Chapter 6: Club

168 5 0
                                    

Chapter 6: Club

Keimy's Point Of View

NAANDITO ako ngayon sa classroom namin habang nakatulala ulit sa may labas ng bintana.

Haayy buhay. Wala akong maisip na pwedeng gawin ngayon. Nakakainip naman din kasi dito sa room. Wala kasi yung next prof namin kase may biglaang meeting daw.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagsimula nang maglaro ng Helix Jump. Kaboring eh

=_=

Naglaro lang ako ng naglaro ng biglang may dalawang babae Ang biglang nagsabi na may ia-announce lang sila.

"Ahm... Section B. Please listen to us." Panimula nung isang girl na syang ginawa naman ng lahat. "We're here for announced that this month we will have a club, kung saan maaari kayong sumali sa kahit saan nyo gustong club."

Sabi nito na syang nag bigay nang kaunting ingay sa loob ng room. Agaw pansin ang pagtaas ng kamay ni Brey. "Miss, kung sasali kami. Anu-ano po bang club ang pwedeng salihan."

"Oh, that?!... We have a club for singing, dancing, acting, arts, and so on..."

Ahhh!!!

"Dance club ako"

"A-acting ako... Ayiieee"

"Maga-arts nalang ako"

Kung kayo lang ang naandito sa room ay baka mainis lang kayo sa mga classmates ko. Paano ba naman, pinapatahimik na nung dalawang girl na nasa harap tapos eto namang mga kaklase ko, parang walang mga naririnig. Hindi na talaga parang, wala na talaga. Highschool lang ang peg eh.

=_=

Edi kayo na, Basta ako kakanta ako.

Natahimik ang lahat may humampas sa white board. Napatingin ako at si ateng girl pala. "One more thing, meron din kaming club for photography para sa mga gusto, magdala lang kayo ng mga pic na nagpapakita na magaganda kayung kumuha ng shots. Okay? And, bukas na din magsisimula ang audition so it means na whole day yun. Kung papasok kau o uuwi pagkatapos mag audition. It's up to you. That's all see you around" huling sabi nito bago umalis.

I Love Him But I Can't Tell Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon