ang si-nearch ko.Plinay ko ang video na nandun and yun na nga explain explain and stop.

Sabi dun di mo daw siya mawala sa isip mo,tapos gusto mo nasa tabi mo nalang siya palagi,and such,Which is nangyayari na saakin.

Kung nandito lang si kuya,papa,at mama siguro kulang nalang mag-party sila dahil sa wakas na inlove rin ang anak nila.Nainlove nga ako,pero sa hindi naman tamang tao at pagkakataon.

Ang gulo talaga ng love.May bagay na  naiintindihan mo na ang dahilan,hindi mo paring maiwasang masaktan.

Hanggang iyak nalang ba ako. Gaaa ano ba to! bat ba nagtatalo ang puso ko at utak ko!

Si utak gusto na niyang makalimot pero si puso gusto paring magpatuloy!

Kaylangan na ako magpatingin sa Psychiatrist,baka matulungan niya ako sa lalong madaling panahon bago pa ako mabaliw.

Sa buong araw ang nagawa ko lang kumain,humilata,manood at matulog.

Naisipan kong buksan ang fb kong Dahlia Chimer,Sosyial diba 😂.

Pagkabukas ng pagkabukas ko lang puro mga love quotes ang bumungad sakin.

"Hindi mo kailangan maghanap ng perpekto,ang kailangan mo lang ay
yung magpapangiti sayo sa bawat segundong masaya kayo"

Pero pano kung di nga siya perpekto eh di ko naman siya kasama.

"Kahit gaano ka pa ,pag tinamaan ka ng pag-ibig.NABABALIW kana,NABOBO ka pa"

Baliw na ba ako or bobo lang?

"Libre lang mag-mahal,pero mag-ingat ka dahil may chance na masaktan ka"

Oo nasasaktan na ako ngayon.

GAAHHH STAAAHPP ITTT!!

Agad kong pinatay ang mobile data ko.

Gabi na pala di ko napansin....

Sinara ko na lahat ng bintana ng bahay ko at kumain,pagkkatapos kumain nag-hugas,Pagkatapos maghugas nag-hilamos,at pag-katapos maghilamos matutulog na ako.

⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚⌚

Magtwe-twelve fifty nine na pero gising parin ako.Parang may nagsasabi sa utak ko na lumabas.

Kaya lumabas na nga ako. Pagka-labas ko sa bahay ko malamig na simoy ng hangin ang agad na sumalubong sakin.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kawalan.Di ko kasi alam kung saan ako ng paa ko eh.

Habang palayo-layo ang nalalakad ko palamig ng palamig rin ang hangin.

Napadpad ako ngayon sa gubat at patuloy parin na humahakbang ang mga paa ko.

At last tumigil narin ang paa ko pero ang kakaiba ay hindi ako napagod sa kakalakad ng isang oras. Pag-katingin ko sa paligid ko ay namangha ako.

Isang malaking lawa na napapalibutan ng puno at nagsasayawang fireflies  na binibigyan ng magandang sinag ng buwan. In-adjust ko muna ang eye sight ko ng konti at may nakita akong pamilyar na pigura ng lalakeng nakatayo na naka-talikod sakin sa gitna ng lawa.

Siguro mga isang grand stand ang laki ng lawa.

Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang lapitan. Naisipan kong lapitan siya,la akong pake kung mabasa ang damit ko.

Nang nasa bandang likod niya na ako bigla nalang siyang humarap saakin na siyang nag-palundag sa puso ko sa kaba or dahil lang ba h**** siya.

Lumapit siya sakin sapat na para maramdaman namin ang hininga namin sa isat-isa.

My heart beats fast when he cupped my face. I can feel he's golden eyes is staring down to my soul.

Wait ha...halikan...niya ako?
One inch, Centimeters,paliit ng paliit ang space ng mga labi namin sa isa't isa. And then here he goes, he kiss me passionately,enough for me to answer his kiss.

"Alunsina....." Nabigla ako ng binulong niya ang pangalan na yun na siyang nagpatigil sa akin sa paghalik sa kanya.

Somewhere in my heart ang parang pinupuga sa sakit ng marinig ko yung pangalan na yun.

Naisipan kong bago pa niya imulat ang mata niya ay dali-dali na akong umalis. Wala akong pake kung ma-realize niya kung sino ako basta gusto ko lang umalis dahil di na kakayanin ng mata kong pigilan ang luhang kanina ko pang linalabanan.

First kiss ko yun pero first heartache rin pala ang kakalabasan.

Di ko alam kung saan saan ako nag-susuot sa gubat ang mahalaga lang ay makabalik ako sa bahay ko para dun ko hayaang ibuhos ang lahat ng luha ko.

May nakikita narin akong mga liwanag mula sa kabahayan kaya malapit na ako.

Nagtatakbo kaagad ako papunta sa kwarto ko at nagtalukbong kaagad ng kumot habang umiiyak ng malakas.

Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang first love.

Heart pakiusap patulugin mo na kami ni brain...........

Akino's Pov

Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang lumalayong pigura ng isang babae. Kung di ako nagkakamali ay si Dahlia iyon.

Dun ko lamang napagtanto na hindi pala si Alunsina ang babaeng hinalikan ko kanina kundi si Dahlia.

Umahon na rin ako sa lawa at nag-bihis narin para sundan ko si Dahlia.

Pagkalipas ng ilang minuto....

Nakarating narin ako sa balkonahe niya.Binuksan ko ang salaming pintuan nito at tumambad sakin ang mahimbing na natutulog na si Dahlia. Pansin ko rin ang magang mata niya at basang mukha niya.

Sa isang banda ay naawa na rin ako kalagayan niya.... naawa nga ba o mahal ko na siya.

Bago ako umalis ay isang puting ligaw na bulaklak ang nilagay ko sa mesang katabi ng higaan niya.

🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱

Isang Sad na Sweet na chapter ulet readers.

Ang tanong na kuntento ba kayo sa chapter?

Hehe

Don't forget to

Support
Follow
Vote
and
Comment 😉

FierceyCrimson

Love In The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon