Vernon's Pov
Nandito ako ngayon sa kwarto nina Dahlia dahil mamasahiin siya ni Ate Veronica...
"Vernon ang kamanyakan mo" seryosong saway saakin ni Akino.
Wow lang ha nung si Alunsina, di niya ako sinasaway ng ganito. Ay nakalimutan ko palang mas nabibiyaan si Dahlia kaysa kay Alunsina ≧∇≦.
Si Ate Veronica na mismo ang nagpadapa kay Dahlia,dahil di nito maigalaw ang katawan nito.
Hinawi niya ang kasuotan at buhok ni Dahlia para mamasahe niya ito ng maayos.
Likod palang ni Dahlia ay maganda na pano pa kaya kung...
"Vernon tumalikod ka" seryosong utos sakin ni Akino na siyang ikinatawa ko.
"Oo na..." tumalima kaagad ako ng paningkitan niya ako ng mata.
"Meron pala siyang lunatus..." bulong ni Akino, sapat na para marinig ko dahil katabi ko lang siya.
"Anak siya nina Alpha Darius at ni Luna Aliyah" pagpapaliwanag ko.
"Siya yung sinasabi mong pasaway na bata noon? na ginawa kang kabayo?" natatawang tanong ni Akino sakin.
💢💢 Pinaalala pa niya 💢💢
Nang sinimulan na ni Ate Veronica na masahiin si Dahlia ay puro daing lang ang maririnig namin sa buong kwarto.
"Tapos na, Pagpahingain niyo nalang siya muna, Vernon tara na baka maka-gulo tayo sa moment nila ^ω^" Utos sakin ni Ate Veronica na abot tenga ang ngiti. At lumabas na siya ng kwarto.
"Akino, kailangan niyang magpahinga ha... baka kung.." di ko na natuloy sasabihin ko ng hinatak na ako ni Ate palabas.
2 days passed....
Dahlia's Pov
Magaling na ang likod ko, salamat nalang sa painful massage ni Ate Veronica ≥3≤.
Nakalimutan ko palang may mahalaga akong sasabihin kay Vernon.
Agad ko siyang hinanap sa mansiyon at Ville, nang matagpuan ko siya ay mukhang namboboso pa ang ungas sa public bathroom.
Sinapok ko kaagad ang ulo niya para mapatingin siya sakin.
"A...aray! anu ba Dahlia busy ako..." bulong niya para di siya marinig ng binobosohan niya.
💢💢💢💢💢💢
"Vernon! may mahalaga akong sasabihin sayo! kaya tumigil ka muna sa pamboboso mo!" sigaw ko sa kanya. Tinakpan niya ang bibig ko pero too late, dahil nalaman ng babaeng binobosohan niya na binoboso siya.
"Ano bang problema mo?" frustrated nitong tanong.
"Vernon makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko, Sa tingin ko nasundan tayo ni Fenris, Alam mo naman na di ako mahuhulog ng basta basta lang, Kailangan nating paghandaan ang pagdating niya..." mahaba at seryoso kong paliwanag at hinatak na siya papunta sa mini palace kung saan namamalagi si amang tito (lels) at si Inang.
Nang makarating kami don ay pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"Iha may problema ba?" bungad sakin ni Inang.
"Tito, Tita, nahaharap ang pack niyo sa matinding kapahamakan, Hindi ko po sinasadyang dalhin ang kamalasan ko sa inyo pero, Nasundan kami ni Fenris, at maaring maulit ang nangyari sa pack ni Akino sa pack niyo kung di tayo maghanda sa pag-atake nila" mahaba pero kalmado kong paliwanag.
"Kung ganon ay kailangan nga nating maghanda, Vernon! tawagin mo lahat ng lalake sa pack natin bilis!" nagmamadaling utos ni Tito kay Vernon.
"Tito... maari mo bang sabihin kung asaan ang kahinaan nating taong lobo?" tanong ko kay tito.
"Mamatay tayo kaagad pag-pinutol ang ating ulo" maikling sagot ni Tito.
"Kung ganoon.... patawarin sana ako ng diyos at diyosa sa paraang iniisip ko..." saad ko.
"Bakit iha may paraan ka na bang naisip?" tanong saakin ni tito.
"Isa lang ang paraang naiisip ko, Pugutan ang ulo ng mga rogue na aatake" seryoso kong sagot kay tito.
"Kahit na ganon sila ay dati parin natin silang kalahi, Dahlia" nag-aalalang payo sakin ni Tito.
" Oo dati nating kalahi na nagtaksil sa sarili nilang lahi, Pinatay nila ang mga taong mahalaga samin ni Akino, masama bang gumanti kahit konti lang?" makahulugang kong tanong kay tito.
"Kung ganon ay ikaw na ang itatalaga kong mag-oorient sa mga kawal ko..." pag-aproba ni tito sa plano ko.
"Salamat.... tito, nga pala may tamang pondo ba kayo?" kamot ulo kong tanong.
"Oo naman iha bakit?" takang tanong sakin ni Tito.
"Maari ba kayong bumili ng ilang pares ng katana para sa mga lalaban at para narin saakin...." naka-ngiti kong sabi kay Tito.
"Marunong kang humawak ng patalim?" manghang tanong ni Tito saakin.
"Opo,sinanay ako ng mga tumayong magulang ko sa pakikipag-laban habang nanalagi ako sa mundo ng mga mortal" nakangiti kong pagpapaliwanag.
"Kung ganon ay ipapabili ko nalang iyon sa lalong mas mabilis na panahon sa Beta ko..." yun nalang ang sinabi ni Tito at tinalikuran na ako.
🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱
I smell a bloodshed war......
FierceyCrimson
BINABASA MO ANG
Love In The Moonlight
WerewolfIts just a moonless night when I met him,helpless and dying due to blood loss from his gun shot wounds. I took care of him until he's body is fully healed. Time passes by he needs to return where he belong,but I already fall inlove with him. What sh...