"TALO AKO"
ni:Khimsyryl sungaAko ang nahulog ikaw ang sumalo
Ako ang kinilig at mas pinasaya mo
Ako ang lumaban at ikaw ang umalalayAkala ko pareho tayo ng gusto
Akala ko akin ang puso mo
Akala ko tama ang lahat ng pagtitiwala ko
Akala ko totoong magkakunekta ang puso nating dalawa
Akala ko,akala ko ako! akala kolang palaBakit ganito ang ipinaalam mo?
Nasakin ang titulo pero wala sa akin ang atensyon mo
Nasakin ang label pero wala ang puso moBakit ganito ang syang ganti mo?
Mahal san ako nagkulang?
pede mobang ipaliwanag sa akin
dahil akoy walang maintindihan
Mahal san ako nagsobra?
pakibanggit naman akoy takang takaPinilit kong ibahin ang tingin ko sayo
ngunit ngayon pinatunayan mo sa akin
ang mga salitang "pare pareho lang kayo"Mahal ginawa mong pamintang durog durog yung dating buo
ginawa mong mangmang ang dating matalino
ginawa mong bulag ang dating walang ibang makita kundi kabutihan moayoko ng lumaban gusto ko ng sumuko dahil ang nakuha ko lamang na premyo sa laban nato
ay tanging titulo lamang,ngunit hindi ang puso mo