"Hello ma'am goodmorning! What's your order?" nakangiti kong bati sa customer
"Okay po yun lang po? Here's your exchange ma'am!" ngumiti ito sakin bago tumalikod
"Arl, ikaw daw muna mag-mop sa second floor ako na bahala dito" tumango ako kay fatima at dumiretso ng storage room at umakyat na sa ikalawang palapag
Pero napatigil ako nung biglang mapatayo ang isang lalaki at may hawak itong baril. Agad na nagsinghapan ang mga tao na naroon sa nakita maging ako.
"Let me explain please.. Put that down erick!"
"Kung di ka babalik sakin mas mabuting di ka mapunta sa iba!" sigaw nung lalaki napailing ako maging ako ay kinakabahan sa kung anong pwedeng gawin nung lalaki
Napayakap ang babae sa kasama niyang bata na umiiyak ng ikasa ng lalaki ang baril
"Arl anong nangyayari dito?- Ohmygod!"napatakip sa bibig si fatima at napahawak sa braso ko nandito na din si Sir Jemuel ang manager ng café na 'to at inaawat na ang lalaki
"Please sir calm down pag-usapan natin kung ano mang nangyari dito just put that thing down sir" pakiusap ni Sir Jemuel pero tila walang naririnig ang lalaki at nilapit pa ang hawak na baril sa babaeng kaharap niya napayakap ito ng mahigpit sa bata na sa tingin ko ay anak niya
"Ikaw, kayo magsialis kayo dito papatayin ko 'to! papatayin ko 'to sa harap niyo!"
"Sir please calm-"
"AHHH!" sigawan ng mga tao ng paputukan si sir Jemuel sa binti nito ng akmang lalapit ang manager namin sa kanya napapikit sa sakit si Sir Jemuel at agad siyang dinaluhan ng mga katrabaho namin dito
"Sino pang lalapit? Magagaya kayo sa kanya sige!" habang ang focus niya ay nasa mga tao sa paligid at kay Sir Jemuel ay agad akong tumakbo papalapit sa kanya
"Arleigh 'wag!" sigaw pa ni fatima
Agad kong sinipa ang hawak na baril nung lalaki kaya tumalsik ito palayo
Nanlalaki ang mata na napatingin ito sa akin
"Kumalma po kayo sir hindi po maayos ang problema na 'to hangga't hindi-" napahandusay ako sa sahig ng sampalin niya ako napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sa kanya
"Sabi ko... papatayin ko ang mangingialam hindi ba?!" sigaw niya at may dinukot siya sa likod niya isang balisong
Akmang itutusok nya sakin yun ng nakailag ako at biglang napatayo sinugod niya ako pero nahawakan ko ang kamay niya at gamit ang tuhod ko ay sinikmuraan ko siya
"Tumawag na kayo ng pulis!"
"Baka mapaano pa yung babae naku!"
"Arleigh!"
Napasandal ako sa may glass window ng mahawakan niya ako sa braso at leeg
"Lahat ng nangingialam namamatay alam mo ba yun ha?!" sigaw niya sakin kahit kinakabahan ay nakipagtitigan ako sa kanya
"Kung sa tingin mo maibabalik ang asawa mo dahil sa pinaggagagawa mong 'to pwes sinasabi ko sayo hindi na sila babalik-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng itulak niya pa ako ng malakas na naging dahilan ng pagkabasag ng sinasandalan ko
Slow motion para sakin ang lahat ang mga gulat na reaksyon ng mga tao ang mga bubog na tumalsik at sumasama sa pagbagsak ko ngayon ang isang paa kong isa na lang ang nakatuntong sa sahig...
Ito na ba ang katapusan ko?
Pikit mata at pigil hininga ang ginawa ko habang hinihintay na bumagsak ang katawan ko sa mga nakaparadang kotse sa labas o sa lupa...
Kung katapusan ko na ngayon sobrang sakit ng magiging kamatayan ko. Hindi ito ang inaasahan kong katapusan ko
Bigla bumilis ang paggalaw at parang biglang may malakas na hangin na tumangay sakin at naramdaman ko na lang...
Na nakahawak na ako sa braso ng isang lalaki...
"Huwag kang mag-alala. Ligtas kana" huling rinig ko na sabi niya dulot ng kaba at takot ay bigla na lang akong nilamon ng kadiliman.
***
Malamig..
Malamig ang simoy ng hangin
May nararamdaman akong may malalaking pumapatak sa mukha ko..
No hindi lang sa mukha ko kung hindi maging sa buong katawan ko
Tubig..
Tubig ang hinihigaan ko ng imulat ko ang aking mata ay malalakas na patak ng ulan ang sumalubong sakin napapikit pikit ako dahil nanlalabo ang paningin ko dulot ng tubig ulanSa ilang sandali ng pagpikit ko ay may dumating na lalaki hindi lang lalaki dahil may kasama pa itong isang babae sa tingin ko'y mas bata ng konti sa lalaki nanlalabo man at di ko makita ang mukha nila...
Minulat ko ng dahan dahan ang mata ko atsaka ito kinusot. Sino sila? Bakit lagi na lang silang nasa panaginip ko? Napalingon ako sa paligid at napabangon ako sa gulat ng mukha ni Fatima ang sumalubong sakin
"Okay ka lang Arleigh? gusto mo magpadala sa hospital? Nauuhaw kaba? Nagugutom?" Napailing ako
"Okay lang ako" nakangiti kong sabi sa kanya nakasarado pala ang café siguro dulot ng nangyari kani kanina lang at dito nila ko inihiga sa lamesa
"Nasan na si Sir Jem? yung lalaking may baril? May napahamak ba?" tumabi sakin si Fatima
"Dinala na sa hospital si Sir Jem after mo naman malaglag at mawalan ng malay ay sakto namang nagsidatingan ang pulis" napatango ako at napabuntong hininga
Gulat ako na napatingin kay Fatima ng sikuhin niya ko
"Eeeehhhh! sana pala ako na lang yung nalaglag! ano? ano matigas ba yung braso nya ha?" kunot noo akong napatingin kay Fatima
"Ha? Sino?" Napairap siya sakin at saka may tinuro napalingon naman ako sa lalaking nakatayo sa may counter at nakacross arms habang nakatitig sa sahig
"Yung bagong crew natin remember? Absent kase siya noon at nung tinuro ko siya sayo nakasideview lang kaya siguro di mo matandaan"
Nanlaki ang mata ko ng makilala ko sya...
"Uy teh tulala ka na?" sabay wagayway ng kamay niya sa harap ko napakurap kurap ako at umiwas ng tingin
"Ano teh? diba sabi ko sayo gwapo e! tignan mo di ka nakapagsalita eehhh! walang agawan ng crush Arleigh ha!" pagmamaktol niya di ko sya pinansin at tumingin ulit sa lalaking yun.
Kumabog ang dibdib ko ng mahuli ko siyang nakatingin din sakin...