Yumiko POV
Pagkatapos naming maging run-away couple sa mall, napag-desisyunan namin ni Lance na dumiretso dito sa bar ni Ken.
Date nga kase kami. So sa'ming dalawa ang araw na'to.
Kapapasok lang namin dito sa loob. And guess what? Andito pa rin ang babaitang lumalandi kay Lance dati pa. Bongga ha. Hindi nalang sya basta hostes na ewan dito, waitress na. Aba, nag-upgrade. Psh. Subukan nya lang na gumawa ng move para makalapit kay Lance, ako ang makakaharap nya.
"Brad." Tinapik ni Ken si Lance sa balikat saka tumingin saken. "The gorgeous Yumiko Hayashi."
Ngumiti lang ako. Si Lance hawak ako sa waist ko. "Wife, sit down." Utos nya.
Umupo naman ako. Ito yung table na lage naming inuupuan dito. Exclusive for tigers lang yata ang mesa na'to. Mukhang special eh. Saka malaki.
Tumabi saken si Lance pagka-upo ko. Si Ken umupo sa harap namin.
"Papunta dito sina Luke, Oliver at Jerome. Kakatawag lang. Sinabi ko na kasi na andito kayo." Nakangiting sabi nya.
"Tch." Si Lance nagsusungit na naman. Pero hayaan na, gwapo naman eh.
"Brad. May sasabihin ako pero wag kang masyadong mainit ha? Tapos na naman siguro ang issue sa inyo kaya ayos lang?"
Huh? Anong sinasabi ni Ken? Napatutok tuloy ako sa kanya. Inaabangan kung ano ang sasabihin nya.
"Ano yon?" Tanong ni Lance.
"Enrique Hyun is here."
O___O
"The fvck!"
Napahawak ako sa braso ni Lance. "Babe, no. Calm down please." Sabi ko. Ayoko ng gulo. Six months later, hindi naging maganda ang nangyari between samen nina Enrique. Pero unti-unti ko na din naman syang pinapatawad saka kung andito man sya ngayon sa bar ni Ken, this is the first time na makikita ko ulit sya after six months.
"Tch. Bakit sya nandito? Because of my wife? He still wants my wife? Damn it."
"Sa tingin ko mali ka ng iniisip brad. Sabi sayo, wag masyadong mainit. He's here with his girlfriend, I guess? Ilang beses na silang pumunta ditong magkasama. Look at them beside the entrance." Sabi ni Ken.
Napatingin kami ni Lance sa may gawing entrance. At nakita nga namin si Enrique na may katawanang babae. I'm glad he's having his lovelife. Hindi ko nagustuhan ang naging result ng pagka-obsessed nya saken non. Sinira nya kami ni Lance.
"I can't remember her full name. The girl with Enrique. Basta natatandaan ko lang, Mimi ang pangalan nya. Every punta dito ni Enrique, ine-entertain ko sila kaya napakilala nya saken." Paliwanag ni Ken.
BINABASA MO ANG
MY 3: To Infinity And Beyond
Fiksi RemajaLast part of Marry You. SUPPORT YUMANCE Copyrighted © Pinkyjhewelii, 2014