Linggo ngayon at maglilinis ako ng condo halos isang buwan din akong di nakapaglinis minsan kase pagod na kong umuuwi galing school at trabaho minsan ay nakakaligtaan ko pang kumain pero ayos na yun at nakakapagtipid pa ako
Inumpisahan kong magwalis sa sala at dumadami na ang alikabok hatid ata nung sapatos ko o nung tsinelas sunod ay nag-agiw ako at naglinis ng CR
Nang matapos ay nagpahinga muna ako sa sofa bago maligo mamaya. Habang nagpapahinga ay biglang tumunog ang cellphone ko kinapa ko 'to sa bulsa ng short ko at saka sinagot ang tawag
"Arleigh naku! miss na kitang bata ka kamusta kana?"
Napangiti ako si mamita pala
"Miss kona din po kayo ayos lang po ba karamdaman niyo? Kailan po ulit kayo makakadalaw sakin?"
"Baka bukas anak! mag-ayos ka agahan mo gising mo magsisimba tayo tapos ipapasyal kita"
"Sige po mamita 'wag niyo po papabayaan ang sarili niyo ha"
"Tumawag ako sa pinagtatrabahuhan mo night shift ka pala? Hindi ba delikado diyan pag ika'y ginagabi ng uwi? Sabi ko naman sayo Arleigh dito kana lang sakin tumira"
"Wag po kayong mag-alala sakin mamita okay na okay po ako ang ganda po ng condo na tinutuluyan ko sayang naman po ang bili niyo kung hindi ko 'to titirhan saka maayos naman din akong nakakauwi dito sa condo dahil ilang kanto lang naman po ang pagitan nung café na pinapasukan ko"
"O siya sige alam kong di kita mapipilit mag-iingat ka palagi anak..
-Carol ibaba mo na muna 'yan kanina kapa tinatawag ng anak mo andito na sila"Napabuntong hininga ako nung marinig ko ang boses ni Tito Jose na tinatawag na si mamita
"Saglit lang naman kausap ko pa si Ar-"
"Mamita paalam na po tatapusin ko pa yung ginagawa ko saka madami pa po akong assignment na kailangan sagutan sa susunod na lang po ulit"
Bago pa siya makapagsalita ay binaba ko na ang linya napasandal ako sa sofa at napatingala sa kisame...
Ang totoo niyan mula ng isilang ako ay sa ampunan na ko lumaki nung tumuntong ako ng pitong taong gulang ay saka ako inadopt ni mamita hindi pa si Tito Jose ang asawa niya noon. Dahil di sila magkaanak ni papito Alfred ay inampon ako may sakit kase si papito kaya di siya pwedeng magkaanak bukod doon ay may cancer siya... Ilang taon pa ang lumipas namatay si papito sa cancer sobra akong nalungkot noon napamahal na kase ako sa kanya, sakanila ni mamita tapos makalipas ang dalawang taon nakilala ni mamita si Tito Jose may anak si Tito Jose sa unang asawa dalawa ang anak niya parehas babae at si mamita ay ako ang ipinakilala niyang anak pero nalaman ni Tito Jose na ampon lang ako ni mamita kaya ako na mismo nagsabi kay mamita na hihiwalay ako sa kanila