Chapter 1: About Love

378 13 0
                                    


Chapter 1: About Love

Her Point Of View

NAKATITIG ako sa kanya ngayon. Kung paano sya ngumiti, tumawa, mapahalinghing, at sumaya... Nakakatuwa sya, buti pa sya nakukuha nyang sumaya. Samantalang ako, eto. Emote pa more lang ang peg ko dito sa cafeteria.

Bakit?

Kasama nya yung girlfriend nya eh.

Yung time na sinasabi ng isang isip mo na 'tanga, alam mo na ngang masasaktan ka. Pero tingin ka parin ng tingin sa kanya.' habang yung Isa naman 'tumitig ka lang sa kanya. Kase, yan lang naman ang kaya mong gawin sa ngayon' yan.

Hirap 'di ba? Hindi ko alam kung ano yung pakikinggan at susundin mo sa oras na makaharap ko sya.

"Wag mo na kasing tignan, ikaw lang din naman ang nahihirapan sa huli eh" singhal ng kaibigan ko. Carina Mae Collins

"Deng, bakit ganun no? Bakit ang hirap nyang tanggalin sa isip ko?" Tanong ko sa kanya.

Isang malakas na batok ang natanggap ko. "Boba, kung araw-araw mo ba namang titigan at hanap-hanapin ayy hindi mo talaga sya matatanggal sa isip mo loka."

"Tss" yan, yan nalang ang nasabi ko.

She has a point, how can I forget him kung ganun nga yung araw-araw kong routine kapag break time at lunch.

Wala eh, yung time na baliw na baliw ka sa isang lalake tapos may mahal na pala syang iba, yung pakiramdam mo na busted ka agad kahit hindi ka pa nagtatapat sa kanya ng nararamdaman mo. Yun, yun eh. Huhu

Matapos ang break time namin ay nagsibalikan na kami sa kanya-kanyang room namin at the same time lutang ako.

Sya parin yung laman ng utak ko kahit saan ako pumunta.

Haayy... Life, sana naman gaanan mo lang 'tong sitwasyon ko ngayon oh.

T_T... Naman oh

"Ms. Monteverde, pwede bang maiwan ka muna?" Tanong ni Mrs. Gomez.

"Paano? Una na ko ha. Next time kasi wag lulutang-lutang ang isip ah..." Pang-aasar pa ni Carina.

Nang magsilabasan ang lahat ng tao sa room ay kinausap na ako ni Ma'am.

Akala ko kung ano na. May in-a sign lang pala sakin.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa Faculty Office nang makarinig ako ng hagikhikan sa hagdan. Tumigil ako't nagtago para silipin kung sino yung mga tao doon.

"Dal, tama na kasi. Please haha h-hindi na haha a-ako m-ma haha kahinga." Sambit ni Daila Gomez.

"What? I can't understand baby" Sino pa ba. Edi si Cale Dallex Stanford

B-bakit nasasaktan ako? Wala naman ako sa tamang posisyon para masaktan ng ganito.

Umalis nalang ako nang mabilis at nag-punta sa Faculty Office.

Nang makuha ko na ito ay nagsimula na akong maglakad papuntang main gate ng school.

Hindi pa man din ako nakakakuha ng taxi ng makita ko ulit sina Daila at Dallex na papuntang parking lot habang nagtatawanan at magka-akbay.

God, bakit ba ang malas ko ngayon? Hiniling ko lang naman na lagi ko syang makita pero katumbas pala nun yung sakit...

Suddenly, I felt wet on my cheek.... The tears.

I quickly wiped the tears trickled down my face because I was not in the right position to take offense.

Nang may nakita akong taxi na paparating ay agad ko itong pinara at sinabi kung saan ako nakatira.

I Love Him But I Can't Tell Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon