23 ∞ OB

358K 5.7K 905
                                    

Yumiko POV

Ilang araw na ang lumipas. Isang gabi lang naman ang itinagal namin sa Batangas. Nag-effort lang talaga si James kay Mandy. Magkagalit pala sila. 

Nandito na naman ako sa Abellano's mansion. Bored dahil nasa kompanya si Lance. Ilang araw nyang hindi naasikaso ang kompanya mula nung umalis sya papuntang Japan bago ang kasal namin kaya magiging busy raw sya. 

Pinagbawalan niya akong lumabas nang walang paalam sa kanya. Kailangan ko daw munang magpaalam sa kanya. 

Ano kayang pwede kong gawin? Pero teka..kanina ko pa nararamdaman yung sakit ng tiyan ko. Wala naman akong kakaibang kinain sa pagkakaalam ko. Yung bandang puson ko kase ang masakit. 

Hindi naman siguro ako buntis kase kakatapos lang ng period ko bago ulit may mangyari samen ni Lance. Yeah. We made love sa Batangas. Si Lance pa ba? Di yun makatiis eh. Pervert talaga. 

Pumunta kaya akong OB? Kasi napapaisip ako. Bandang puson ko ang masakit. Tama, tama. 

Nagpalit lamang ako ng shirt saka umalis. Nakaligo na naman ako kanina pa. Hindi na ako tumawag kay Lance. Sa OB naman ang punta ko at hindi kung saan saan. Isa pa, kasama ko ang driver. Medyo pinag-iiwas na rin ako ni Lance na magdrive mag-isa. Masyadong protective ang asawa ko. 

Nang makarating ako dito sa ospital ay dumiretso agad ako sa room ng OB. 

"Miss Hayashi. It's nice to see you again." Sabi ng OB. 

Siya kase ang OB ko nung makunan ako non. "Yeah. And I want to clarify, its Mrs. Abellano, not Miss Hayashi." Nakangiting sabi ko. 

"Wow! So you're already married?"

"Yes one week ago."

"Congratulation. By the way. What brought you here?"

Kinakabahan ako pero basta kailangan kong magpa-check-up. 

"Parang sumasakit kase ang puson ko kaya dito ako sayo dumiretso. Hindi ko alam pero imposible namang buntis ako dahil kakatapos lang ng period ko."

"Well let see."

Ilang minuto ang itinagal ng kung anu-anong check-up na ginawa saken. Kinuhanan pa ako ng dugo, etc. Ilang minuto rin ang hinintay ko sa result.  Hanggang sa nakaupo na ulit ako dito sa harap ng OB. 

"Anong findings Doc?" Medyo kinakabahan naman ako. 

"Based on the test, hm.." Tila sinusuri pa nito ang mga hawak na papel. "As what I said before, mahihirapan kang mabuntis ulit dahil nagkaroon ng conflict sa matress mo. Sa ngayon ay kailangan mo lang mag-ingat. Hindi ko naman ipagbabawal ang pagtatalik nyong mag-asawa. Normal lang yun. Pero hindi muna siguro dapat mabuntis. Magiging kumplikado. Hindi pa kakayanin ng katawan mo. Maaari kaseng mabuntis ka pero may tendency ding makunan kalang ulit. Mahina pa ang matress mo so I'm advising you to take pills para hindi ka mabuntis sa ngayon. Palipasin nyo muna bago ulit kayo gumawa ng baby. I'm giving you vitamins para sa ikalalakas ng katawan mo. Madalas mong mararanasan ang pagsakit ng puson mo so you need to take care of yourself. Kung maaari, mga pagkaing may nutrients ang madalas mong kainin."

MY 3: To Infinity And BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon