Crazy_Trix here your story na. Iloveyou baby Cai
Continuation....
After a few minutes nakarating na rin ako sa mall and he texted me na nandun na siya. Hihintayin niya na lang daw ako sa may National bookstore may titingnan pa daw siyang libro.
Patungo na ako sa mall ng may nakabangga sa akin.
"I'm sorry miss" sabay takbo ng lalaki. But wait parang familiar mukha niya. Hmmm saan ko ba nakita ang mukhang---
Si-
"Oh you're here Cai."
"Hi Drix." Di ko masyadong pinapahalata na naiilang ako sa kanya. First time namin tu kaya nakakahiya. Kahit na always kaming nagchachat, nagtatawagan, at nagtetext di ko pa ring maiwasan na di mailang.
"Act normal Cai katulad ng pagtatawagan natin through phone. Ako pa rin itong palagi mong kausap sa phone or ka chat" mind reader din ata tu Hahahahaha.
Nagyaya muna siyang kumain kami at napag kasunduan naming sa Jollibee na lang kumain. Namiss ko din kasing kumain ng Sundae plus fries.
"Are you fine Cai?"
"Yeap. Okay lang ganito parin maganda as always hahahaha" nagtawanan lang kami at di na rin ako masyadong naiilang kay Drix "so saan mo planong mag college ngayong pasukan?"
"Gusto ko sana kung saan ka papasok e dun din ako. Saan mo ba planong mag aral" mhey ghed! Feel ko namumula na ako huhuhuhu. Nakakakilig talaga ang lakaking ito.
"Baka sa Manila. La Salle or Ateneo ang pinag pipilian ko. Baka next week mag te-take na ako ng entrance exam sa dalawang school na yan"
Tumango-tango lang siya sa sinabi ko.
"Sabay na lang tayo kung ganun?" Nag smile na lang ako bilang tugon ko. Nagpatuloy ako sa pagkain ng fries habang si Drix ay nakatitig lang sa akin.
"Baka matunaw ako niyan" biro kong sabi sa kanya tumawa lang siya ng bahagya.
"Mas maganda ka pala sa personal." Wahhhh mababaliw na ako sa pagkilig. Di pa ba titigil ang isang ito?
After naming kumain ni Drix ay nag ikot-ikot lang kami sa mall tas may binili siyang couple bracelet at pinasuot niya ito sa akin tas ng isa suot niya naman.
Bago mag 5 pm ay naihatid na niya ako sa amin. Grabi di mawala ang ngit ko hanggang pagpasok ko sa bahay.
"Hoy! Babae may kasalanan ka sa akin!"
"At ano naman yun ate?"
"Di ka nag update sa akin time to time. Di ka pa nag text kung dumating ka na ba sa pinuntuhan mo!" Gusto kong ma bad trip kay ate pero dahil hanggang ngayon ay kinikilig pa ako, ngumiti na lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
LOVING SOMEONE WHO DOESN'T LOVE ME ( COMPLETED)
Short StoryNagmahal ka man at nasaktan noon kailangan mong harapin ang kasalukuyan