[a/n: base sa nakikita niyo sa title ng chapter ay tungkol lamang to sa summarized talambuhay ni Dahlia pero kailangan niyo rin tong basahin para maliwanagan kayo]
Dahlia's Pov
Ako si Prinsesa Dahlia ang anak ng tinitingalang si Alpha Darius at ni Luna Aliyah. At dahil nasiyahan ang Moon Goddess saking mga magulang,biniyayaan niya ako ng kapangyarihan na makakagapi sa kasamaan at ilan lamang sa mga masusswerteng lobo ang meron nito.
Namulat ako sa payapang mundo..... ngunit lahat ay nagbago sa isang iglap.
Dahil nga isa akong munting paslit na walang alam sa mundo ay mas napili kong sayangin ang aking oras sa pakikipag-usap sa kalikasan habang nagduduyan maghapon hanggang dumating ang araw na iyon.
Papauwi na ako ng marinig ko mula di kalayuan ang mga iyak at panaghoy ng aking mga nasasakupan. Mas napili kong lumapit sa kuta ng pack namin para makita ang tunay na nangyayari sa aming teritoryo. Ngunit laking gulat ko nang pinigilan ako ng sugatan na si Dama ang aking alipin.
"Tumakas ka na Prinsesa... Ikaw nalang ang natitira naming pag-asa......"
"Pero si Ama at si Ina ayoko silang iwan Dama! Dama gusto kong makita si Ina at si Ama! " hindi ko maiwasang umiyak sa hindi ko malamang dahilan.
"Wala na si Alpha Darius at Si Luna Aliyah... pinatay sila ng mga itim na taong lobo.." naiiyak na sabi nito sakin.
Ang mga itim na taong lobo ang kinikilalang mortal na kalaban ng mga puting taong lobo dahil sila ang mga dating puting taong lobo na naging itim dahil sa kanilang kasakiman. Sila rin ay tinatawag na rogue sa ingles.
"May naririnig kaming mga taonf nag-uusap dito!!"
Agad kaming tumago ni Dama bago pa nila kami mahuli.
"Paki-usap tumakas ka na prinsesa.... "
Mahirap man sa loob ko ay tumango narin ako dahil alam kong para sa kaligtasan ko lamang iyon.
Nang wala na ang mga rogue sa paligid ay nagmadali akong lumayo sa lugar na iyon habang tumatangis sa pagkamatay ng aking mga magulang.
Nakarating ako sa labas ng gubat at naghanap ng matataguan dahil nararamdaman kong may nakasunod sakin na rogue. Tumago ako sa likod ng mala-truck na sasakyan at tinakpan ang sarili ko ng tolda.
Nabigla ako nang magsimula itong umandar na siyang nag-tulak sakin na mag-anyong tao at simula nun ay kailanman ay di ko na nabalik ang sarili ko bilang isang taong lobo.
Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag na dala ng pag-hawi ng isang di ko kilalang lalake sa toldang pinagtataguan ko.
"Mahal,mahal! may bata rito oh" ani ng lalakeng masayang nakatingin sakin.
"Saan? saan? " ani ng babaeng nagmamadaling nagtungo sa kinaroroonan namin.
"Ang cute naman niya... Ano pala ang pangalan mo bata? " puri at tanong sakin ng babae.
"D..Dahlia..." maikli kong sagot.
"Ang ganda naman ng pangalan mo, Nasaan na ang magulang mo? Taga saan ka at iuuwi ka na namin..." ani ng babae.
Imbis na sagutin ko siya ay umiyak lamang ako.
"Mahal kawawa naman siya... ampunin nalang kaya natin siyA..." ani ng Lalake na nakatingin ngayon sa kanyang iniirog.
"Oo nga... tutal wala naman tayong anak na babae....." pag-sang-ayon ng babae sa kanyang asawa.
Simula ng araw na iyon ay tinuring na nila akong parang tunay nilang anak na siyang ikinasaya ko naman dahil may bagong pamilya at magulang ulit ako.
BINABASA MO ANG
Love In The Moonlight
Lupi mannariIts just a moonless night when I met him,helpless and dying due to blood loss from his gun shot wounds. I took care of him until he's body is fully healed. Time passes by he needs to return where he belong,but I already fall inlove with him. What sh...