-HINDI KA LANG ILAW NG TAHANAN -
Sa iyong munting sinapupunan,
Dinala mo 'ko ng siyam na buwan.
Mahirap at masakit man ang iyong pinagdaanan,
Hindi ito alintana, ako'y maisilang lang.
Lubos akong nagpapasalamat sa aming ilaw ng tahanan.
Marami ka mang hirap na naranasan,
Patuloy ka pa ring nagbibigay liwanag sa ating tahanan.Ikaw yung ilaw na kahit kailan ay hindi napundi.
Nagbibigay liwanag mula umaga hanggang gabi.
Madalas napapagod sa pag-iintindi—
Sa lahat ng bagay para sa amin kahit wala kaming silbi.
Minsan nga lang, nakakataranta kapag nag-rarap ka na ng matindi.
Gayunpaman, mahal kita kahit ika'y nakakabingi.
Oh ha! Hindi ko sinabing nakakarindi,
Dahil minsa'y musika ito sa aking pandinig
Sapagkat nauunawaan kong ang lahat ng salitang namumutawi sa iyong bibig
Ay minsan dulot ng galit ngunit sa dulo'y nangingibabaw ang pag-ibig.
Ikaw din yung ilaw na hindi masakit sa mata.
Ikaw yung liwanag na masarap titigan lalo kapag nakangiti ka. 😉Bukod dito ay marami kang kayang gampanan.
Doktor, hairstylist, chef, teacher at kung ano pa man.
Doktor na gumagamot sa akin kapag may sakit o nasugatan.
Hairstylist na nangingialam sa gupit ng aking buhok o sa kung paano ko dapat ipitan.
Chef na nagluluto ng masarap na umagahan, tanghalian at hapunan.
Teacher na nagturo sa'king magbasa ng abakada at kung paano bumilang.
Ikaw din yung taga-laba, taga-plantsa, taga-linis at taga-hugas ng plato.
Masasabi kong isa kang propesyunal ngunit hindi nga lang lisensyado.
Ang ibig kong sabihin ay ang pagiging 'INA' ang iyong trabaho.
Nakakahiya nga't ikaw yung 24/7 nagtatrabaho pero kahit kailan ay hindi sumweldo.
Kaya nangangako ako,
Hindi ko man kayang pantayan ang lahat ng sakripisyo mo,
Pagdating ng araw ay susuklian ko ito.Ma, kung ihahalintulad naman kita sa mga bagay,
Ikaw yung tubig na kailangan para ako'y mabuhay.
Ikaw yung nagbibigay lakas at araw-araw na kaagapay.
Tipong kapag wala ka , ako'y manlulupaypay.
Ikaw din yung barya na kailangan ko sa umaga.
Hindi ko sinasabi na maliit lang ang iyong halaga.
Ang pinupunto ko'y kulang ang isang libo kung wala ka.
Isa ka sa mga barya na bubuo sa'kin mama.
Bagamat walang pera ang tutumbas sa aking halaga, kulang pa rin ang buhay ko kapag wala ka.
Para ka ding puno ng narra.
Tipong kahit bumagyo ay hindi natutumba.
Bumuhos man sa 'tin ang problema,
Patuloy ka pa ring tumatayong matatag para sa ating pamilya.At syempre , ikaw din yung advance na alarm clock sa aking higaan.
Tipong 7:30 pa lang ng umaga ay sumisigaw ka na ng " TANGHALI NA! BUMANGON KA NA DIYAN!!!" 😅Gayunpaman, dito ko napatunayang , hindi ka lang ilaw ng tahanan.
Bukod kasi sa pagbibigay liwanag ay marami ka pang kayang gampanan.Kaya sa likod ng tulang 'to ay sumisigaw ang limang kataga.
MAHAL
NA
MAHAL
KITA
MAMA. ❤Sa mga anak na nais ipahayag ang pagmamahal sa kanilang ina,
Nandito man sya o namayapa na,
Nasa bahay, trabaho, o nasa ibang bansa pa,
Sabay-sabay nating sabihin naHAPPY MOTHER'S DAY MAMA