A/N : hello ! Im still editing some chapters out so please understand my kajeje-an parts hehe. thank you!
-
Patuloy lamang siya sa pag ma-maneho at sa 'di ko malamang dahilan ay kanina pa nakangiti ang mokong na'to. naa-abno na ata. "tss hahahaha!" mukhang di na niya napigilan at lumabas na ang kanina pa nya kini-kimkim na tawa. ano ba ang nakakatawa? tsk.
"Sabi na nga ba e. Alam kong mag kakagusto ka din saakin" agad nag init ang mukha ko sa mga salitang binigkas niya. "Ang swerte ko naman, actually no, ang swerte mo!"
nakakunot ang noong lumaki ang mata ko, gusto ko siyang itulak habang nag mamaneho ngunit naalala kong nakasakay 'rin pala ako dito at baka magkasama pa kaming sumemplang. "Hindi ka ba titigil? Ilang pam'bu-buwisit pa ba ang me'ron ka para saakin ngayong araw?" bu-bungisngis bungisngis lamang siyang umiling bilang sagot. "ba-baba na ako!"
Tutal ay narito na din naman kami, "Nag bibiro lang naman ako" ngumuso pa s'yang ini-stand ang bike. "Pero nararamdaman ko talaga, at hindi pa nag ka-kamali ang instinct ko Y/N. Alam kong gusto mo din ako" kinindatan pa niya ako atsaka ngumiti ng boxy smile, tinapik tapik pa niya ang balikat kong pumasok sa loob. Nanatili akong naka estatwa sa pwesto. Baliw nga s'ya!
H
indi nag tagal ay sumunod narin ako sakaniya sa loob. Laking gulat ko nang lahat ng mata nila ay nakatingin saakin, anong meron?
"Hoy, Alien, Wag mong sa-saktan ang kapatid ko" umarte pang umiiyak si kuya habang pinupunasan ang invisible nitong luha.
"Hahahaha! Ikaw talaga hyung, 'ni hindi pa nga kami.." pag katapos niyon ay agad niya akong kinindatan.
"Pff. Never pang kinilig na parang kamatis ang kapatid ko, sigurado akong may gusto saiyo yan" naramdaman ko nanamang nag iinit ang mukha ko. A-Ano ba ang mga pinagsasabi nitong mga 'to?. "Ligawan mo, tutal ay mas kampante ako saiyo kesa sa mga lalaking nag balak sakaniya" akala mong tatay kung umasta itong si kuya, dahil ba 'andito si Reign? hahaha!
"Hindi ka ba titigil, kuya?" alam kong walang laban ang pag salubong ng kilay ko kung ang mukha ko ay sobrang pula. "Nakakairita iyang mukha mo!"
"Biro lang naman!" tumingin ito kay Taehyung bago mag salita "Subukan mong paiyakin ito at ako ang makakalaban mo" hindi ko maipaliwanag ang itsura ko sa narinig, samantalang ikaw ang palaging nag pa-paiyak saakin nuon!
"Y-Yes Sir! Hahaha!" umasta pa itong sandalo atsaka tumingin sa gawi ko. "Bakit ko naman gugustuhing paiyakin ang taong nagbibigay ng saya saakin?"
"Hay" parang p'pwede na akong mag pirito sa sobrnag init ng mukha ko sa mga pinag uusapan nila, agad akong umalis para pumunta sa kwarto, naramdaman kong sumunod saakin si Taehyung pero hindi ko na iyon pinansin dahil hanggang dito ay naririnig ko pa ang mga boses nila.
"Satingin n'yo .. May gusto kaya talaga si Y/N kay Tae? I mean, gwapo naman kasi talaga ito, mabait, pero may pag ka Alien lang talaga hahahahaha!" boses iyon ni Lea.
"Bahala sila, kung mahal nila ang isa't-isa, 'ade mas ayos!" sabat naman ni Jungkook 'dito.
Ramdam ko ang hampas ni Lea kay Jungkook bago ito mag salitang muli. "Sira ka talaga, Nakikipag usap ako ng matino 'dito"
"Joke lang iyon Bebelabs"
"Ayos ka din e"
Nan'dito na kami sa kwarto at itong si Taehyung ay parang natataeng kanina pa may gustong sabihin."May gusto lang akong siguraduhin," paninimula niya. "May gusto kaba talaga saakin?" nag puppy eyes pa ang loko.
"What's with the face?" maarte kong tugon. bumingisngis lang ito kaya't sinagot kona. "O-Oo"
Sobrang init na nv mukha ko at alam kong kasing oula nadin ito ng kamatis. "H-Ha" iyon lamang ang lumabas sa bunganga niya, hindi na iyon nakakapag taka pero mas nag expect pa ako ng matinong reaksyon galing sakaniya.
"Nananaginip ba ako? Sampalin ako, ngayon na!" tinapak tapik pa niya ang sariling mukha, oara daw masigurado."T-Totoo ba 'yan, Swear? M-Mahal mo ako? For real?"
"O-Oo nga, mamatay ka 'man" biro ko.
"Wag nyo na akong gisingin, please" Natatawa ako sa mukha niyang pinakawalan, ngayon ko lamang siyang nakitang namula nang ganito. "K-Kung gayon ay, ay papayagan mo akong ligawan kita? Asawa ko?"
Nanlaki ang mata ko. At talagang wala siyang oras na papalagpasin! 'ni preno ay nawala sa bibig niya. "Ha"
"Ligaw, Liligawan kita" pag uulit niya.
"B-Bahala ka .." hindi kona ma-process kung ano ang sasabihin!
Mas lalong namula ang pisngi niya na si di malamang dahilan ay ikinatuwa ng puso ko. "T-Talaga? Ibig sabihin ba nuon ay pinapayagan mo na ako?" tango lamang ang naibigay kong sagot sakaniya dahil nanatili akong nakayuko, ayokong makita niya ang mukha kong dinaig pa ang red sa pula.
"YES!" parang parehas pa kaming nagulat sa lakas ng boses niya. di nag tagal ay may narinig kaming sunod sunod na katok sa pintuan.
"Y/N, anong nangyayari d'yan? Anong yes ang narinig ko, sinagot mo na ba yang mokong nayan? Alien! sumagot ka, sinagot kana ba n'yan?" sunod sunod ding tanong ni kuya. Ano 'to fast talk?
Nagkatinginan muna kaming dalawa ni Taehyung na parang binabasa ang isip ng isa't isa. Agad akong nag talukbong ng kumot at bahala na siya ang mag isop ng kung ano ang maisip niya. "Ah Hyung m-may ipis kasi, n-napatay ko! haha! Ako lang ang pwedeng lumapit kay Y/N diba hahahaha!" ano?
"A-Ahh" seryoso ba iyon, seryoso bang naniwala si kuya doon? minsan talaga ay mapapaisip ka nalang kung ako ba o si Taehyung ang kapatid nito dahil mas nag kakaintindihan ang dalawa.
'Di nag tagal ay naramdaman ko ang pag alis ni kuya sa tapat ng pintuan. "Ipis huh?" pang aasar ko. "Pwede mo namang sabihin na pinayagan kitang man'ligaw" pag lilinaw ko.
Nanlumo agad ang itsura nito. "Bakit 'di mo sinabi? Ang akala ko ay ayaw mo dahil nag talukbong ka ng kumot!" dahilan niya.
- to be continued.
A/N: Thankyou for reading ! Please continue to vote, comment, share ! Thankyou ! -3-
BINABASA MO ANG
BTS IMAGINE | My Lab Of My Lyp | KTH | ( still editing )
Romance( Tagalog story. ) Isang babaeng nag ngangalang (Y/N) ang mahuhulog sa taong kinababaliwan ng lahat, alamin kung ano ang mangyayari sa kanilang pag mamahalan. ( BTS fanfictions, BTS imagines, BTS tagalog story. ) [ This is my first time making a st...