............Matteoooo gising.!!!!! May pasokkk kapaaa.!!!!
Bigla ako nagising sa lakas ng sigaw at pagsipa sa akin (nakahiga sa kama habang dahan-dahan na minumulat ang mga mata)
Pagtingin ko si kuya Andrew galit na nakatitig sa akin.
(Lagot...mabuti pa unahan ko na ang mokong na ito...) Ano ka ba!! kailangan mo pa talaga sumigaw eh pwede mo naman daanin sa mahinahon yung paggising saakin. Daig mo pa ang manok at alarm clock inunahan mo sila. (Pagtingin ko biglang kunot ang nuo na parang hindi alam ang sasabihin.)
Naku Matteo ganyan ka naman talaga wag mo nga ako gaguhin maligo ka na at may pasok ka pa. (sabay alis at sara ng pinto)
......Oo nga pala 1st day of school ngayon at huling taon ko na sa Malaya University siguradong maraming makakamiss sa akin., teka parang may mamimiss ako,.. sana makita ko sya mamaya sa school matagal ko na syang hindi nakikita.
Pagkababa ko nakita ko sila sabay-sabay na kumakain., abay kumpleto ang casting ng pamilya Go at ako na lang ata ang kulang.
Good Morning Mom, Good Morning Dad, Good Morning Lolo at Good Morning sayo Lola Mamita (ganyan ang ginagawa ko araw-araw) uhhh kuya Andrew at Steve ano pa ginagawa nyo tara na at baka mahuli pa ako sa klase ko.
Iho mag-almusal ka muna; saad ni Lola Mamita
Mamita busog pa ako at kung kakain pa ako baka maghintay naman sila Steve at kuya Andrew saakin.... (joke lang mamita pero gusto ko talaga kumain kaso kapag pinaghintay ko si kuya Andrew ako na naman ang malalagot nito., yung sikmura ko kumakalam na)
Lets go guys! tara na at baka matrapik pa tayo., mukhang excited itong si Matteo pumasok ano kaya ang meron huh Matteo. (nakangiti si kuya Andrew na parang nang-aasar)
Si kuya Andrew ang laging naghahatid saamin sa school ayaw pa kasi kami payagan ni Dad at Lolo na magdrive kahit marami kami sasakyan sa mansion. (talagang ipinagmayabang ko pa, pero hindi naman ako marunong magdrive LOL.)
Matteo, Steve baba na kayo nandito na tayo sa Malaya University.
NOTE: Huwag mahiyang mag comment about sa kwento or suggestion para naman malaman ko yung mali ko sa pagsulat at maimprove pa ito.