Chapter 8

150 4 0
                                    

Kundi Boyfriend Mo

Keimy's Point Of View

Para lang masagot ang katanungan ko sa sarili ay bahagya kong sinampal ang kanang pisngi ko at nanlaki ang Mata. Masakit pero hindi panaginip.

Waaaaaaaaa!!!

OMG this is real na talaga.

Dahil sa katuwaan at excited na nararamdaman ko ay nanakbo ako papunta sa room namin dahil na andoon si Carina na naghahanda ng banner para sa..... San nga ba yun?

Hay ewan.

Nang makarating ako sa room namin ay pasigaw kong tinawag ang pangalan ng best friend ko. Gulat naman silang lahat dahil sa sigaw ko at buti na lamang ay walang teacher na nasa loob.

"Woi babae. Bakit ka ba sigaw ng sigaw?" Pasinghal na tanong nya ng makalapit ako sa kanya.

Nagtata-talon ako sa tuwa habang niyayaya syang tumayo. "Halika bilis, dali. Andun sya andun sya... Gaaash" tuwang tuwa kong anyaya sa kanya sa labas.

Tumayo naman sya pagkatapos ay pinagpagan ang pangupo nya. Agaran ko naman syang hinila palabas. Lampake kung masubsob man sya o madapa sa kakahila ko.

Pagkarating namin sa gym ay agad kaming pumunta sa singing audition at bulgarang tinuro ang naka side view na si Dallex.

"Oh? Anong gagawin ko?" Inis at galit na tanong ni Carina.

Inis na binatukan ko sya. "Andito sya. Sa singing audition. Nag audition sya kanina. It means na posible ko syang makasama. Kyaaaa" paliwanag ko at impit na tumili.

Tinanggal naman ni Carina ang pagkaka-angkla ko sa braso nya at poker face na tumingin sakin.

"Wala na bang mas mahalaga?" Tamad na saad nito.

Masama ko syang tinignan. Mahalaga kaya yung sinabi ko. Buset na babaeng 'to.

Tumingin muna ito sa likuran ko.

"Kung wala. Alis na ako" sabi nito bago tumalikod at mabilis na naglakad.

Tumingin muna ako sa pwesto ni Dallex kanina upang alamin kung naandun parin sya. Naandun pa naman sya kaso.....

Kasama nya si Daila.

Tumalikod ako sa kanila nang babaling  ng tingin si Dallex sa pwesto ko at hinabol ang malayo ng si Carina.

Unting oras pa lang nawala ang paningin ko sa kanya tapos pag baling ko naandun na kaagad yung girlfriend?

Nang mahabol ko si Carina ay hinawakan ko ang braso nya at habol hiningang tumungo.

"Ano? May gagawin pa ako" iritado nitong tanong.

"S-sorry" tanging na isagot ko.

Hindi pa man ako nakakabawi ng hangin nang higitin nya ako papunta sa hardin ng school.

Binitiwan nya ako at inis na emosyon ang hinarap nya sakin.

"Ano ka ba naman, Keimy. Bastusan lang? Alam mo naman na may ginagawa ako with our classmates tapos hihigitin mo nalang ako basta basta para lang ipakita na nagau-audition yung ultimate crush mo?" Galit at inis ang nahimigan ko sa boses nya.

Napatungo nalamang ako at nilaro laro ang daliri ko.

Galit sya!

"Alam mo. Masaya ako dahil masaya ka na nakikita at nakakasama mo sya 'kuno'. Pero aaminin ko na nagagalit at naiinis ako sa mga kilos mo. Hindi mo ba nakikita yang sarili mo na parang aso na naghahabol sa sariling amo na hindi naman binibigyan ng atensyon?"

Saad nito na syang nagpasikip ng puso ko.

Ga-ganun na b-ba talaga ako?

Rinig ko ang pagsinghap at pagbuntong hininga nya. Alam kong sa mga oras na ito ay gusto nya na 'kong sabunutan.

Na sana wag naman.

"Kei, alam ko na naman na gusto mo na sya since 1st year natin ng high school. Loyal ka sa pagkagusto sa kanya, oo. Pero wag mo naman paasahin yang sarili mo. Please lang." Himig pagnanakaawa na sambit nito.

Doon na naglandas ang mga luha ko.

Naglakad sya palapit sa akin at niyakap ako. Hinagod pa nito ang likod ko.

"Shhh... I'm sorry, Kei. It's just that na gusto kong ma realize mo na ang isang katulad mong babae na sobrang mag mahal ay hindi dapat nag hahabol." Aniya.

Gusto ko mang sabihin sa kanya na Hindi ko din ginusto na mahalin--oo hindi lang pagkagusto ang nararamdaman ko towards Dallex kundi pagmamahal pero ano? Pansin ba nya? Hindi. Kasi kahit gaano ko kapalan yung mukha ko na sabihin sa kanya kahit kaharap si Daila ay hindi ako binibigyan ng pagkakataon ng Tadhana.

Nang matigil ako sa paghikbi at pag-iyak ay kumalas ako sa yakap nya at pinahid ang huling luha galing sa mga Mata ko.

"S-salamat n-nalang. M-mauna na ako" sambit ko kahit pahikbi hikbi pa ang boses ko.

Tumalikod na ako kahit hindi ko pa sya nakitang tumango o nagsalita at mabilis na naglakad papunta sa girls comfort room.

Pagkapasok ko ay syang pasalamat ko dahil walang estudyante. Naghilamos ako kahit pa naglagay ako ng mascara at unting lipstick.

Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko at pinampunas ko ito sa aking mukha.

"Sa tingin ba nya ginusto kong mahalin ang isang lalaking hindi alam o pansin yung pagmamahal ko? Nakakainis kang puso ka eh. T-tumibok ka n-nga para sa isang l-lalake pero mali naman. Ang b-bobo mo eh." Iyak ko at pinagsusuntok ng marahan ang sariling dibdib.

Napatukod ang dalawa kong kamay sa may sink at napayuko habang inilalabas ang sama ng loob---

Sa sarili ko.

Napaayos ako at napatigil sa pag iyak nang bumukas ang Isa sa mga cubicle ng cr at nakita si Daila.

O_O

Oh god.

Kita ko Ang pagaalala sa mga mata nya. "Hey miss, are you okay?" Tanong nya.

"Y-yeah. I-i'm okay" sagot ko at dali daling pinalis ang luha sa mukha.

"Ahmm... Narinig kita kanina na umiiyak at kinakausap yung sarili--ahm. About ba sa boyfriend mo?" Nahihiyang aingya.

Oo. About sa boyfriend nga. Pero hindi ko boyfriend kundi boyfriend mo.

Gusto mo mang sabihin yan ay hindi ako maibuka ang aking bibig. Masyado akong nagulat sa nang malaman na narinig nya ang mga hinanakit ko kaya tikom hanggang ngayon ang aking bibig.

Nang maramdaman ko ang paggalaw ng mga daliri ko ay dali dali akong umiling at nagmamadaling lumabas ng CR.

Naglakad nalang ako papunta sa gymnasium para malaman kung pasok ba ako o hindi.

Inalala ko ulit ang kanina lamang na mga sinabi ko habang nasa CR. Pasalamat nalang din ako na Hindi ko nabanggit ang pangalan ni Dallex.

I Love Him But I Can't Tell Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon