Part 1

300 5 0
                                    


Lumapit mula sa aking likuran ang kaibigang si Anna. Napakaganda. Suot niya ang kulay asul na gown na kaniyang nirenta pa sa mamahaling sastrera. Hindi ko maialis ang aking titig sakaniya. Para siyang diwata. Maputi, seksi, at idagdag mo pa ang mahinhin niyang tawa. "Oh? Tingin ka man? haha" biro niya sakin, sabay palo sa aking braso. "Wala. Nagulat lang akong babae ka pala." pabulong kong sabi, ngunit narinig pala niya. May malambot na kamay na dumapo saaking mga pisngi. "Gago ka pala eh. Ganda ko kaya!". Walang salitang lumabas mula sa aking mga bibig, kundi isang ngiti na may bakas ng pagsasangayon.

"Uy, paborito mong kanta oh! Tara sa gitna!", pagyayaya niya saakin habang hinihila ako. Tumingin ako sa paligid. Tiningnan kong maigi ang malaking sulat sa tarpaulin na nakabitin sa itaas ng entablado. "Senior Prom '96". huling pagkikita namin ni Anna, bago siya umalis papuntang Amerika. "Sige, tara.", pangiti kong sagot sakanya. Sumayaw kame. Walang tigil, na parang, ang mga kamay sa orasan ay hindi na gumagalaw. Oras namin yun. Ang mundo'y amin. Walang sinuman ang pwedeng gambalain ang sandaling 'to.

Natapos na ang tugtog na pang-disco, at medyo mellow naman ang napag-diskitahang itugtog ng DJ. "Anna..." Mahina kong sabi, habang hawak ang kaniyang mga kamay. "Will you have this dance with me?". Ang buong paligid ay hindi na namin naririnig. Magkalapit ang aming mga katawan, habang sumasabay sa kanta. Ang ulo niya'y nakapatong saaking balikat, at pinakikiramdaman ang bawat isa.

Makaraan ang ilang minuto, naramdaman kong humihikbi siya, kaya't agad akong gumalaw para tingnnan ang mukha niya. "Oh, wag ka nang umiyak. Magkikita parin naman tayo.", ang mga luha niya'y dahan-dahang pumapatak. Hindi siya nagsasalita, at patuloy na umiiyak. Hindi ko narin napigilan ang sarili, at napaluha narin ako. "Okay lang tayo, Anna. Shh shh. t-tahan na.." bulong ko sakaniyang tenga habang niyayakap ng mahigpit. "Magkikita rin tayo. At pangako, sa panahong yun, ako na ang mag-aalaga sayo. Ako ang mag-aaruga. Wag kang magalala. Aakuin ko ang lahat ng iniwan niya."

Tumigil ang tugtog ng musika. Kumawala sa aking mga yakap si Anna, at tumakbo palayo habang nakatakip ang bibig. Pilit na tinatago ang sakit na nararamdaman niya. Yun ang huling pagkikita naming dalawa.

DiwataWhere stories live. Discover now