"Ano nanaman ginawa mo kagabi?, at na late ka nanaman, ayan ikaw nanaman nakita ng magaling nating adviser.." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Clarize..
"Talaga bang hindi mo ko papansinin?!"
"Hayaan mo siya lagi namang mainit ang ulo niyan sakin, sanay na ako.." Napailing nalang siya dahil sa sagot ko kaya naman nginitian ko nalang siya ng tipid..
"By the way high way sa sabado nga pala punta ka sa bahay, birthday nung pinsan kong si Gino, sabi kasi ni Dad dun nalang daw sa bahay ang handaan dahil mas maluwang, kainis nga eh marami nanamang kalat niyan.."
"Ayoko nga nakakahiya, hindi naman sayo ang party bat ka nag-aaya.."
"Sige na ikaw lang naman eh and besides inaasahan ka na ni Mommy dahil miss ka na daw niya matagal ka ng hindi dumadalaw sa bahay.."
Napabuntong hininga ako, ano pa bang magagawa ko? Hindi ko din naman mahindian si tita Faye, she's been so good to me ever since, miss ko narin naman na si tita so sinabi ko na pupunta ako.. Sabagay mas okay na nandun ako kesa tumambay lang sa bahay mag hapon, wala din naman akong ginagawa..
_
"Grabe naman bakit napakaraming bisita?, akala ko ba onti lang!" Reklamo ko kay Clarize habang papasok sa bahay nila, napaka daming tao nakakahiya kaya.
"Gagi kaba, san ka nakakita ng birthday na walang tao? Tsaka malay ko ba kung sino sino nanaman pinag-iimbita ni Gino, balak ata niyang gawing feeding program ang birthday niya."
Hindi ko siya pinansin at sinundan lang siya hanggang sa makarating kami sa Garden nila, napaka yaman din talaga ng isang to.
"Hi Tita Faye.." Bati ko sa Mom ni Clarize ng makasalubong namin siya.. Close din kami ni tita Faye dahil madalas din akong bumisita dito sakanila.
"Hello iha, I'm glad that you make it today ang tagal mo ng hindi dumadalaw."
"Sorry tita naging busy lang talaga sa mga school works."
"That's okay I understand, by the way aasikasuhin ko lang yung ibang bisita, Clarize will take care of you just feel at home." I nod and thank tita Faye, she's so kind.
"Tara na papakilala kita sa pinsan ko kasama niya yung mga tropa niya baka may ma gustuhan ka sakanila hahaha." Baliw na to balak pa akong ireto sa tropa ng pinsan niya.
"Ayoko nga para kang sira!"
"Sungit, joke lang naman pero tara papakilala lang kita sa pinsan ko." Tinignan ko siya ng masama na parang di naniniwala sa mga sinasabi niya. "Promise." She smiled. Okay sabi niya eh.
"Couz happy birthday, andun na sa mesa yung regalo mo para hindi mo na ako kinukulit."
"Hoy! Wala akong sinasabing ganyan ah, tumigil ka nga diyan kakahiya sa mga tropa ko."
Natawa nalang ako sa reaksyon ng pinsan niya. Baliw kasi talaga tong si Clarize.
"By the way, she's my friend--"
"Wait, I think I know you." Napataas kilay naman ako dahil sa sinabi ng pinsan niya.
Hindi ko pa nga nakikita ang isang to sa tanan ng buhay ko.
"Baka may kamuka lang." May nagsalita naman sa likod nung pinsan ni Clarize.
Wait. What? Si Celix nandito din? Anong ginagawa niya dito?
"Ah baka nga, uy pre akala ko ba hindi ka makakapunta?" Nakita kong ngumiti nalang si Celix sa pinsan ni Clarize yung Gino daw ang pangalan.
Maya maya lang napatingin sakin si Celix.
BINABASA MO ANG
For Lifetime
Cerita PendekSometimes Life Just Seems Like Chapters. Some are Good, Some are Bad, a collection of mistakes.. But All Come Together To Create The Story Of Our Lives...