CHAPTER 2

94 28 7
                                        

Unang araw

My head hurts. Nasaan ba 'ko? I looked around the room. Hindi ako pamilyar sa kwartong ito. Tumingin ako sa orasan at nakitang mag-aalas dos palang. Bakit hindi pa nila ginawang ala sais o kaya ala syete?

"Good after-" my eyes widen!

"A-anong gi-ginagawa mo dito?!" Out of all the people na pwedeng makakita sa akin sa bar, bakit siya pa?!

"Don't get me wrong liana. We've been together for so long. Titigil na sana akong sundan ka dahil sa BGC lang naman pala kayo pupunta." He explained, so hindi niya pala ako nakita sa bar?

"And then? bakit ako nandito? dito ba ako dinala ni marco?" Tanong ko, damn it marco! Malalagot ka talaga sakin!

"No, just like I said sinundan ko kayo. Uuwi na sana ako pero nakita kong pumasok kayo sa isang bar. Alam kong madali kang malasing liana. So I decided na sundan ka. And that bastard.." Halos maglabasan na ang ugat niya, he looked so angry right now. "Mas pinili niya ang kaibigan niya kesa samahan ka. I wanted to punch his face so much, kaso nakita kong bumagsak ka na sa kinakaupuan mo." Napahawak ako sa noo ko. Ano na naman ba ang gulong pinasok ko?

"That's why I carried you at dito muna kita dinala, I know that tita blythe will be so angry if she knew that you're drunk." Huminahon na ang boses niya at inilapag sa table ang dala dala niyang pagkain para sakin.

"Thanks" I said.

"No problem, kukuha lang ako ng tubig." Rundll said.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang makabalik siya. Sinabi niya na rin kay mama na sabay na kaming pupunta sa airport. Hindi niya ba kasama si drake?

"Don't worry, tayo lang dalawa. Kasabay nila sila ysabel sa pagpunta, kasama na din dun si tita" Nabunutan ako ng tinik.

"May extra shirt ka?" tanong ko. Balak ko sanang maligo dahil amoy alak pa ako.

"Maliligo ka?"

"Yup."

"May towel na diyan na pwede mong gamitin. Ilalapag ko nalang sa kama mo yung tshirt. Don't worry about tita. Sinabi ko na sakanya na kumain ka lang at sinamahan kita. Mabuti na nga lang at hindi siya nagtaka na pumayag ka."

"Salamat talaga." Sabi ko at dumiretso na sa banyo.

Nang matapos akong maligo at magbihis, inaya niya akong magdrive thru sa Mcdo. As if naman na tumangi ako eh nakikisakay na nga lang ako sa kotse niya, mag-iinarte pa ko. Hindi pa daw kasi siya kumakain, inalok niya pa ako kung may gusto daw ba akong ipabili.

"Fries nalang at Chicken sandwich" Malapit lang naman ang airport dito kaya hindi naman siguro ako masyadong magugutom sa byahe.

We stopped for 5 minutes bago makuha ang order, may kinalikot siya sa phone niya at nagsimulang tumugtog ang "Dear Maria" ng All time low.

Napangiti ako, We used to be best buddies when it comes to music and everything. Nag-park muna kami at Hinayaan ko nalang siyang kumain dahil alam kong gutom na siya. I felt bad, sana pala ay binigyan ko siya ng pagkain kanina.

Itinabi ko muna ang pagkain ko dahil hindi pa naman ako gutom. Nagpatuloy ang byahe na wala kaming imikan. We can comfortably talk but you can still feel the awkwardness between us. Tanging tunog lang ng All Time Low ang maririnig mo at ang tunog ng sasakyan.

Kakakuha niya lang ng driver license last year pero na master niya na agad ang pagmamaneho. Rundll was so sporty back then. Halos lahat ata ng laro, kaya niyang ipanalo.

Nang makarating sa airport, tinulungan ko siyang dalhin ang isa niyang backpack at tsaka ko lang kinain ang binili namin kanina.

"Liana! Rundll!" Sigaw ni tita kleigh. Lumapit siya samin at dali-dali kaming niyakap.

I looked at my watch. Kala ko ba ay magkakasabay silang pumunta dito?

"Humiwalay si ysabel at tita kath niyo dahil aasikasuhin pa daw nila ang pags-stay-an niyo." Paliwanag ni mama. Nahihiya akong lapitan siya dahil alam kong hindi naging maganda ang pakikitungo ko sakanya ka kanina. Mabuti nalang at wala si papa dahil baka pagalitan na ako nun buong magdamag.

"Kleigh! Blythe!" Tawag ni tita kath sa dalawa.

Nasa likod niya si ysabel. She's wearing a white croptop hoodie, a black pants and a pair of white shoes. Nice fashion style.

"Hep! Hep! Give me all your cellphone!" Tita kath said and it caught all of our attention.

"What? But-" I said.

"No more but's!"

"Alam naming hindi niyo mae-enjoy ang bakasyon kung puro lang kayo cellphone. At walang wifi at signal dun." Mom said.

"Paano nalang kung may mangyare sa aming masama?" tanong ni drake.

"Walang mangyayareng masama, drake." Rundll said at ibinigay ang kanyang cellphone.

I guess I don't have a choice kaya pati rin ako ay napabigay na kahit labag sa kalooban ko.

Nang makasiguradong lahat ng cellphone namin ay nasa kanila na, they decided to walk us until sa pagpasok sa eroplano.

My mom hugged me, I hug her back at tsaka humingi ng tawad. Kahit ganun ng inasta ko sakanya kanina, I still love her so much. I kisses her cheeks bago umakyat ng eroplano.

"Enjoy kiddos!" Sigaw ni tita kleigh at kumakaway-kaway pa.

Pumwesto ako sa pinakadulo at inilagay ang eye mask sa aking mata para sana matulog nang nagulat ako dahil nasa tabi ko na si rundll.

"Hi!" I hate him when he's acting like this. Rundll has two sides, kung ang nakita niyo kanina ay matured na rundll, ngayon naman ay childish. May sira na nga yata ang utak niya dahil nagtratransform siya sa pagiging bata kapag gabi.

"What the hell are you doing here?"

"Hmm, syempre naka-upo. Hindi ba obvious?"

Ipinikit ko na ang aking mata at hindi na pinakinggan ang mga sinasabi ni rundll.

11 na ng gabi nang makarating kami sa airport sa del mora. Kailangan pa naming bumyahe ng ilang minuto bago makarating sa Del Mora Valley. Hindi naman gaanong traffic dahil masyadong liblib ang lugar kaya sandali lang ay nakarating na kami.

"There are four rooms, two on the left, two on the right. Kayo na bahala kung saan niyo gusto." Isa-isang ibinigay ni ysabel ang susi. Mukha siyang pagod na pagod. Peroㅡ wala namang nakakapagod.

Pinili ko ang room sa right side because he left me. Hindi, biro lang.

Ibinaba ko ang gamit ko at nagpalit.

What will happen next? Kinakabahan na ako.

12 Days of Summer #DBC2018 #Wattisawards2018 [UNDER CONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon