Awasan na at naglalakad na ako palabas ng school papunta sa café kahit medyo inaantok ako ay nagpasya pa din akong pumasok dahil nakakahiya kay Sir Jemuel kung aabsent na naman ako. Mabuti na lang nung nakaraang week na wala ako ay puro lesson lang ang naganap kaya naghahabol ako sa mga lessons. At ngayon pa binigay ang thesis namin napabuntong hininga na lang ako isipin ko pa lang yung mga school works napapagod na ako.
Pagdating ko sa café ay dumiretso na ko sa Girl's CR at nagpalit ng uniform at pumunta sa staff room para iwanan ang gamit ko.
Nagpupunas ako ng mesa ngayon dahil may isang babaeng nakatapon ng kape sa mesa. Aalis na nga lang nag-iwan pa ng linisin hays!
Napatingin ako sa lalaking nagma-mop na ngayon at nililinis ang natapunan ng kape sa sahig tinigil ko muna ang pagpupunas ko at inusisa siya
"Saan ka nag-aaral?" pagtatanong ko pero di nya ako pinansin
"College ka na ba? Saan ka nakatira? bakit pumasok ka pa dito tas absent ka naman ng absent? Kung hindi mo kaya ang mag-aral at magtrabaho 'wag mo pilitin ang sarili mo" sabi ko at pinagpatuloy ang pagpupunas sa table at ini-sprayan ito ng pampabango para mawala ang amoy ng kape na natapon nabanggit kasi sakin ni Fatima nung isang linggo akong wala ay saka naman siya pumasok ng buong week at humanga talaga ako sa kanya dahil sa wakas nakabuo siya ng isang linggo
Pero di pa rin niya ako pinansin
"Pipi kaba? Nalunok mo ba ang dila mo? o nabingi kana ngayon?" tumigil siya sa pag-mop at tumingin sakin napaiwas naman ako ng tingin at tiningnan ang lamesa
"Dumadami ang customer kailangan ng mauupuan malinis na 'yan kaya umalis kana dyan"
Sa dinami dami ng tanong ko ibang sagot ang nakuha ko paano ba 'to nagustuhan ni Fatima? Di naman attractive creepy nga e!
Nagpa-activity ngayon ang English teacher namin gagawa kami ng scrapbook for our project. Another gastos na naman. Habang naka-earphone ay naggugupit ako ng pangdesign para sa gagawin kong scrapbook
Napatingala ako ng may nakita akong kamay na nakapatong sa mga pang-design na ginawa ko. Tinanggal ko ang earphone ko at tinaasan siya ng kilay
"Trespassing ka" umirap siya sakin
"Ligpitin mo 'yan samahan moko nagugutom ako" aba makautos 'to ah?
"Ayoko di mo naman ako ililibre sayang lang pagod ko" hinampas niya yung desk ko at napabuntong hininga siya
"Sige na kahit nagtatampo ako sayo" sabi niya at tumalikod na sakin at lumabas ng classroom nagligpit na ako ng mga pinagkalatan at kinuha na ang gamit ko para sumunod sa kanya. Ano na namang problema non?
Hinawakan ko sya sa braso ng maabutan ko siya malapit na kami sa entrance ng cafeteria
"Ano na namang problema mo?" lumingon siya sakin ng nakasimangot
"Wala. gutom lang ako" nag cross arms ako at tumingin lang sa kanya. Di talaga kami magkaibigan ni Fatima last year lang kami nagkakilala dahil bagong pasok siya sa café.Close lang kame, di naman kase siya mahirap i-close sa kadaldalan niya pero dahil sa tinulungan niya ako nung last week na nagsugat ako. Dadamayan ko din siya ngayon.
"Tara na nagugutom na ko" walang ganang sabi niya tumalikod ako at naglakad na pabalik sa classroom ko
"Fine!" sigaw niya ng may pagpadyak pa ng paa kaya napatigil ako sa paglalakad
"Sasabihin ko na, sasabihin ko na" maktol niya at hinila ako sa braso at kinaladkad papunta sa loob ng cafeteria
"Kase ikaw nakakausap mo siya tapos ako? Pag ako dumadaldal sa kanya para siyang tulog lagi di ako pinapansin kahit naman dilat siya at nahinga sa tabi ko!" ngumuso siya after sumubo ng gulaman na kinakain niya