CHAPTER 5

55 19 3
                                        

Pangatlong araw

Gising na ako pero pinili ko pa rin na manatili sa kama ko, parang ayoko ng bumangon dahil sa sakit ng katawan. Ilang isla ba naman ang nilangoy namin. Isama mo pa si rundll na paiba-iba ng shift at trip sa buhay, may kambal na nga siya, may gusto pa atang kumambal na personality sakanya.

At dahil wala akong magawa, napagdesisyunan ko ng bumangon at kumain sa baba. Kaya kahit masakit ang katawan, dahan-dahan kong itinayo ang aking sarili at lumabas.

"Magandang umaga po ma'am." bati ni mang fedring. Umupo ako sa hapag kainan bago bumati pabalik.

Nagsimula na akong kumain, ganun pa din naman ang pagkaing hinahain sa amin katulad sa Manila. I miss marco, kamusta na kaya siya ngayon?

"Nakakatuwa po silang tignan ma'am, ano?" tanong ni mang fedring ng makita ang dalawang matanda na sinusubuan ang isa't-isa. 

They look so happy.

"Wala po pala talagang pinipiling taon ang pag-ibig. Age doesn't matter, but love does." Ganun naman talaga dapat ang pag-ibig diba? Tatawaging bang "Love" iyon kung para sa magka-age at kabataan lang?

"Ika'y may nobyo na ba ma'am? parang eksperto ka pa sa akin pagdating sa pag-ibig ma'am e." Gusto ko sanang sabihin na nagkakamali siya sa iniisip niya. Isa na nga lang ang nagustuhan ko, hindi pa ako gusto.

"Wala po, magtatapos muna ako ng kolehiyo." depensa ko.

"Ay ganoon ba? Tama iyan. Iyong anak ko ring kasing edad niyo, papasok na ngayong taon sa kolehiyo. Tulad niyo ay ayaw na ring magnobyo, aral daw muna hehe." 

"Totoo po ba iyan? Wala po sa mukha ni sandro, mukha po siyang madaming chiks." Pang-aasar ko kay mang fedring, agad namang pumula iyong tainga niya. "Biro lang po." I said then a giggle appeared on his face. 

"Si ma'am talaga. Sige po ma'am, una na po ako at mamamalengke pa po ako. Kain mabuti ma'am." 

"Kumain na po ba kayo?" habol kong tanong sa kaniya. Masamang hindi mag-almusal, baka maapektuhan pa ang trabaho niya.

"Hindi pa ho ma'am baka po sa bahay nalang, pang sainyo po talaga iyang mga pagkain." Bigla akong nakaramdam ng awa, kaya kinuha ko iyong tinapay tsaka nilagyan ng bacon upang ipalaman tapos inabot ko sakaniya.

"Huwag na po ma'am." Angal niya, pero wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ito. Alam ko kasi feeling ng nagugutom, lalo na kapag hindi ka pa nakakain ng almusal buong araw mo maapektuhan.

"Saan po ang bahay niyo mang fedring?" Tanong ko sakanya habang inuubos niya ang bigay ko. 

"Diyan ma'am, sa kabilang bayan." Bigla akong nagkaroon ng ideya sa utak ko, kaya dali-dali akong tumayo.

"Pwede po bang sumama? Tutal wala din naman po kaming gagawin ngayong araw, tutulong na din po ako sa pamamalengke. Ayos lang po ba?" Masaya kong tanong sa kaniya, kita ang pag-aalangan sa mukha niya. "Hindi po ako maglilikot, promise!" Usisa ko at binigyan siya ng isang malaking ngiti. 

"Osige ma'am, wala naman po akong magagawa hehe." 

Ang hilig ni manong sa "hehe" lakas makamillenial!

12 Days of Summer #DBC2018 #Wattisawards2018 [UNDER CONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon