Andrea...... Andrea.... Andrea tawag ni Nicole saakin.
Napalingon ako ng may tumawag saakin., "Oh ikaw pala Nicole bakit ano yun?"
Wow ang aga mo naman Andrea pumasok, pwede mo ba ako samahan sa canteen nagugutom kasi ako.. treat naman kita friend..
(Mukhang may kakaiba kay Nicole na hindi ko maintindihan,.. actually papunta din ako sa canteen pero nagyaya sya...eh di grab the opurtunity makakalibre ako nito sayang naman yung pera diba. hehe) Oh sige na nga kung hindi lang kita friend may magagawa pa ba ako.
Ate isa ngang Chicksilog tsaka hot choco.... Girl wag kana mahiya pili kana ng sayo; sabi ko diba treat kita kaya wag kana mahiya..
Ganun din saakin tsaka extra rice na din po. (kumakalam na tiyan ko buti may anghel na naglibre sakin ang swerte naman ng araw ko ngayon.., siomai lang sana kakainin ko kasi yun lang kasya sa budget ko.,)
Halika ka Andrea dun tayo umupo para tanaw natin yung view ng Malaya University hindi ba maganda tong pwesto natin.
Oo nga maganda dito sabay ngiti. (nababaliw na ba to..anong maganda dito eh nakaharap kami sa parking area yun ba ang maganda sa kanya..hay naku kung dimu lang ako linibre kanina pa kita pinagtawanan.)
Habang naghihintay kami ng inorder namin bigla ako napatingin sa paparating na sasakyan, pero bakit biglang may kakaibang tibok ako na nararamdaman. May isang lalaki na bumaba sa sasakyan at parang may hinihintay ito, pero bigla itong umandar at tingin ko ay palapit ito saamin na kung saan tanaw namin ang parking area na hindi kalayuan.
Sa pagbukas ng pinto nang kotse bigla ako napasigaw dahil nadulas ang lalaki na lumabas at muntik na ito masubsob sa semento. Tumayo ang lalaki sabay kuha ng kanyang gamit at isinuot ang shades at naglakad ito papunta saamin.
Ay baluga.! ano ka ba Andrea bat ka ba sumisigaw nakakahiya ka naman kasama. Sino ba tinitingnan mo huh?? Girl may pogi na papalapit sa akin..
Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi ni Nicole dahil kilalang-kilala ko na kung sino ang lalaking naglalakad papunta sa amin kinaroroonan. Maputi, Matangkad, Chinito at ang kanyang ngiti na syang kinagigiliwan ng mga babae at kitang kita ang dalawang dimples.
Si Matteo Go.........
Si Matteo Go ang nagpakilig sa akin mula pagkabata at hanggang ngayon sya parin ang nagmamay-ari ng aking puso. (yun ang sinisigaw ng aking puso)
Pero bakit biglang nainis ako ng ngumiti na ito at habang tinatanggal ang kanyang shades ay bigla akong nanginig at nanlamig dahil nakatitig ito sa akin habang palapit na palapit ang kanyang mukha sa akin.
Ang sabi nya saakin hi Ms.Beautiful, amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga pero bigla ito tumigil sa pagsasalita at nakatitig na lang ito sa maganda kung mga mata.
Natigil na lang ang kahibangan na yun ng biglang nagsalita si Nicole at napalingon kami pareho sa kanya.
Puking ina si Matteo Go yan diba, ang ating kababata.. ibang - iba ka na ha.. Hoy kayong dalawa may tao kayong kasama huh., itigil nyo na ang inyong kahibangan..