TOTGA (The One That Got Away)
Totga, isang malaking hugot na kanta
Na palaging kinakanta nila
Patungkol sa mga taong umalis na
At hindi na muling bumalik pa
Patungkol sa mga taong naging parte ng nakaraan nila
Matagal na panahon na
Ngunit sariwa parin sakanilang alaala
Iyong taong minahal nila
At minahal sila
Ngunit tadhana yata ang tutol sakanilang dalawa
Pinaglayo ang landas nila
Inalis ang pagmamahal sakanilang dalawa
Yung isa, nakalimot na
Pero yung isa nagdadalamhati pa
Umaasa pang babalikan siya ng taong minahal niya ng sobra
Ngunit yung taong minahal niya ng sobra
Ay may mahal ng iba
May iba ng sinisinta
May iba ng pinupuntahan matapos ang kung ano man ang ginawa niya
May iba ng hinahanap ang kanyang mga mata
May iba ng kinekwento sa tropa
May iba ng hinahanap paggsing niya
Ngunit lingid sa kaalaman niya
Ay may taong nangangarap
Ay may taong umaasa
Na babalik pa siya upang Ipagpatuloy ang naudlot nilang storya
Sa mga susunod na maririnig niyo
Ang storyang nakapaloob dito
Ay hindi hango sa buhay ko
Galing lamang ito sa mapaglarong isip ko
Heto na at sisimulan ko na ang kwento
Naaalala mo pa ba
Noong Unang Nakita at nakilala kita
Kuya pa nga ang tawag ko sayo diba?
Naaalala ko pa kung pano kang nahiyang Kausapin ako
Ni hindi mo nga magawang malapitan ako
Snob lang ang tugon mo
Hanggang sa nabalitaan ko
Gusto mo daw ako
Tila ba natigil ang mundo ko
Dun sa nalaman ko
Gusto din pala ako ng taong gusto ko
Ng nalaman mo na nabalitaan ko na
Ang hiyang napakita mo sakin ay nadoble pa
Ni hindi mo na kayang tumingin sa aking mga mata dahil ikaw ay hiyang hiya na sobra
Naaalala mo pa ba
Noong ang buong mundo ay kinikilig saating dalawa
Akala mo ikaw lang ang umiibig sinta
Pero hindi mo alam parehas lang tayo ng nadarama
Bagay daw tayong dalawa
Hanggang sa nagsimulang magmensahe ka na
Naaalala mo pa ba noong Kinukulit mo ako ng sobra
At dahil nga gusto din kita
Panay ang pagsagot ko at parehas tayong masaya diba?
Di ko man masabing gusto din kita
Pero sa pinapakita ko Sana ay alam mo na
Ang Hindi ko lang gusto
Ay Parang wala na ang kung anong meron pag magkaharap na tayong dalawa
Ang sabi mo ay nahihiya ka
Ganoon nga siguro talaga
Napipilipit ang dila mo kapag ako ay nakaharap mo na
Nang isang pag amin
Ang nagpagulo sakin
Iyong kaibigan mo
Gusto din niya daw ako
Kanya Kanya kayo ng paraan mapasagot lang ako
Kitang kita ko ang tiyaga at paghihirap niyo
Teka, humahaba na yata itong buhok ko
Pinutol ko ito
At upang maging Patas
Aking pinatakas ang nararamdaman ko sayo
Wala akong pinili sainyo Kahit na ikaw ay sobrang mahal ko
Pinamukha kong Hindi kita gusto
Binalewala lahat ng paghihirap mo
Taon din iyon, ilang taon kang naghirap para sa tulad ko
Ngunit akala mo ikaw lang ang nasasaktan
Pero kung alam mo lang kung gano ako nasasaktan Sa tuwing ikaw ay aking di sinasadyang saktan
Daig pa ang Walang buhay na katawan
At higit pa sa isang pusong sugatan
Habang ginagawa ko ang pagwalang bahala sayo
Sinaktan ko ang damdamin mo
At pinatay ang puso ko
Hanggang sa nalaman ko na may iba ng tinitibok ang puso mo
May iba ng hinahanap ang mga mata mo
At Katulad ng sinabi ko nung simula
Para Paikliin ko na
Meron ka ng iba at ang sakit non sobra
Pero masaya na ako sainyong dalawa
Maraming salamat
Pinapakawalan ko na
Pinapalaya ko na
Ang nararamdaman kong wala ng patutunguhan pa
Wag kang magalala
Hanggang dito nalang aking totga
Ngunit bago ko wakasan itong tulang ito
Uulitin ko
Hindi ito hango sa buhay ko
Galing lamang ito sa mapaglarong isip ko
'Magandang araw sainyo!'
At maraming salamat mula dito sa puso ko.