CHAPTER SEVENTEEN
*Allow yourself to change,
Permit yourself to grow,
There is more of you. *
***
HUMINGA nang malalim si Agatha bago lumabas ng kuwarto. Nahiya siya sa sariling inasal kanina. Hindi niya dapat sinungitan si Reeve sa harap ng maraming tao. Lalo na sa harap ng mga anak nila.
Pagbukas niya ng pinto ay parang gusto niyang isara ulit iyon. Nandoon at nakaabang sa kanya si Reeve!
"Agatha..." Lumapit ito sa kanya. "Are you alright? May naalala ka na naman ba sa'king hindi maganda?" nag-aalalang tanong nito.
Hindi alam ni Agatha kung paano sasagutin iyon. Wala naman siyang naalala rito. Si Lana ang naalala niya kanina.
Mabining humaplos ang kamay nito mula sa braso niya pababa sa kanyang kamay. "Please, sweetheart, tell me. What did I do in your memories this time? Did I hurt you again?" Malamlam ang mga mata nito.
Ang itsura nito ay parang taong handang lumuhod at humingi ng tawad kahit hindi pa man alam kung anong kasalanan nito.
"S-Sino ang kasama mo sa labas kanina?" kunwaring tanong niya kahit kilala naman na niya si Lana.
"Kasama sa labas?" Kumunot ang noo nito. "Do you mean Lana?"
"Is that her name?"
Napakurap ito dahil sa tinig niya. Agatha wanted to slap her own mouth. She sounded sarcastic.
"Nakita mo kami ni Lana kanina? Lumabas ka ba?"
"Kakausapin sana kita kanina pero..." Nagsalubong ang mga kilay niya. "May kausap ka na palang iba."
"Oh." Tumuwid ito ng tayo at hinila siya papasok ulit ng kuwarto. "If you don't remember, she's Prince's half-sister. Nalaman ko sa mga pinsan mo na naalala mo pala si Prince," may kaunting himig nang pagtatampo sa tinig nito. "How come you remember my best friend but not me?"
"Hindi ko siya naalala bilang kaibigan mo. I remembered him as Trisha's husband."
"You even remembered Trisha..." bulong nito. Parang ang sama ng loob.
"Alyx said that I can't remember people who gave me anxiety. Hindi siguro pinasama ni Trisha at Prince ang loob ko kaya naalala ko sila."
Napayuko ito. "I-I'm sorry... You're right," he said, very ashamed.
Naawa naman siya sa sinabi niya sa asawa. Gusto nang iuntog ni Agatha ang ulo sa pinakamalapit na pader. Tila siya urong sulong sa nararamdaman kay Reeve.
Tumalikod na lang siya at akmang aabutin ang pinto nang hawakan ni Reeve ang kamay niya. "Wait, sweetheart. We're not done talking yet."
Napaharap siya rito, eksaktong hinila nito ang kamay niya palapit sa katawan nito. Her face bumped against his firm chest. Natukod niya ang kamay doon at napatingala rito.
Yumuko ang ulo nito at sinalubong ang mga mata niya. She secretly swallowed when Reeve's hot yet minty breath fanned the center of her face.
"Hindi mo ba naaalala si Lana?" maingat nitong tanong.
Hindi magawang umiwas ni Agatha sa mga mata nito. Alam niyang maiitim ang mga mata ng asawa.
Subalit hindi niya akalain na para pala iyong isang butas, kapag tinignang mabuti ay mahuhulog ka doon ng malalim... At hindi mo gugustuhing umahon pa.
BINABASA MO ANG
Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHR
RomanceA Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️ 2018 (Published 2019 by PHR)