CHAPTER 10

1.5K 60 1
                                    

A/N : hello ! Im still editing some chapters out so please understand my kajeje-an parts hehe. thank you!

-

"Saan naman tayo mag s-stay dito?" tanong ni Micah.

Lahat kami ay tumingin kay Lea dahil s'ya naman ang nag aya na pumunta dito, ngunit tinaasan niya lang kami ng balikat. Aba'y loko to ah.

Tumingin naman kami kay Jin dahil alam naming kahit saang parte ng mundo namin ito dalin ay may bahay sila. Naalala ko pa nung pumunta kami ng Japan dahil may concert sila duon at sakto namang may bahay daw sila duon. "Uh, Meron si Dad ng mansion dito, ngunit sa pagkakaalam ko ay luma na iyon dahil walang tumitira"

"A-ano?" tanong naming lahat. Lahat kami ay duwag sa multo at mansion pa ang pupuntahan namin!paniguradong may mga tumira duong multo!

"Eh kung ayaw nyo umuwi na tayo" ani pa ni Jin na agad di pinag sang ayunan ng lahat, kaya't wala naman kaming nagawa kundi ang sumama ulit sakaniya sa van para pumunta sa mansyon na sinasabi niya.

Hindi nag tagal ay ipinarada na ni Jin ang van dahil lalakarin nalang din daw ang papuntang mansyon na iyon. Agad umangal ang iba ngunit sumama nalang din.

Nasa kalagitnaan na ng pag lalakad ay agad na sinakitan ng tuhod ang iba, hindi kami prepared na may ganitong lalakarin! Ang iba ay umupo muna para mag pahinga kaya't ganuon din naman ang ginawa namin ni Taehyung.

Ilang minuto pa ay nag yaya nadin si Jin na mag simulang muli sa pag lalakad. "Jungkook babe, pasanin mo na ko" mangiyak ngiyak na ani ni Lea kay Jungkook.

Ganun din naman ang ginawa ng iba. Kami nalamng apat nila kuya, Reign, Taehyung ang hindi. Kaya ko pa namang mag lakad no!

"Pakipot pa ang dalawang 'to" sabay na sabi ni kuya at Taehyung na agad naming pinag salubungan ng kilay ni Reign.

Hindi ko naman talaga gustong mag papasan !

"'O sige na nga!" ibinigay ni Reign ang kaniyang mga gamit kay kuya at pag tapos nuon ay pinasan siya. "Huwag mo akong ilalaglag Suga, sinasabi ko saiyo!"

Umiwas naman ako ng tingin sa kanilang lahat dahil ako nalang ang hindi pumapasan sa mga babae. Ayoko! Hindi naman ako bata para sa mga ganya-

Agad nanlaki ang aking mga mata at nag init ang mga pisngi ng pasanin niya ako! ngayon ay nakaupo na ako sa kaniyang mga balikat kaya't todo hawak ako sakniyang buhok! Nababaliw na talaga siya! Paano kung matuwad kami? baka bumalik pa ako sa hospital!

"Ayooon, ayaw pala kasi ng pasan!" pang aasar pa ni Lea saakin na lalo kong ikinapula. Puro baliw ang mga kasama ko.


Nang makarating sa labas nito ay halos mapanganga kaming lahat sa laki! May tatlo itong palapag at kulay kahoy naman ang itsura ng labas! Hindi mapagkakailang anak nga siya ng CEO!

Tinapik tapik ko ang balikat ni Taehyung para sabihing ibaba na niya ako, mukhang hindi pa nangangawit ang mokong naito! Ngumuso siya at umiling iling.

Aba't talaga namang!

Binigyan niya ako ng boxy smile atsaka marahan akong ibinababa, sumunod din naman ang iba at ibinababa narin isa isa ang kanilang mga kasintahan.

"Hon sigurado kabang bahay ito at hindi Hounted house?" nagtago pa si Mandy sa likod ni Jin, hindi naman kasi talaga maitatanggi na mukha nga itong hounted house!

"Hon, Bahay pa din naman ang hounted house" agad nag sitawanan ang lahat sa sinabi ni Jin, binatukan naman siya kaagad ni Mandy at umalis sa likuran nito.

"Ilan ba ang rooms dito?" tanong ko dahil mukhang madami nga ang mga kwarto, sa laki ba naman ng mansyon ay magulat nalang ako kapag tatlong kwarto lang ang mayroon dito kasama na ang banyo.

BTS IMAGINE | My Lab Of My Lyp | KTH | ( still editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon