Part 4

119 6 1
                                    

Lumipas ang apat na taon, natapos narin ang paglalakbay ko sa kolehiyo. May diploma na ako. Medyo nalungkot lang ako ng konti habang paakyat ako sa entablado upang makuha ang diploma ko. Napatingin ako sa buong paligid, at hiniling na sana andun si Anna. Pero.. Wala siya.

Gusto nina Mama na mag-celebrate sa bahay. Graduation party raw. Di ako pumayag. Sabi ko, sayang rin ang pera. Wag nang mag-abala. Nagkulong ako sa kwarto pagkarating ko ng bahay. Suot ko pa yung toga ko nang humiga ako sa kama. *tok tok tok*, may kumakatok sa pintuan.

"Ma, magpapahinga lang ako."

*tok tok tok*

"MA, PAGOD AKO. MAMAYA NA."

*TOK TOK TOK TOK!*

"MA, ano ba?!", naiirita kong sigaw. Tumayo na lamang ako para buksan ang pintuan. "Ma naman kasi ano ba sabi ko magpapa---" Natigilan ako sa pagsasalita.

"Ah.. Ann.. a?" walang boses na lumalabas mula sa aking lalamunan. Naramdaman ko nalang na may yumakap saakin ng mahigpit. "I'm home!"

hindi ako makagalaw. Si Anna.. Si Anna..

"HUY! ANO KA BA? sabi ko, I'M HOOOOME!" sabay hawak sa balikat ko na parang ginigising ako.

"Anna? Kelan kalang.. ano, bakit.. Bakit ano.. HA?" hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan ko si Anna.

Lahat ng lakas saaking katawan ay aking kinuha, para lang muling maigalaw ang aking mga kamay. Hinawakan ko ang kaniyang baewang, sabay hila at hinalikan siya.

Matagal na halik, na parang buong buhay kong hinintay. "Bakit ngayon kalang?" tanong ko sakaniya. Napangiti lang si Anna saakin.

"Mommy, who's that?" biglang pumasok ang isang bata sa kwarto. Anak ni Anna. Kamukha ng nanay, hay salamat.

"He's gonna be your father." sabi niya sakaniyang anak. Lumingon saakin, sabay kindat. Nagulat ako, pero ramdam ko ang saya sa buong katauhan ko.

 "DADDY!" biglang may batang umakyat saakin para yakapin ako. Nagpakita na muli ang Diwata. At hinding-hindi ko na siya papakawalan pa.

-> Facebook status: "I'm gonna be a father soon."

-----WAKAS----

DiwataWhere stories live. Discover now