CHAPTER 3

81 25 9
                                        

Pangalawang araw

Nagising ako dahil sa isang katok. Sandali akong umupo sa aking kama at kinusot ang mata. Tumungo ako sa pintuan para ito'y pagbuksan. Bumungad sa akin ang isang babaeng nakasuot nang uniporme.

"Ma'am hinihintay na po kayo nila sir sa baba. Sumabay na daw po kayo sakanila sa pagkain nang almusal. Ikaw na lamang po ang hinihintay" mahinhing wika nito.

"Sandali lang, magsusuklay lang ako at maghihilamos. Huwag mo na rin akong hintayin dahil bababa rin ako kaagad" pakiusap ko sakanya at sandaling siyang tumungo at nag-paalam na aalis na.

Dali-dali akong pumunta sa banyo para maghimalos at sandali kong sinuklay ang aking buhok. Nang makita ko sa salamin na maayos na ito ay nagpasiya na akong bumaba para sumabay sa kanilang kumain. Tama nga ang sabi niya, ako na lang ang hinihintay. Ni isa sakanila ay wala pang nagbalak na galawin ang pagkaing nakahain sa lamesa.

Sa tabi nalang ni rundll ang bakante kaya napagpasiyahan kong dito nalang umupo.

Binilisan ko lang ang pagkain dahil hindi ko kinakaya ang atmosphere. Bago pa man ako makaalis sa kinakaupuan ko ay nagsalita si ysabel.

"We will travel this island later. Be ready." Napatigil ako sa pagtayo nang marinig ito. Balak ko sanang hindi sumama kaso narinig ko na ako lang ang mag-isang maiiwan dito sa bahay.

Mas mabuti nalang nga sigurong makasama sila, kesa mag-isa. Mamaya multo pa makasama ko kung hindi ako sasama eh.

Dumiretso ako sa kusina at nanood nalang ng tv. The thing called tadhana ang bumungad sakin, hindi ko alam kung nananadya ba ang palabas na ipamukha sakin na mag-isa lang ako o hindi ako kapili-pili.

I don't really like romance movie. Hindi masyadong makatotoohanan, at isa pa masyadong nagiging tanga ang mga karakter sa palabas ng dahil lang sa pag-ibig. Inilipat ko ang channel at naghanap ng matinong palabas. Sumuko ako nang wala akong makita na pwedeng panoorin.

Tumayo ako at lumabas. The air is so refreshing, the white sand here was pure.

Umupo ako sa dalampasigan, I started to remember everything. Ipinikit ko ang aking mga mata.

I smiled.

Ilang taon na rin pala ang lumipas. But the memories, I couldn't forget that, nandito pa din.

Nandito pa rin yung saya, yung sakit, naninitili pa rin sila sa puso ko.

At sa tinagal tagal nilang nananatili dito sa dibdib ko, medyo nakakasanay na.

Napamulat ako ng mata ng maramdamang may umupo sa tabi ko.

"Do you know how to swim?" Napatingin ako kay drake, he smiled at me.

Biglang lumakas yung tibok ng puso ko, hindi ako makagalaw sa aking kinakaupuan. Gusto kong tumayo at umalisㅡ pero hindi sumang-ayon ang mga paa ko, nananatili pa rin itong nakatapak sa buhangin.

"Hindi gaano, pero kaya ko" Ibinalik ko ang tingin sa dagat at ipinatong ang baba sa aking tuhod tsaka ito niyakap.

Hindi ako sanay, hindi ako sanay na kaming dalawa lang ang nag-uusap at magkasama.

Halos mabingi ako sa hampas ng mga alon at sa tunog ng hangin dahil ni isa samin ay hindi na nagbalak mag-salita. Napagpasiyahan kong umalis ng hindi man lang nagpapaalam. Hindi ko na kaya, sobrang bigat na ng puso ko.

I sigh, para akong nabunutan ng tinik nang malaman kong wala na ang presensya niya. Dali dali akong umakyat sa kwarto at inihanda na ang gamit na dadalhin ko para mamaya. Hindi naman nila sinabi kung anong oras aalis kaya maghihintay nalang ako kung kailan sila mag-aaya.

Nakarinig ako ng katok at dumiretso sa pinto.

"Galing ka sa labas kanina diba?" Rundll asked.

"Paano mo nasabi?"

"Tch. Hindi ka naman siguro naghintay?"

"Nakatulog na nga ako sa sobrang tagal"

"Kakatawa 'yun? Isa nalang talaga, tutuktukan na kita." angka niyang itataas ang kaliwang kamay para sana hampasin ako ngunit ibinaba din niya agad ito.

"Asan gamit mo? aalis na tayo." I signal him na hintayin ako sandali. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang mga hinanda ko kanina at isinuot ang backpack.

"Tara na." Sabi ko nang makalabas ako sa aking kwarto.

Kapag kalabas namin ay nandun na ang dalawa at may naghihintay sa aming maliit na bangka na magdadala samin sa yate. Inilalayan ako ni rundll sa pagsakay. Mabuti nalang at hindi pa nagdidilim dahil kung hindi, baka itulak niya pa ako at pag-tawanan hanggang mamayang gabi.

Nasa kalagitnaan na kami ng dagat ng bigla akong itulak ni rundll.

"RUNDLL!" Sigaw ko! Shit naman rundll!

"Ley!" Sigaw nilang lahat. Malapit na kami sa yate kaya nagsabi na akong lalangoy nalang ako hanggang sa makarating ako sa yate dahil basa na rin naman ako. Ilang hampas at sapak ang natanggap ni rundll mula sa dalawa habang siya, tawa pa rin ng tawa.

Huwag niyang sabihin sakin na nagbago na schedule ng pagiging isip bata niya? I don't understand him sometimes.

Nang makaakyat na ako sa yate ay dali-dali akong binigyan ng tuwalya ni rundll at nag-sorry, wala lang daw siyang magawa at boring.

Pinabayaan ko nalang siya, ang lamig ng hangin dito sa itaas. Nandito ako sa kabilang banda, hindi pa rin ako sanay na kasama sila. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa railings.

Kamusta na kaya si marco?

"Hi?" nahihiyang sambit ni ysabel, ngumiti lang ako bilang sagot.

Diretso lang siyang tumingin sa dagat, at ganun din ang ginawa ko. Gusto ko siyang yakapin, sa kanilang tatlo, siya ang pinaka-namiss ko. Hindi ko kayang mainis o magalit man lang sakanya, All those years, Nagsuffer ako kasi walang siya sa tabi ko.

"Anong degree ang kinuha mo?" tanong niya.

"Architecture" I replied.

"Oh, kala ko ba magla-law ka?" tanong niya ulit.

"I don't have talent on fighting" bahagya siyang natawa.

Halos mapatalon ako sa gulat ng may brasong pumulupot sa leeg ko, kala ko ay sasakalin ako nito ngunit ginulo niya lang ako buhok ko.

"Stop that rundll." saway ni ysabel at sumenyas na aalis na.

"What?" tanong ko sakanya.

"You know why you don't have a talent on fighting? Meron naman kung tutuuisin, pinapangunahan ka lang ng damdamin mo, ng takot mo. Alam mo, kung gusto mo talagang makuha ang isang bagay, why don't you take the chance and risk? It maybe hard at first but I know it's worth it in the end." he said.

"Because in the end, we only regret the chances we didn't take." he continued.




12 Days of Summer #DBC2018 #Wattisawards2018 [UNDER CONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon