Chapter 12 : Apology Accepted

1.5K 46 1
                                    

Vernon's Pov

Hay pano ba ako hihingi ng tawad kay Dahlia,di pa naman ako sanay na humingi ng tawad.

Ah bahala hihingi nalang ako ng tulong kay Ate Veronica. Yun buti nalang napadaan si Ate sa kwarto ko.

"Ate ano ba ang dapat kong gawin o  gawin para mapatawad ako ng taong pinagkasalanan ko?" tanong ko sa magaling kong kapatid.

"Aba tinawag mo akong ate Himala, teko sino ba ang taong may kasalan ka?" Ate Veronica.

"Basta sabihin mo sakin kung pano at kung anong ibibigay ko sa kanya Gurang!"sigaw ko sa ate kong gurang.

"Aba't humihingi ka na nga lang ng tulong sakin ikaw pa ang galit " nag-titimping sabi ni Ate Veronica, Gurang.

"Sige na po Ate sabihin mo na..." pagmamakaawa ko pa.

"Simple lang lumuhod ka at humingi ka ng tawad sa kanya ng buo mong puso" maikling sabi ni Gurang.

"Ha yun lang?"

"Bakit kulang pa ba? As if I know kung sino ang hihingan mo ng tawad ge aalis na ako Bansot!" Ate Veronica.

Hay... tama basta galing sa puso ko siguro naman di ba mapapatawad niya na ako.

At Dahlia's House

Kanina pa ako sumisigaw sa labad ng gate niya pero walang sumagot, ang nakakapagtaka ay nandun ang kotse niya......

Tama baka binisita niya lang si Akino.

At Akino's Lair

"Akino! nandiyan ba si Dahlia!? pakisabi naman na gusto ko siyang kausapin oh!"

"Anong pinagsasabi mo diyan Vernon?  Wala siya dito!" sigaw ni Akino pabalik sakin.

"Huh? di ba magkaibigan kayo ng mortal na iyon?"

"Oo tama ka, Bakit mo ba siya hinahanap?"

"Wala siya sa bahay niya... kaya akala ko andito siya...."nag-aalala kong sagot sa kanya.

"Anong ibig mo sabihin? nawawala siya!?" nag-aalalang sigaw ni Akino pagkababa nito mula sa lungga niya.

"Ganun na nga..." maikli kong sagot sa kanya.

"Nandito lang iyon sa bundok... hanapin nalang natin siya..." Akino.

"Ganoon na nga" pag-sangayon ko at nag-anyong taong lobo narin ako para mas madali ko siyang mahahanap.

After ng ilang minutong paghahanap.....

"Nakita mo na ba siya?" Akino.

"Wala pa eh...." di ko maiwasang mag-alala,lalo na't baka palihim na namang umatake si Fenris.

"Hanapin natin siya ulit..." Akino.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Tumayo ako sa tuktok ng pinakamataas na puno sa gubat at sumigaw lang naman ng pagkalakas lakas.

"Dahlia!!! Lumabas ka na oh!!! Kausapin mo na ako!!!! "

Pagkatapos ng ilang minuto ay may narinig akong pamilyar na tili ng babae kaya dali dali ko itong pinuntahan.

Dahlia's Pov

Wala akong ganang makipag-usap sa ungas na yun. Tsk.....

Narinig ko ang pagkaluskos at pagsigaw ni Akino ng pangalan ko malapit sa pinagtataguan kong makapal na puno.

Yep nagtatago ako sa makapal at madahon ng sanga.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may sumigaw ulit at sigurado akong si Vernon iyon. Hehehe... pag-harap ko patalikod ay nabigla ako dahil may ahas na sa tabi ko na handa akong tuklawin, nawalan na rin ako ng balanse sa tinutungtungan kong sanga na dahilan upang mahulog ako. Napakataas pa naman neto mga 10 ft.

"Kiyaaahhh!!!!!!!!" wala akong nagawa kundi tumili nalang.

Akala ko makikipag-meet and greet na ako kay San Pedro,buti nalang at n...nasalo ako ni Vernon.

Teka si Vernon!?

"Siguro naman pwede na tong pan-peace offering" Pa cool sabi ni Vernon habang akay na akay ako.

"Haish,ano pa nga ba.... apology accepted" I said as I gave him my sweetest smile.

"Ibaba na kita ang bigat mo eh.." reklamo ni Vernon.

"Aba't hmmph" lumakad ako papalayo sa kanya habang naka-cross arms.

Akino's Pov

Hindi ko alam sa sarili ko pero ba't parang nagalit ako nang makita kong akay-akay ni Vernon si Dahlia.

Umalis nalang ako doon at bumalik narin sa lungga ko.

🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱

Sa tingin niyo? Nagseselos na ba si Akino sa lagay na yan 😕

Hehehhe VerLiah Shippers labas 😂😂😂😂😂😂😗😗😗😗😗😗

Vote
Comment
and
Support

FierceyCrimson

Love In The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon