A/N : hello ! Im still editing some chapters out so please understand my kajeje-an parts hehe. thank you!
-
Pinilit kong imulat ang mata ng masikatan ito ng araw, umaga na at base sa mga sinabi nila Crizzy kagahapon ay pu-pwede nadin naman akong makauwi ngayong araw.
Agad nag init ang mukha ko ng ang unang bumungad saakin ay ang mukha ni Taehyung, naalala ko na pinatulog ko nga pala ito saaking tabi kagabi. Gwapo.
Hindi din naman ako makaalis, ni ang gumalaw ay hindi ko magawa dahil ayokong gisingin ang tulog nito, para siyang bata na naka yakap pa saakin. Mukha talaga siyang anghel kaya't hindi na nakakapag tataka na makakayang pumatay ang isang tao para lang sakaniya.
At sa kamalasan ay mukhang ako ang tinarget ng mga kutong lupa naiyon. Pinagmasdan ko muna ang itsura nito dahil mukhang hindi din naman ako makakabangon.
"You done?" halos mapatalon ako ng bigla itong nag salita. Anak ng tokwa! "Huwag ka munang umalis, dito ka muna"
"I-I won't" parang may kung ano ang pumilipit sa dila ko, ano kaya kung narinig nito ang mga iniisip ko! baka mag karuon pa ng bagyo sa lakas ng hangin niya sa katawan.
"Hehe, I love you asawa ko"
Tinawanan ko lang ito at saka pinindot ang ilong niya kung nasaan nakalagay ang napaka gandang tanda nito, He's so perfect.
Agad sumimangot ang itsura niya, bakit ba ang cute ng lalaking ito pag bagong gising! "Bakit ka natatawa?"
"Naisip ko lang kung bakit kita sinagot, e Alien ka nga pala" pang aasar ko dito dahil hindi ko maiwasang matuwa sa itsura niya.
"Yah" awat nito, mas lalo tuloy akong natawa.
Inaasar kong ginaya ang mukha nitong nakasimangot para mas asarin siya ngunit naka i-score pa ang loko ng bigla nito akong hinalikan!
"Mmm!" Pilit kong linalabanan ang halik nito ngunit hindi ko naman siya matulak dahil hindi pa niya inaalis ang pagkayap saakin.
Hindi pa ako mag t-toothbrush!
Ilang segundo pa ay inalis din naman niya iyon. Mamamatay ako ng maaga dahil sa kalokohan ng lalaking 'to!
"Good morning" hinalikan nito ang aking nuo at saka ako binigyan ng boxy smile.
"G-good morning" hinampas ko ng marahan ang dibdib nito dahil nang aasar parin ang mga titig nito.
Ilang minuto pa ang lumipas ay napag desisyunan nadin naming bumangon, umupo ako sa sofa dahil ang sabi ni Taehyung ay mag luluto daw siya, hindi ko malaman kung paano siya mag luluto ngunit ang susunod ko nalamang nalaman ay may mga gamit at sangkap na siya. Confirmed, alien nga.
Ilang minutong muli ang lumipas ay nakarinig kami ng ingay sa labas, sigurado akong iyon ang mga kaibigan namin, hindi naman ako nag kamali dahil nakarinig din ako nang sunod sunod na katok sa pintuan, binuksan ko iyon at ang unang bumungad saakin ay si Micah, Girl friend ni Jimin. "Kamusta?"
Nag sunud-sunod ang mga tanong nila kaya't isa isa ko din naman itong sinagot. "Okay naman na ako, kaya't pu-p'wede na talaga akong makauwi." page-explain ko sa mga ito dahil bakas padin sa mga mata nito ang pag aalala.
"Mabuti" binigyan ako ng matamis na ngiti ni Mandy kaya't nabawasbawasan pa lalo ang nararamdaman ko.
"Hoy liit" pag tutukoy ni Micha sa kasintahan. "abutin mo nga iyong mansanas"
Pinag salubungan lang ito ng kilay ni Jimin, ngunit di din naman nag tagal ay sinunod niya ito. "oh"
"Hehe, thankyou! Gwapo mo talaga!" bawing paglalambing naman ni Micah dito, binigyan lang naman siya nito ng mayabang na ngisi at pumose pa ng gwapo, lahat kami ay nag tawanan.
Mag kakaibigan nga ang mga ito, parehas makakapal ang mukha! hahahaha!
Sinimulan itong balatan ni Micah at pag tapos nuon ay ibinagay niya saakin. "Kainin mo muna iyan habang nag luluto pa si .. Taehyung?"
"A-ah, sabi niya ay siya na daw ang mag luluto hehe" paliwanag ko dito dahil mukhang hindi ito makapaniwala.
"Bakit Micah, Sanay naman ako!" pag tatanggol ni Taehyung sa sarili na ikinatawa ko, parang bata talaga ang lalaking ito.
"Sanay nga, pero saatin naman ay hindi ka nag luluto!" sigaw ni Micah dito pabalik, tama naman siya kaya't may point siya magulat nang malamang siya ang nagluluto hehe.
"Para sa asawa ko naman ito!" hindi ko maiwasang mamula sa pinag sasabi nito, para kaming mag asawa kung umasta siya!
"Aysus" tanging nasagot dito ni Micah.
Inalok pa ito ni Jin ng tulong at tinanggap naman iyon ni Taehyung. "Anong oras tayo aalis?" pag iiba ni Reign sa usapan.
"Mga 12:00 siguro?" sagot naman ni Judy dito.
"Argh yes! pag tapos nuon ay dumireto tayo ng Baguio! tutal ay malapit lapit lang din naman iyon!" parang batang sinuggest iyon ni Lea na sinang ayunan din naman ng lahat. "One day lang naman kaya't sigurado akong makakapag practice pa tayo para sa event"
Parang mga batang sumasangayon kay Dora'ng tumango kaming lahat.
Ilang minuto pa ay inabutan na ako ni Taehyung ng linuto niya. "Oh asawa ko, favorite mo iyan hindi ba? Adobong manok" nginitian niya ako at agad ko naman iyong sinuklian.
Alam niya kung ano ang paborito ko!
"Salamat" nginitian ko ito at saka pinisil ang pisngi nito.
"Ito naman ang saiyo Hon" inabutan din ni Jin si Mandy.
"Thankyou, Hon!" agad naman iyong kinuha ni Mandy.
"Asaan ang samin?"
"Yung sa'min?"
Sunod sunod nilang tanong, napanganga lang ang dalawa sakanila atsaka nag pamaywang sa mga harap nito. "Mag hain kayo ng sarili n'yo!"
Agad napaangal ang mga babae naming kaibigan sa sinagot ng dalawa, hindi din naman nakatiis at ibinaling nila ang utos sa mga kasintahan na walang nagawa kundi ang nanlalatang sumang ayon sa mga ito, nakakatawa!
Ilang minuto ang lumipas at natapos din naman ang lahat kumain, iinom sana ako ngunit biglang nag salita itong si Taehyung. "12:00 na ah!"
Agad akong nabulunan sa kaniyang sinabi, Ang bilis naman ng oras!
Tinapik tapik ko pa ang aking dibdib, "Tubig, gusto mo ng tubig?" nag papanik na tanong ni Taehyung, tinanguan ko lang naman ito at patuloy sa pag tapik ng dibdib ko, ano ba ang nangyari!
"OA ng pag tanong ha! Hindi naman mamatay iyang si Y/N kaagad!" pang aasar muli ni Micah dito.
"Tss. Palibhasa ay hindi makuhang mag alala saiyo ni Jimin hyung!" bawi naman ni Taehyung sakaniya.
"Ano ka? Kahit nga hindi iyan nabubulunan ay binabatukan ko iyan" agad nag tawanan ang kahat sa sinabi ni Jimin."Sobrang caring, hindi ba?"
"BABE!" agad namang angal ni Micah.
Halos mapuno ang kwarto naito ng tawanan dahil sa pinag gagawa ng mga ito.
- to be continued.
A/N: Thankyou for reading! Please continue to support, vote and comment ! Thankyouuu!
BINABASA MO ANG
BTS IMAGINE | My Lab Of My Lyp | KTH | ( still editing )
Romance( Tagalog story. ) Isang babaeng nag ngangalang (Y/N) ang mahuhulog sa taong kinababaliwan ng lahat, alamin kung ano ang mangyayari sa kanilang pag mamahalan. ( BTS fanfictions, BTS imagines, BTS tagalog story. ) [ This is my first time making a st...