Chapter 2: First Compliment

238 9 1
                                    


Chapter 2: First Compliment


Keimy's Point Of View


"Our topic today is all about love"


Nang-aasar ka ba?

Ang sarap nyang sabihan ng ganyan eh. Powtek... Batukan ko kaya 'tong teacher na 'to

Hmp... Paltukan kita dyan eh!


"Yown"

"Yiieee"

"Oh my ghad"

"Pumapag-ibig pow tayow ngayown" lahat sila ay napatawa dahil sa sinabi ni Gab. One of my classmates.

"I will ask you some questions about love and who wants to answer my question. Just raise your hand and I will choose kung sino ang gusto kong sumagot. Is that okay?" Powtek.. nosebleed eh.


"Anong alam nyong kind ng love? Yes Ms. Legazpi?"


"Love for family"


"Ipaliwanag mo"


"Yung family kasi. Sila yung una mong kinilala, nagturo sayo, at minahal ka"


"Magaling... Maaari ka nang umupo"



"Ano pa?" Sambit ni Ma'am at nagtawag na ito kung sino ang sasagot at ano ang mga eksplenasyon nila.



"Love para sa kaibigan" Brey

"Paliwanag"


"Sila yung mga taong kahit wala ka sa tabi ng family mo. Naandyan naman sila at handa kang ituring na kapatid. Sinasabi man ng iba na bad influence ang BARKADA pero sila ang nasasandalan natin sa oras ng pangangailangan natin ng makakausap." Brey


"Yown hugot oh"

"Dude"

"Bro"

"Langya... Wag ka namang magpa-iyak" sambit ni Andrei na kunwari'y nagpupunas pa nang luha.


Nagtawanan na naman ang buong klase sa sinabi nya.


"Tahimik na... Very good, Brey"


"Ma'am" Lora.

"Yes"

"Love for someone"

"Paliwanag"


"Someone... Matatawag nating crush. Sila yung nagpapangiti, nagpapabaliw, nagpapasaya sa atin. Kinukuhaan din natin sila ng inspirasyon. Pero, maari din nila tayong saktan. Sadya man o hindi" litanya ni Lora na sinang-ayunan ng lahat.


"Excellent... Sino pa ang magbibigay. Dalawa pa yun"


Nagulat nalang kami nang biglang tumayo si Carina.

"Yes?"


"Love for God"


"Paliwanag"


"Sabihin man nating naandyan nga ang barkada, family, crush, idol or what so ever. Pero, wag nating kalimutan si God. He's the one who make this world, he make us. Like what I've said. Naandyan lang yung mga sinasabi nyo kanina. Pero, sa oras ng kagipitan, agaw-buhay, pangangailangan at masasandalan. Magsalita lang tayo dahil maririnig nya tayo. Ano man ang mangyari sa buhay. Wag na wag nyo syang tatalikuran" sssssoooobrang habang litanya ni Carina na totoo naman.

I Love Him But I Can't Tell Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon