Simula pagkabata pansinin na ako, yung tipong hindi gaano kagwapuhan pero sabi nila ang lakas ng appeal ko kaya marami kaagad akong nakikilala at nagiging kaibigan.
Ako si Matteo Go isang college student na hinahanap ang gusto sa buhay hindi ko alam kung bakit ganito ang ugali ko yung tipong may kulang na hindi mo mahanap kung ano talaga yun.
Bata pa lang ako paborito na ako sa aming pamilya dahil bukod kasi sa masayahin, malambing at maalaga ay sobrang kalog ko pa.
Pero sa likod nyan isa akong tamad, game sa lahat at kahit anong trip susubukan ko dahil nga ba nasasakal ako sa kanila kaya ako ganito??
Dahil sa lagi akong inuuna ng pamilya ko ang mga kapatid ko na sina Steve at Andrew ay nagseselos sa pinapakita ng pamilya ko.
Kaming tatlo kasi laging kinukumpara sa isat-isa at ako ang laging nasa huli pero bakit nga ba ako paborito nila gayun sobrang pasaway ko naman.
NOTE: Huwag mahiyang mag comment about sa kwento or suggestion para naman malaman ko yung mali ko sa pagsulat at maimprove pa ito.