-ISANG UMAGA-
Paano kung isang umaga wala na ako?
May pagsisisi ka bang mararamdaman?
Malulungkot ka ba?
Bibisitahin mo ba ako sa libingan?
Nanaisin mo pa bang makilala muli ako sa susunod na buhay kung mayroon man?Walang malay, walang buhay.
Wala ng pagkakataong makatawanan o
makausap ng mga nakakatuwang kwento.
Pipiliin mo pa rin bang patahimikin ang
kaingayan ko kung malalaman mong bukas wala na ako?Paano kung wala na ako bukas ng umaga?
Matututo ka na bang tumayo kapag wala ako?
Iiyak ka ba kung sa gabi'y mahihimbing?
Hindi mo na ba lalayuan yung pasmado kong kamay kung bukas malalaman mong mawawala na ako?Paano kung bawat araw ay huling araw ko?
Nanaisin mo na bang makasama ako?
Nanaisin mo na bang pakinggan ang lahat kahit na malungkot man, masaya, o kabaliwan?
Tapos susulitin ang mga araw na parang walang sandaling masasayang.
Dahil sa gabing humimlay ako
baka hindi mo na ako madatnan kinabukasan.Wala ng lungkot, saya, inis, galit, o pag-ibig.
Wala na ang lahat. Wala na ang yapos o mahigpit na yakap!
Wala na ang halik! Wala na ako!
Mahal, maaalala mo pa ba ako?
Paano kung wala na ako bukas?
Paano kung isang umaga wala na ako?-Sana po magustuhan nyo 💕