Pakkkkk..........
Isang malakas na bagay ang tumama sa aking mukha, hindi ko namalayan na sinampal ako ni Andrea ang ex-girlfriend ko and at the same time kababata ko. (imagine si Matteo Go sinapak ng isang babae., hindi ako makakapayag na may gumawa nito sakin..!! humanda kang unyango ka napahiya ako sa maraming tao...)
Alam mo Matteo hindi lang yan ang aabutin mo kapag ginawa mo pa ang bagay na yan, ano akala mo saakin basta-basta na lang. Wag mo ako igaya sa ibang babae!!
Relax Ms.Beautiful hindi lang yan ang gagawin ko sayo;.. (sabay lapat ng mukha at sabihin ang)
" May mga bagay na ang daling unawain pero mahirap tanggapin,
At may mga bagay na kailangan mong tanggapin kahit mahirap unawain "
Sabay alis at pumunta na sa counter para mamili ng kakainin.
Hindi ko naunawaan ang sinabi ni Matteo napaisip tuloy ako kung ano ang kanyang ibig ipahiwatig..ano kaya yun?? (kayo alam nyo ba?? haha..)
Oh Andrea ano pa ang ini-emote-emote mo dyan kumain kana habang mainit pa tong pagkain hayaan mo na yan si Matteo alam mo naman ang ugali nyan mapang-asar ang gago hakhakhak..(sabay halakhak)
Hi Ms.Beautiful, Hi Ms.Panget pwede bang makiupo sainyo alam ko naman na namimiss nyo ako diba Andrea.. (hindi nagdalawang isip na umupo katabi ni Andrea, sabay ngiti ng ubod ng tamis)
OMG...!! Ano itong nangyayari saakin bakit may something na hindi ko maipaliwanag naiihi ako kapag ngumingiti itong mokong na'to.. mabuti pa ubusin kona tong kinakain ko at makapunta kaagad sa C.R.
Mabilis na tinapos ni Andrea ang kanyang kinakain at pagkatapos ay nagpaalam ito na pupunta sya sa C.R.
Biglang kumonot ang aking mukha napaisip ako na baka nagalit si Andrea sa ginawa ko at pinagsasabi ko.. hindi na nasanay ang unyango na yun saakin alam naman nya na mapang-asar akong tao. (hay naku.. ganun ba ako kasamang tao??)
Panget (tawag ko kay Nicole) sya nga pala mamayang gabi gigimik tayo nila Jeremiah at Jericho sabihan mo si Ms.Beautiful na sumama sya.. kako sabihin mo ako bahala babawi ako sainyo..
Talaga?? gigimik tayo kasama ang kambal,.. Dont worry akong bahala dun kay Andrea, siguradong sasama yun kapag ako ang nagyaya.. ako pa., ang lakas ko kaya dun..aja.!!
Sige ewan mona kita panget... may pasok pa kasi ako at paki sabi kay Ms.Beautiful na umalis na ako at baka mabadtrip yun kapag naabutan nya pa ako dito.
Paglakad ko ay biglang sumulpot mula sa C.R si Andrea at ang ihip ng hangin na nagmula sa kanya ay amoy na amoy ko. Tinitigan ko sya (aba nakatitig din uhh) habang naglalakad paalis ng canteen na medyo malapit na sa kanya. Bigla itong tumigil na hindi ko alam na parang nagbabanta at pumikit ito ng hindi ko alam. (aba may pa pikit-pikit ka pa na nalalaman.)
.............................................
Ano ba nangyayari sa akin at bakit bigla akong naihi ng ngumiti si Matteo?, tuloy-tuloy na pumunta ako ng C.R at hindi na lumingon sa dalawang naiwan.
Flashhhh.....
Hay salamat..ngayon makakausap ko na si Matteo ng maayos ng walang iniinda na kung anuman sa katawan. Mabuti pa magpapaganda mo na ako para paglabas ko fresh parin ako tingnan sabay spray ng pabango.
Paglabas ko ng c.r ay timing naman na nakita ko si Matteo na palapit saakin pagtingin ko sa mukha ay parang nainis na di ko maintindihan. (nagalit ata saakin ng bigla akong umalis)
Tuloy-tuloy ako sa paglakad ng may naramdaman akong kakaiba at ang tibok ng aking puso ay biglang bumilis. Habang palapit na palapit kami sa isat-isa naisip ko na baka halikan nya ulit ako, humanda kang unggoy ka kapag ginawa mo yun makakatikim ka ng tadyak saakin.
Patuloy ang paglakad ko at palapit na palapit kami sa isat-isa.... bigla akong nahinto sa hindi malaman na dahilan. Naku balak nya talaga akong halikan at may round 2 pa ang paghalik nya saakin, naku hindi ito makatarungan pero bakit iba ang itinitibok ng aking puso. Bigla akong pumikit ng magkaharap na kami, hinihintay ang kanyang matamis na labi.
Dalawang minuto na akong nakapikit pero bakit hindi pa ako hinahalikan ni Matteo?? Unti-unti kung binuksan ang aking mga mata pagtingin ko ay wala na si Matteo. Ohhh noooo...hindi maaari sigaw ng aking puso....pagtingin ko sa paligid ay may ilang estudyante na nakatingin saakin at sa isip ko pinagtatawanan nila ako. (isa ka rin sa mga tumawa nuh?)
Mabilis ko tinungo si Nicole at niyaya ko na sya umalis ng canteen dahil napahiya ako sa maraming tao.
