Part 2

143 2 0
                                    


Nawalan kame ng komunikasyon ni Anna. Matagal na niyang alam na mahal ko siya. Pinili kong maging pangatlong gulong sa relasyon na dapat dalawa lamang ang naroroon/ Ang kaibigang taga-salo ng lahat ng hinanakit at sakit na dulot ng hindi nila pagkakaintindihan. Masaya na ako nun eh. Akala ko tama lang na yun na ang maging posisyon ko sa buhay niya. Ang kaibigang matalik na nandiyan para sakaniya sa oras na ako'y kailangan.

5 days before the prom, naghiwalay sila ng kaniyang kasintahan. Tinanong ko siya nun kung bakit. Pero, hindi siya sumasagot. Iyak lang siya ng iyak saaking harapan. Hindi ko na natiis ang galit ko nung mga oras na yun. "Sinong gago ang nagpaiyak, at nanakit sayo?!" galit na galit kong sambit sa aking sarili. Pinuntahan ko ang lalake sa kanilang bahay.

"HOY JASON! LUMABAS KA DIYAN GAGO!", sigaw ko mula sa labas ng kanilang gate. "JASON TANGINGA LUMABAS KA!!!", sabay sipa ko sa gate. Lumabas si Jason. "ANONG GINAWA MO KAY ANNA HA?!", di ko na alam kung anong sumanib sa aking katauhan. Malaki si Jason. Pumupunta ng Gym. Kumpara saakin, para lamang akong tuta na kinakalaban ang isang leon.

*BANG!* sumalpok si Jason sa gate nila. Hindi siya bumabangon. "Jason, nandiyan ako para sainyo. Binigay ko si Anna sayo. Pinagkatiwala ko si Anna sayo, JASON! Kahit umiiyak siya sakin gabi-gabi dahil sayo, lagi kong sinasabing, 'okay lang yan. Di lang kayo nagkaunawaan.', tapos ihahatid ko pa sainyo para makapagusap kayo! Tapos ano?! Ganito pa ang igaganti mo ha?! SUMOSOBRA KANA!" Hinawakan ko ang kaniyang damit, at inakyat ang isang kamay ko para upakan. Ngunit, ako'y natigilan. Umiiyak si Jason. Ang leon, umiiyak.

"Sorry... Patawarin mo ako brad.. Hindi ko kaya.. Mahina akong lalake. hindi ko alam kung anong gagawin ko..", binitawan ko ang pagkakahawak ko sa damit niya at tinulungang tumayo. "Anong nangyari?", tila huminahon na ako ng kaunti. Iniiwasan niya ako ng tingin. Hindi siya tumitingin diretso sa aking mga mata. "Buntis si Anna. Alam na nina mama. Pinaghiwalay kame. At Hindi rin ako handa.. Hindi ko kayang panindigan.."

Hindi na ako nagsalita. Naglakad na lamang akong palayo. "Si Anna.. Buntis?" hindi parin ako makapaniwala kahit ilang ulit kong sinasabi sa sarili ko. Ano nang mangyayari? Paano na si Anna? Para akong zombie na naglalakad sa kalsada. Makalipas ang ilang oras, nakarating narin ako sa bahay. "ANONG ORAS NA?! BAKIT NGAYON KALANG? KANINA PA NATAP---" natigilan si Mama sa pagsasalita. Napaluhod ako sa harapan niya. Umiiyak na parang bata. "M-m-ma..." halos hindi na ako makapagsalita.

 Nang napatahan na ako ni Mama, sinabi ko sakaniya ang lahat ng nalaman ko tungkol kay Anna. "HA? Kailangan malaman ng pamilya ni Anna! Jusko, ano ba yan. Ako ang kakausap sakanila. Wag kang magalala anak." Bakas sa mukha ng aking ina ang pagkadismaya. "Pero ma, pwede bang gawin mo na parang nalaman lang nila? Ayokong malaman ni Anna na alam ko.", hindi ko na alam kung pumayag si Mama sa pakiusap ko. Nakatulog ako sa pagod.

DiwataWhere stories live. Discover now