PROLOGUE

43 8 0
                                    

Maingat akong tumayo mula sa pagkakaupo. Nangangalay na ang katawan ko dahil ilang minuto rin akong inayusan ng personal make-up artist at hairstylist ko.

"Hurry guys. The show will start in 5 minutes. Hoy babae tapos ka na bang ayusan?" Tanong ng manager at slash best friend ko.

"Yeah kakatapos lang." Sagot ko at nagspray ng perfume.

"Come on, pinapatawag na tayo ng staffs. Maghanda na tayo."

Hindi na kami nag-aksaya ng panahon at namalayan ko nalang na pinapasok na ako ng floor director.

Inihanda ko ang aking mga ngiti habang binabagtas ang pasilyo. Maingay na hiyawan at palakpakan ang bumungad sa akin. I waved my right hand and gave them a flying kiss.

"Let us all welcome our very own, Miss Universe- Philippines 2018 Anace Thesia Wurtzbach!" Masayang bati sa akin ng isang sikat na komedyanteng si Gandarra.

Matapos kong makoronahan bilang pambato ng Pilipinas sa isang prestigious beauty pageant ay inimbitahan ako ng GGG as their tonight's guest.

Masaya ang takbo ng aming pag-uusap. Ang kaninang kabang naramdaman ay napalitan ng saya at komportable.

Everything felt natural. Iyong tipong hindi ko na kailangan maging aware sa actions ko. As long as well-poised parin, ofcourse.

"I love you na Anace. Akala ko tahimik at medyo suplada pero wow, I didn't expect na very contagious ang mga tawa mo." Maluha luha pang sabi ni Gandarra na ikinatango ko naman.

Pinahid ko rin naman ang namamasang mata. It's tears of joy to be honest.

"So this time, aware ka naman na may ipapa- activity kami sa iyo? Don't worry walang mawawala." Dito ako biglang kinabahan ng pumunta sa stage ang ibang tauhan bitbit ang mga boxes.

"Yeah, I watched some of your videos and its so scary. Sana hwag mo kong pakainin ng uod." I said jokingly.

Pinatayo naman nila ako at pinalapit sa isang box na tinatakpan ng tela.

"Ok, so your task for tonight is to…… taaaadaaan." My eyes widened sa nakita ko.

"Mygad, are you serious?" Tanong ko sa kanila.

"Hahahaha. So ganito ang gagawin mo. Oww btw, what can you see?" Nakakalokong tanong niya.

"Is it five Frogs and a crown. Natatakot ako sa palaka girl." I said trying to hide from him.

Pero hinatak niya ako palapit sa aquarium. They instructed me on what to do.

The crown is sorrounded by frogs. Kailangan ko lang daw makuha ang crown, so easy but scary.

I tried so many times pero the moment na malapit na abg kamay ko sa korona ay saka naman sila tatalon.

Napatili ako ng tumama ang balat nila sa akin.

"May symbolism sila Anace. The crown symbolizes the title of being Miss U 2018 but then meron mga frogs! They also symbolize the other canditates na makakalaban mo sa pageant. Will you let them hinder your dream?" Gandarra challenged me and somehow realization hitted me.

Marami akong sinakripisyo para lang makarating dito.

"I will never let anyone or anything dragged me down in Miss Universe." May kumpiyansa kong saad at talagang ginawa ang task for me.

Nakakatakot man pero kinaya ko. Anyways, palaka lang 'to at hindi ko ito ikakamatay.

"Wow, congratulations Anace. You are so brave. Pinakita mo talaga sa aming lahat kung gaano ka kadedicated at passionate sa buhay." He said clapping his hands nang makuha ko ang korona.

I wore the crown and did my signature wave.

Binalingan ko naman siya, "This is once in a lifetime opportunity. Go for the crown talaga." I make a deep sigh as I said those words.

I have to win the title. I'm really hoping.

"Well, may tanong kami sayo, Who are you?" He challenged me with that question.

I did my fierce look and answered,

"I am Anace Thesia Wurztbach, your Miss Universe 2018."

⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐

Hello there! Sino ang may gusto kay Queen Pia? Ako rin. 😂❤

As you can see, ang scene dito ay nangyari sa totoong buhay. Kaso edited lang.

And hey, meet my friend imnotcomplete29, please do 'follow' her. Thank you. ❤

Crown of Happiness (Success Series 1)Where stories live. Discover now