Sumikat ang araw, at may 10 miss calls ako sa cellphone. Si Anna, tumatawag pala habang tulog ako. Nakipagkita ako sakaniya nung araw na yun. Nag-bonding kame. Kumain. Na para bang walang nangyari. At sa dahan-dahang paglubog ng araw, sinabi niya saakin ang plano ng kaniyang pamilya. Hindi niya binanggit na buntis siya. Ang sabi lang niya, sa Amerika na daw siya magkokolehiyo. Ngumiti na lamang ako, kahit alam kong ang mga ngiti namin nung mga oras na yun ay nagtatago lamang ng sakit sa aming mga puso.
Napagusapan narin namin ang Prom namin. "Dapat gwapo ko nun ha! Siyempre ako rin. Magsusuot ako ng gown! Yung mamahalin. Tapos siyempre babaeng-babae ako nun. Magugulat ka talaga. hahaha", masayang sabi niya. "Hindi Anna. Kahit ngayon, napakaganda mo na.", ang sabi ko sa isipan ko, habang masayang pinapakinggan ang mga plano niya sa huli naming pagsasama.
Kinaumagahan pagkatapos ng Prom namin, nagising ako sa aking silid. Ayaw gumalaw ng katawan ko. Tila nawalan ng lakas. Pwede ring, wala na akong ganang tumayo. Umalis na si Anna papuntang Amerika. Sana hindi ko nalang sinabi na alam ko. Pero, wala. Nandun na eh.
Dumaan ang isang linggo, wala paring kahit isang chat. Wala ring tawag. Dumaan ang isang buwan. Dalawang buwan, at wala parin. Nagfocus nalang ako sa mga gawain ko sa buhay. Pilit na kinakalimutan si Anna. Marami akong pinagkaka-abalahan para lang hindi siya maisip.
Natuto akong magluto, kahit na hindi talaga ako marunong. Nakagawa ako ng iba't-ibang klaseng adobo. Adobong maalat, adobong mapait, at yung adobo na 'pwede na'. Naglinis ako ng kwarto, ng kusina, kubeta, at siguro kung hindi lang trespassing, pinasok ko narin ang bahay ng kapitbahay namin para linisin. Kung ano-ano ang mga naisip kong gawin, upang makalimot.
"Anak, ba't nakabihis ka? Saan ka pupunta?" tanong ng nanay ko, na para bang nakakita ng milagro. "Sa library lang, Ma. Mag-aaral na ako for entrance tests.". Matagal narin akong hindi nakapagsuot ng damit panlakad. Hindi naman kasi ako lumalayo saamin. Hanggang tindahan, bibili ng pagkain, at uuwi para mag-isip kung ano pa ang pwedeng linisin lang ang ginagawa ko buong summer. At ngayon, lahat ng gamit sa bahay namin ay malinis na. At dun akong nagsimulang mag-isip na, "It's time to move on with my life."
At di nagtagal ay nagsimula na ang buhay kolehiyo ko. Nag-aral akong maigi. Wala akong bagsak sa kahit ano mang subjects. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan, at naging masaya. Active sa lahat ng klase. Tinanggal ko muna sa aking isipan si Anna, at ibinuhos ang lahat ng oras ko sa pag-aaral.
YOU ARE READING
Diwata
RomanceHanggang saan ang kaya mong ibigay para sa kaibigan mong, gusto mong maging ka-ibigan?