Isang linggo na ko dito sa siyudad nila. Isang linggo ko ng nakakasalamuha ang mga bampira. Isang linggo na kong di naliligo pero siyempre joke lang. Isang linggo na kong nakakulong dito sa room ko dahil ayokong lumabas baka maging pang-agahan, tanghalian at hapunan nila ko. Mas okay na yung mag-self study kesa naman makasalamuha ko ang daan-daang bampira na nandito.
9 pm na pero heto ako at nagbabasa ng novel habang nakahiga. Kakatapos ko lang mag self study kanina at ewan ko ba kung bakit di pa ko inaantok. Sinara ko yung librong binabasa ko at pinatong sa table na malapit sakin, tumayo ako at sumilip sa may bintana tinitignan kung may mga pakalat kalat pang mga studyante.
Gusto ko kasing maglakad lakad man lang batong bato na ko sa kakahiga dito at pagod na utak ko sa kakaself study.
Habang ginagala ang paningin ko sa labas ay napapalunok ako gantong ganto yung napapanood ko sa mga horror movies yung titingin ka sa bintana tas biglang may susulpot na mukha! Waaahhh..
Okay kalma Arleigh tinatakot mo sarili mo hingang malalim, hingang malalim. Bigla akong ay narinig na tunog na para bang naglalakad at tunog ng pag-upo sa kama ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba para akong hihimatayin. Ito na ba yun? Ito na ba yun ha? Yung paglingon tas bigla sayonh bubulaga yung nakakatakot na mukha na kamukha ni shomba o kaya ni sadako?
"Ahhhhhhhhhhh!" pag-irit ko ng humarap ako sa likuran ko kung nasaan nandon abg gwapong multo!
Wait. teka gwapong multo?
"Ahhhhhhhhhh Im gonna swing from the chandelieeeer" pagkanta ko na lang dahil nakataas na sakin ang isang kilay ni Luther nakacross arms siya at nakaupo sa kama ko. Yung ibang lalaki pag ginagawa ang pose na ito mukhang bakla siya ang manly tignan amp!
"Why are you here?" bigla kong sinabi
"I just want to see you" umayos siya ng upo
"Maayos pa naman ako di boring dito. Ang happy nga e kase di pa ko nagagawang pang-umagahan , tanghalian at hapunan"
"It's good to know that you can control your hunger hmm..." sabi niya natigilan ako at napaisip. Isang linggong nakakulong. Isang linggong may ligo. Isang linggong walang interaksyon kay Dolly or Thorn or Luther o kung kanino man it means one week no food.
"OMG! oo nga no di ko napansin na hindi ako nagugutom!" naisip ko yung mga kinakain ko dati bigla akong natakam pero di pa naman ako gutom.
"Let's try if you can control yourself now" tumayo siya at lumapit sakin napaatras ako at napasandal sa may bintana nilagay niya yung dalawang kamay niya sa magkabilang braso ko at ngayon nakakulong na ko sa mga bisig niya. Napalunok ako at kinabahan ulit dahil sa pwesto namin napaisip ako kung anong gagawin niya? Magjujugjugan ba kame? This is it na ba? Goodbye innocent flower na ba? nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa naisip ko. Ano ba kasing control ang sinasabi nito?
"What are you thinking?" kunot noo na siyang nakatingin sakin ngayon at sinundan niya yung mata ko kung saan nakatingin. Umubo siya at medyo hinigit ang polo niya pababa para takpan yung ano you know it naman na. Oh dear self, forgive me di mo sinasadyang mapatingin sa bandang iyon.
"Huwag mo ngang ginagala kung saan saan 'yang mata mo" inis na sabi niya sakin
"H-hoy hindi ko naman nakita! feeling mo namolestiya ka ba ha? Ni-rape ba kita?" pag-irap ko sa kanya
Napailing iling siya sakin at tumitig ng seryoso
"Tomorrow 6 am. You need to get up early. I want you to accompany me to seek the other vampires"
"Bakit ako?"
"Kase ako yung nababagot sa ginagawa mo at para din makatulong ka. Or else I will give you to the other vampires here and they will eat you" ngumisi siya sakin at lumabas na sa kwarto ko. Napalunok ulit ako ayoko ngang maging pang-umagahan, tanghalian at hapunan!
***
"Wake up sleepyhead" rinig kong sabi ng isang lalaki tinapik ko yung kamay niya at tinakluban ang mukha ko ng unan
"Babangon ka diyan o gagawin kang pang-agahan?" Para bang biglang nabuhay ang kaluluwa ko sa narinig at napatayo agad. Damn, yung usapan nga pala namin nitong si Luther nakalimutan ko!
Agad akong tumakbo sa CR para mag-ayos pero lumabas ulit ako dahil nakalimutan kong dalhin yung tuwalya at uniform na susuotin ko.
"Akala ko ba pupunta tayo sa mga tao?" sabi ko habang sumusunod sa kanya di niya ako pinapansin at dore diretso lang siyang lumakad
"Nasaan pala si dolly?"
"Eh si Thorn?"
"Bakit wala sila?"
"Huy" napatigil ako sa pagsasalita ng lingunin ako ni Luther napayuko ako at tahimik na sumunod na lang sa kanya.
Pumasok kami sa isang room para siyang isang office. It must be the council the one that dolly discussed
Ang ganda ng pagkakaayos ng sofa ng tables nakakagaan sa pakiramdam ang kulay ng loob parang wala ka sa isla na puno ng mga bampira.
Pumasok pa kami sa isang room at doon ko nakita ang teka... isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu! sampung bampira na nag-uusap sa isang long table.
"Arleigh!" nakita ko si dolly at kumaway sakin ang cute niya talaga ang sarap niyang ikulong sa isang kahon at i-display sa kwarto ko.
Tinapik niya yung katabing nasa upuan niya. Pumunta ako doon at umupo pumunta na din si Luther sa pinakaharap. Di siya umupo at nakatayo lang doon nasa unahan ako na malapit sa kanya sunod sakin si dolly na katabi ko.
"Anong ginagawa natin dito?" bulong ko kay dolly
"Hmm.. We're the council that will find the other vampires di ba sinabi sayo ni Luther?"
"Oo alam ko na yun pero bakit kasali ako? Im not part of the council"
Ngumiti siya sakin
"You are now" di na ko umimik at nakinig na lang sa sinasabi nitong si Luther.