Prologue

246K 4.2K 1.4K
                                    

PROLOGUE

*a person, once taken for granted,

will be gone, leaving the heart haunted,

you knew, that person is all you ever wanted*

***

May 2021.

"AND THEY lived happily ever after," nakangiting wika ni Agatha sa mga anak na matamang nakikinig sa kanya habang nagkukuwento siya ng isang fairy tale.

"So, happy endings are real... hmm..." komento ni Rainiel Aaron—panganay na anak nila ni Reeve.

"Wow! I love it, Mommy!" Riana Agatha—their daughter, squealed.

"Love, love!" panggagaya pa ng two-year old na si Rome Adam. Tinaas pa nito ang kamay at yumakap kay Riana. Nagkatawanan ang magkakapatid.

Agatha also chuckled and touched her big belly. Ang pang-apat na anak nila ni Reeve ay paparating na rin. Manganganak na siya sa susunod na buwan para sa isang baby boy na pangangalanan nilang Rade Amos Anderson Monteverde.

"Puwede talaga iyon, Mommy?" tanong pa ni Rainiel na mukhang ayaw maniwala sa kuwento niya. "Bata pa lang iyong girl, gusto niya na iyong boy, then they grew up and ended up together?"

"Of course, baby," sagot niya rito at saka hinaplos ang pisngi nito. "Kasi iyong girl, sinusunod niya lagi si God. She helps people. She understood every circumstances. She displayed kindness and spread love. And in everything she does, she does it for the name of the Lord." Marahan niyang pinisil ang ilong ng panganay na kamukhang-kamukha ng asawa niya.

"So?" nakanguso pang tanong nito.

"When you delight yourself in the Lord, He looks into your heart and gives the desires of your heart. Iyong girl sa story, binigay ni Lord sa kanya ang boy kasi faithful ang heart niya kay Papa God."

"Mommy, Mommy," singit ni Riana. "Dapat po pala we love Papa God so much and always pray and always go to church and always be kind, para Papa God will grant our wishes?"

"Yes, baby." Malambing na niyakap niya ang anak. "In Papa God's time, He'll give you what you want and what you truly need. Lahat tayo magkaka-happily ever after basta laging kasama si Papa God."

"Yehey!" Riana happily cheered.

"Yey!" panggaya rito ni Adam. Then the two giggled, again.

Agatha gently grabbed Adam and carried him. Hinalikhalikan niya ito. Hinalikan niya rin sa pisngi sina Riana at Rainiel na gumanti rin ng halik sa kanya. Nakipaglambingan pa siya sa mga anak na ang bibilis lumaki!

"Finished na tayo sa storytelling, go back to your rooms na. Sleeping time na! Then tomorrow, we'll go to church."

Yumakap sa leeg niya si Riana. "Can we just sleep here, Mommy?"

"Yes, Mommy. Dito na lang kami," segunda ni Rainiel. "Tabi-tabi tayo nila Daddy."

Sasagot na sana siya ngunit naunahan na siya ni Reeve na kalalabas lang ng banyo. "Sure, kids! We'll sleep all together!"

"Yehey!"

"Thank you, Daddy!"

Lumapit sa kama si Reeve kung nasaan sila at kinuha nito sa kanya si Adam. "Sweetheart, hindi mo na dapat binubuhat si Adam. Ang bigat-bigat pa naman nito."

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon