9~~

6 3 0
                                    

Naglalakad na ako ngayon palabas ng building. Nadadaanan ko ang mga empleyado kong busy sa kanilang trabaho. Napansin ko rin ang bahagyang pag bo-bow nila sakin. Ngumingiti lang ako pabalik sa kanila.

Pagdating ko sa parking lot, pinindot ko ang car remote key ko dahilan para tumunog ang sasakyan ko sa malapit. Dumiretso ako dito at pinaandar. As I got out from the place, naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bag ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

  Jean's Calling .....

Ngumisi ako ng makita kung sino ito. Tamang tama wala akong kasama mamaya para mag bar.

"Hello?"

"El, where are you?" tanong niya.

"On my way home, why?"

"I need your help, something happened! Kita tayo sa house niyo. Right now!" she said hysterically. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa daan. Anong problema nito?..

"Why? Whats the matter Jean?." nag alalang tanong ko. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko.

"I'll explain it to you later in your house. Im almost near. Sige." pinatay na niya ang tawag. Bahagyang may naramdaman akong kaba sa dibdib ko. Shit! Jean, anong nangyari sayo? Mas binilisan ko ang pagpapatakbo ko sa sasakyan.

Pagdating ko sa bahay nadatnan ko ang kotse ni Jean na nakapark sa tapat. Pinatay ko ang engine at lumabas, tumakbo ako sa loob ng bahay at hinanap si Jean. Nakita ko siya sa kusina na umiinom ng tubig.

"Jean! What happened?!" I almost scream. Lumingon ito sa akin at ibinaba ang baso sa sink.

"El! My ghad, andito ka na. I need your help." Lumapit ito sa akin at hinila ako patungong sofa na nasa sala.

"Ano ba Jean! Ano ba kasi nangyari. Your making me nervous!" singhal ko bago umupo. Tinitigan niya ako saglit bago nagsalita.

"Drenz invited me to a dinner date. I dont know what to wear. Can you help me? please." sinabi niya. Nanlaki ang dalawang mata ko. What. the. hell? Halos mamatay na ako sa kakaalala tapos ito lang ang problema niya?

"Are you nuts?! Halos paliparin ko na ang sinasakyan ko kanina tapos ito ang ibubungad mo sa akin? Alam mo bang sobra akong nag alala?!" sumigaw na ako. Pinagmukha niya akong tanga..

"El naman eh. Sorry na please. Hindi na mauulit. Tulungan mo na ako, please?"

Tumingin ako sa mga mata niya. Halos masuka ako sa itsura niya. Bahagyang nag puppy eyes at ngumunguso. -_-

"Okay. Pero Jean, next time please. Sabihin mo kaagad yung rason nang hindi ako nag aalala ng ganito. You just made me going nuts." sinabi ko. I heaved a heavy sigh. Napansin kong ngumisi ito sa sagot ko.

"Yes El. Hindi na talaga mauulit. C'mmon tulungan mo na ako. Ngayon lang ako nawalan ng idea sa isusuot ko." sagot nito habang naka ngiti.

Kumunot ang noo ko nang may marealize ako. Tila iba kaysa sa dati. Humarap ako sa kaniya at seryosong tumitig. Napansin niya ang mood ko at dahan dahang nawala ang ngisi nito sa labi.

"Youre falling." Its not a question, its obviously a statement.

"N-no!" she retorted. Napatulala ito sa kawalan. Now, shes realizing. She never ask for my help whatever matters that includes boys. She can handle herself sa mga ganitong sitwasyon. Pero ngayon.....

"Yes, Jean...." tumingin ako sa kaniya. "Are you ready to love again?"

Bahagya itong lumingon sa akin. Umiling siya at isang butil ng luha ang kumawala sa mata niya.

"N-no. I cant. I dont know." bumuhos na ang mga luha sa mga mata niya. Tinakpan niya ng dalawang kamay ang buong mukha niya saka humagulgol.

"Jean. Its okay. Kung hindi mo pa kaya. Its okay. Just tell me kung itutuloy mo pa ito. But then, its better kung pupunta ka. I know youre just afraid of what will be the outcome. Pero move on Jean. Past is past. Dont compare him to Drenz. Malay natin iba siya." paliwanag ko. Tumayo ako sa inuupuan ko at lumapit sa kaniya.

Hinagod ko ang likod niya at nagpatuloy. "Let go of the past that still ruining you. Yes, it is still part of you. But remember. Drenz is your present. We may  not be convinced that he will stay. Though he's still there. Jean, start all over again. Its not a bad thing" 

Lumingon sa akin si Jean saka nagpunas ng luha. Bahagya siyang ngumiti at niyakap ako.

"Thanks a lot, El" ngumisi ito saka tumingin sakin, "I know its time to leave my feelings behind"

Huminga siya ng malalim. Hinawakan ko ang kamay niya para hilain patayo.

"Lets go?" tanong ko.

Tumango siya at tumayo. "Tara na nga. Ano ba yan, sira na beauty ko. Maga na itong mata ko sa kakaiyak."  tumawa siya ng payak. Hindi mo parin maiaalis sa kaniya ang ginawa ng nakaraan niya sa kaniya.

"Teka....."

Huminto si Jean sa harap ng pintuan ng room ko. Bumaling ito sa akin at nag taas ng kilay. Tinignan niya ako mula baba pataas. Bahagyang akong na conscious sa itsura ko. Ano na naman bang problema nito?

"Ang galing mong mag advice sakin kanina, pero wala ka namang lovelife...Tapatin mo nga ako." she motioned her arms into cross-arms labeled in her chest.

"Ano namang ipagtatapat ko?" bahagyang tumaas ang kaliwang kilay ko. Nakatitig parin siya sakin

"Do you have... err--relationship? Perhaps boyfriend?"

Bigla akong natawa. Me? Having a boyfriend? Youve got to be kidding me. Tumigil ako sa pagtawa at seryosong binalingan siya.

"Dont kid around me Jean, you know me so well" sagot ko. Hinawakan ko ang doorknob para buksan ang pintuan. Muli akong nagsalita ng makapasok kami.

"Wait. Ibig sabihin hindi mo ako masasamahan mag bar mamaya?"

Halos manlaki ang mata niya sa sinabi ko. Hinarap niya ako bago maupo sa couch ng kwarto ko.

"bar ulit?! Hindi ka ba nagsasawa jan? Hindi ka naman nakikihalubilo doon. Inom lang ang gusto mo. Bat dika na lang uminom dito sa bahay niyo?"

"Ayoko. Ang tahimik dito. I prefer heavy noise than silence. Its deafening."sagot ko. Totoo naman. I hate silence. Mas gugustuhin ko pa sa maingay na lugar kapag umiinom ako. Thats where I can distruct my mind from problems. Kapag kasi tahimik, I can think clearly as vivid sa mga problema ko.

"Ang arte mo. Simulan mo na nga ako." Bahagya siyang napa iling. Lumapit ako sa may walk in closet ko. Habang tumitingin ng magandang dress napansin kong napatulala siya ng saglit.

"About your step mom. Ano nang balita mo sa kanila?"

Natigilan ako sa ginagawa ko. Humarap ako sa kaniya at nakita kong napatingin rin siya sa akin.

"I-I dont know"

Lies between truthsWhere stories live. Discover now