Chapter Nineteen

75.2K 2.5K 281
                                    

CHAPTER NINETEEN

*We help people reach their best

when we simply believe in them.

But you also have to believe in yourself.*

***

Many years ago...

"AGATHA, what are you doing?"

       Huminto si Agatha sa paggugupit at nilingon ang matalik na kaibigan. "Trisha! Why are you here?" Mabilis niyang tiniklop ang mga diyaryo sa harap niya.

       Tuluyan nang pumasok si Trisha sa kuwarto niya. "Gagawa tayo ng thesis remember? We have to plan out kung saang cafes and bars tayo magsu-survey." Humalukipkip ito at tumaas ang kilay. "Ano ba kasi iyan?"

       "Nothing..." Pinipigilan niya ang pagngiti.

       "Sus!" Mabilis na kinuha nito ang tinupi niyang diyaryo. "Business Section... aha! May gupit na ito. Ibig sabihin..." Napatingin ito sa kanya at malakas na tumawa. "Yuck! Ginupit mo na naman ang picture ni Reeve Monteverde dito?"

       She chuckled at her reaction. "I'm just..." Inilabas niya na ang mga ginupit na articles. "Maganda kasi ang mga sinabi niya sa interview. You know, Trisha, he's so determined to make their hotels the leading hotel in our country. He's the vice-president but he doesn't sit around and ordering people," punong-puno nang paghanga ang tinig ni Agatha. At siguro ay nagniningning na naman ang mga mata niya.

       Umupo si Trisha sa tabi niya at kinuha ang ginupit niyang larawan ni Reeve Monteverde sa diyaryo. Tinitigan nito mabuti iyon. "This man looks uptight. Masyadong seryoso."

       "Don't you want that for a man? Seryoso sa buhay? May goals? Alam niya kung ano ang gusto niya at kung paano niya makukuha iyon?" Agatha dreamily sighed. "He's charming, too. Look at his smiles."

       "Bulag ka ba? Ang stiff niya mag-smile kaya! Parang ayaw nga ngumiti. Napilitan lang." Trisha rolled her eyeballs. "Akala ko noong high school tayo, crush lang iyan. Mawawala rin. Pero hindi! Matatapos na tayo sa college, Monteverde pa rin! Eh, ang hotels nga nila ang kalaban ng hotels ng pamilya niyo. Kayo ang leading hotel ngayon sa buong bansa. Kapag nag-number one ang Monteverde, mawawala sa inyo ang glory."

       "Daddy works hard, too... Pero nakakahanga lang talaga kasi si Reeve. Basahin mo, o..." malumanay niyang sabi at saka inabot dito ang article clip na ginupit niya. "Lagi niyang iniikot ang mga hotels nila. Nilalalaanan niya ng oras para mabisita lahat ng branch. Kahit sa Visayas at Mindanao. He does not mind getting tired. Basta lang masiguro niya na lahat ng taong nagtatrabaho sa kanila, ginagawa ang mga jobs nila ng tama at mahusay. Isn't he a good leader? Siya rin ang magmamana ng Monteverde Hotels kapag daw nag-retire ang father niya..."

       Napailing-iling si Trisha. "Ang hopeless mo na! Kung makapagsalita ka parang proud girlfriend ka." Tumawa pa ito. "You're crazy, Agatha."

       Kinuha niya ang malaking scrapbook at sinimulang idikit doon ang mga ginupit.

       "Oh, my gosh! Mapupuno mo na ang scrapbook!" gulat sa bulalas nito. "At puro si Reeve lang ang laman—stalker!" Nag-aasar ang tawa nito. "Stalker ka talaga, hindi na basta fan."

       Napalabi siya at nilapat ng mabuti ang idinikit na article. "He's just so... admirable."

       "Sana nagbabasa ka rin ng tabloid. He's a womanizer. That's not admirable."

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon