Sie Pov
Nagising ako ng may namamagang mata, hindi nanaman tumigil ang mga luha ko sa pagpatak kagabi, dahil kusa siyang bumubuhos. Kahit na gusto ko mang pigilan hindi ko kaya..
Nag-ayos na ako ng sarili para kakain nalang ako.. Nadatnan ko sila dad at mom na kumakain na, napansin kong wala na si Ate maaga kasi ang pasok niya..
"Gising kana pala, halika kumain ka na muna bago pumasok sa school." Sabi ni mommy sakin, Umiwas ako ng tingin at naglalakad pababa ng hagdan.. Imbes na kakain ako dito nawalan na ako ng gana... Hindi ko pa sila kayang harapin..
"Hindi na po sa school nalang po ako kakain." Sagot ko naman.. Si dad tuloy lang sa pagkain niya at hindi ako tinitignan..
"Kahit konti lang---" Dad cut her off..
"Don't force her if she doesn't want to eat, makakaramdam din siya ng gutom at maghahanap ng makakain." Hindi na ako nag paalam sakanila at lumabas na ng bahay.. Nag commute lang ako, dati rati kasi hinahatid ako ni daddy, pero ngayong hindi kami ayos, hindi na niya ako naihahatid pa sa school.
"Hey Chelsea did you hear the news na?"
"What is it nanaman ba, your so chismosa."
Napairap nalang ako ng marinig ko nanaman ang mga usapan ng mga mean girls, ang aarte nakakainis!!! Kung hindi lang talaga ako magkaka record sa guidance matagal ko ng pinilipit ang mga dila ng mga tohh, para naman umayos na yung mga pananalita nila..
Nagtuloy-tuloy nalang ako na naglakad papuntang room baka hindi ako makapagtimpi at may magawa pa ako sakanila.. Ewan ko ba kung bakit inis na inis ako sakanila siguro dahil ang arte arte nila..
"Siieeeee!!" Pag kapasok na pag kapasok ko sa room bigla nalang sumigaw yung kaibigan ko kaya, nakatanggap siya sa akin ng irap..
Napaka ingay talaga ng isang to kaya ayun pinagtinginan tuloy kami, alam niya naman na ayaw na ayaw ko ng attention ehh.. Kung hindi ko lang talaga to kaibigan matagal ko na din binuhol ang dila niya.. Ang mean ko nohh ganun talaga ito na ang ugali ko ngayon, actually ganito rin pala ako noon, ipinapakita ko lang ang sweetness ko kay Dex at sa kaibigan kong si Clarize, kaya lang ngayon pati si Clarize na susungitan ko na.. Paupo na ako sa upuan ko ng mapansin ko si Kumag na nakangiting nakatingin sa akin, isa pa tong bwisit sa araw ko, inirapan ko lang siya at umupo na sa upuan ko..
"Ms. hindi ba sumasakit yung mata mo?? Kasi kada makikita mo ko umiikot yung mata mo tapos puti nalang yung nakikita ko." I don't know but I suddenly chuckled to what he said, ng marealize ko na, napangiti ako, napa poker face ako agad.. Nakita ko parang nagulat siya at yung kaibigan ko napaatras dahil sa nasaksihan niya.. Kasi palapit sakin si Clarize pero napaatras din at Napa takip ng bibig OA naman ng isang to..
"Ta..talaga bang ngumiti ka friend?" Sabi ni Clarize na hanggang ngayon nakatakip parin ang isa niyang kamay sa bibig niya.. Kaya medyo nag eecho yung boses niya..
"Hindi ahh.." Pagtatanggi na sabi ko.. Kinuha ko yung phone sa pocket ko at naglaro nalang ng Helix Jump para maiwasan ang mata ng dalawang tanong nakatingin sa akin na animoy isa akong multo kaya gulat na gulat sila.. Tsskk!!!
"Nakita ko din Ms. you smiled, your pretty when your smiling." He winked at me.
The hell! Anong pinag-sasabi ng isang to?!
Tsaka bakit ba Ms. parin ang tawag niya sa akin eh imposible namang hindi pa niya alam ang pangalan ko, sinigaw na nga ni Clarize kanina ehh..
"Ewan ko sainyo, bahala kayo diyan, wait nga lang pala bakit ba Ms. parin ang tawag mo sa akin." Tanong ko sakanya..
"Ahhh anong gusto mong itawag ko sayo, babe, baby, sweetheart---" Dahil sa narinig hindi ko na siya pinatapos.. Nakakairita ang isang to ahh, sabi ko na nga ba ehhh, hindi magandang ideya na itanong pa yun..
"Will you shut up!!!" Dahil sa inis ko sakanya feeling ko ano mang oras sasabog na ako sa sobrang inis..
"It's not funny so please just shut your mouth!!" Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano pero nakita ko sa muka niya ang lungkot, Am I too harsh on him? Ano ba ang ginagawa mo Sie!? Nakakapanakit ka na ng tao pero hindi mo pa nalalaman ..
"I'm sorry hindi ko sinasadya, napaka kulit mo kasi." Sabi ko dahil parang nakonsensya ako sa ginawa ko sakanya, tutal nandun naman siya nung araw na nawalan ako ng malay at inuwi pa ako sa bahay, teka nga bakit niya nalaman yung address ko?
"If your sorry, pwede bang wag mo na akong sungitan? friends na tayo." Ang kaninang parang naka simangot todo ngiti naman ngayon, naiinggit tuloy ako sakanya pano kaya niya nagagawa ang ganyang totoong ngiti? Yung feeling na kapag ngumiti siya mahahawa ka nalang ng hindi mo nalalaman..
"I can't promise you that." Sabi ko naman sakanya ng hindi tumintingin, dahil binalik ko nanaman ang tingin sa phone ko at naglalaro ako ng Helix Jump. Nakakainis nga ehhh hindi ko matapos yung Level 1...
"Sige okay lang na sungitan mo ko, pero friends na tayo." Sabi niya kaya tumingin ako sakanya, tatanggapin ko ba?? Muka naman siyang mabait, kaya lang masyado siyang pala ngiti kaya minsan nakakairita.. Hayyss..
"Okay." Yan nalang ang sinabi ko at binalik nalang ulit ang tingin ko sa phone ko.. Narinig ko siyang nag "Yes" kaya napangiti nalang ako, parang hindi naman masamang maging kaibigan siya.. A minute later Mam Hadie entered the classroom.. She discuss about the club that were going to join.. Habang nagsasalita si Mam biglang nag vibrate yung phone ko, kaya tinignan ko kung sino ang nagtext..
From: Clarize
"Friend anong sasalihan mong Club? And pansin ko na parang okay na kayo niyang katabi mo.. Ayiieee New Love Life.. Hehehe.. 😊😂
Napairap ako sa pangalawa niyang tanong, nakipag kaibigan lang yung tao sakin.. Love Life na agad ang iniisip nung kaibigan ko.. Kaibigan nga naman ohhh, kung ano-ano ang iniisip.. Nagtext siya dahil ang layo niya sa akin nasa pinaka harap kasi siya..
To: Clarize
I'm not yet sure.. And please lang wag kung ano ano iniisip mo, nakikipag kaibigan lang yung tao!!" 😑
Sent..
From: Clarize
OMG😱.. dati rati hindi ka naman nakikipag kaibigan sa iba.. Siya lang ulit.. Anong meron sakanya?? Grabe..
Hindi ko na siya ni replyan at tinago na yung phone ko sa pocket ng bag ko.. Bakit nga ba?? Ano nga bang meron sakanya?? Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang maging kaibigan, gusto ko pa siyang makilala.. Dahil ba sa ngiti niya??
Hays! Whatever!!
BINABASA MO ANG
For Lifetime
Short StorySometimes Life Just Seems Like Chapters. Some are Good, Some are Bad, a collection of mistakes.. But All Come Together To Create The Story Of Our Lives...