8~~

29 11 0
                                    

"Jean!!!!!!!!!"

"Anong oras na oh? Gising na!"

Ang ingay -_-

"Ano ba?! Ang aga aga pa kase eh!" sigaw ko pabalik. Inaantok pa ako eh.

Hindi ako nakatulog kagabi dahil kay Anne. Sakto kasing pagdating ni Anne at Jean sa pintuan na tutulugan ni Anne, bigla siyang nagsuka sa mismong pintuan. At dahil malikot si Anne pag naka inom, ayun kumalat ang suka niya sa sahig at sa damit ni Jean. Galit na galit si Jean noon nang hinawakan pa ni Anne ang mukha nito na may suka. Muntik na rin siyang sumunod. Yuck T_T.

At imbis na matulog na kami....
Hindi ako nakatulog dahil dada pa ng dada si Jean sakin pagkatapos naming maglinis kung bakit daw kase hindi ko siya tinulungan sa pag akyat kay Anne. Edi sana napadali at naipasok na siya sa loob bago pa nasukahan. Natawa nalang ako sa reaksyon niya. Diring diri ito habang kinukwento.

"Hindi ba't may meeting kayo ngayon?"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang mapagtanto ko ang sinabi ni Jean. May meeting pala kami with the boarders. May problema kasi sa isang client namin sa Cebu. Hindi nagka intindihan kaya nagrereklamo ito. At ang isa ay doon sa isang lupa na pagtatayuan ng resort para sa negosyo. Hindi pumayag ang may ari na ipagbili ito. Kailangan na kailangan talaga ang lupang iyon para sa proyekto kung kayat I voluteered myself para kausapin ang may ari. Dito nakasalalay ang pera ni Mr. Sarmiento kaya todo asikaso rito.

"Sinabi sakin ni Anne kanina bago siya umalis. Ten thirty ang meeting at alas nuebe na, kaya bilisan mo"

Napatingin ako kay Jean na nakatayo sa harap ko. I shooed her away at nagtungong banyo.

"Maghanda ka na ng breakfast natin... Wala yung maid ko. Umuwi, may emergency daw" sinabi ko bago tumalikod.

"Hindi mo na kailangang sabihin. Kanina pa nakahain ang pagkain doon." habol nito bago naglakad paalis at isinara ang pinto.

A few minutes later, tapos na akong magbihis. Bumaba ako at sumalubong sakin ang mabangong amoy ng pagkain. Napansin kong kumakain na doon si Jean mag isa.

"Grabe, di mo man lang ako hinintay. Anong klase kang kaibigan?" sabi ko. Hinila ko ang isang upuan tsaka naupo.

"Ang tagal mo. Nagutom na ako eh." aniya habang sinusubo ang isang hotdog.
"Tsaka hindi ka na kailangang hintayin. Makakakain ka rin naman kahit hindi kita hintayin. Di mo ko bunganga"

"Wow ha! Nahiya naman kasi ako. Bahay ko po 'to. At yang kinakain mo. Ako po bumili niyan" saad ko. Sarcasm evident on my tone. kainis! Ako pa pinahiya -_-

Hindi ako pinansin ni Jean at parang walang narinig. Pinagpatuloy niya lang ang pagkain niya habang ako kumain narin at baka malate pa ako. Mahirap na.







"The client from Cebu warned us that if we didnt do anything, he will file a warrant of arrest against us. Maam El, however, this client agreed to help us to recognize and investigate what happpened."

"What about the other one? Give him big proposals so that we can now have that property" sinabi ko. Humarap sakin ang isang boarder.

"Its sad to say this Maam El, but we did our best to convince him. Halos maubos na ang mga ideas namin para jan" problemadong saad niya. I nearly got to lose hope. Pero hindi ko pa sinusubukan.

"Maam El, about kay Mr. Sarmiento. How do we explain this to him. Hindi natin matatapos ang pro--"

I stand up upon hearing the word. "No! Ako ang makikipag usap sa kaniya" diin kong sinabi. I noticed the sudden smiles on their faces. They know how persuasive I am sa mga ganitong bagay.

"Thanks for the hardwork. Ako na ang bahala sa lupa. You may proceed to your work. Meeting adjourned" pagtatapos ko sa meeting.

Nagsilabasan na lahat maliban samin ni Anne. Bumaling ako kay Anne at nagsalita.

"Fixed my meet up with the owner of that land Anne. Also give me his profile documents" utos ko kay Anne na nagliligpit ng papeles sa mesa.

"Yes Maam. About sa lupa ang alam ko binata ang nagmamay ari nun. But then, ibibigay ko na lang po yung identification niya sa inyo"

"binata? Ang alam ko may edad na ito? How come?"

"Last month lang daw kasi ipanasa sa kaniya after his dad died. Pero hindi pa official dahil may mga kailangan pa siyang gawin na nakasulat sa last will testament ng ama niya." sabi nito. Bahagyang kumunot ang noo ko. Kung ganun.....

"Yes Maam. Hindi pa natin mabibili ito hanggat hindi pa niya nakukumpleto ang utos sa last will ng ama niya" sinabi nito na parang alam na ang iniisip ko.

"So kailangan pa natin siyang matapos ang pinapagawa bago natin mabili? Next year na sisimulan ang proyekto at hindi pa natin nabibili ang lupa. Kailangan ko na talagang kausapin ang may ari and to make sure na mapapasaatin na ito for the project." sagot ko. Tumango nalang si Anne at hindi na umimik.

Napatitig ako sa kawalan. Hindi natin sigurado ang hinaharap. Maaaring hindi maibenta sa akin ang lupa, and that lead to failures. Maapektuhan ang mga shares sa proyekto, malaking pera ang nakataya dito kaya maaaring ikabagsak ng kompanya pag hindi ko mabibili ang lupa.

"Lets go maam, wala na po kayong susunod na appointment. You have now your time" ngiti ni Anne habang nakatayo sa harapan ko at hawak ang mga papeles.

"Okay, I guess I need to freshen' up my mind" sagot ko habang nakangiti. Sa susunod na araw maaaring hindi ko na magagawa ito. Magiging busy na ang lahat next week for another presentation about the project.

Bahagyang kumunot ang noo ni Anne, "Ghad! We just went last night, El. Ang aga aga pa. How 'bout malling or in the cafe instead?"

Umiling ako, "No, we need to drink this up. Malay mo hindi ka na makaka inom bukas dahil baka bawiin na buhay mo" I joked.

"What the! You have a wild imagination I guess. Magkakaroon ka talaga ng sakit jan sa kakainom mo! Aish" asik nito. Tumawa naman ako at tumayo at hinila siya palabas ng conferrence room.

Dumiretso kami patungong elevator.
"Its fine, just fun lang naman eh. C'mmon, Anne." I muttured before pressing the button.

"Okay okay. But theres a problem..."

"What is it?" tanong ko.

"I-- I cant be with you.... Tumawag kanina si Ryler, may sakit daw ngayon si Jenny" malungkot nitong sabi.

"May sakit si Jenny? So, ano pang ginagawa mo dito? puntahan mo na baka lumala pa ang sakit. I'll be fine here. Mas importante ang kaligtasan ng kapatid mo" I assured her. Ngumiti ito at nagpasalamat. Bumukas ang elevator. Bago siya umalis ay nagpaalam muna ito at humingi ng paumanhin.

Napatitig ako sa labas na dinaanan ni Anne. Kawawa ang mga bata. Wala man lang tumitingin sa kanila kapag wala si Anne. Si Ryler ang sunod kay Anne habang si Jenny naman ang bunso. Kapag wala ang kuya nila, ipinapaalaga ni Anne si Jenny sa kapit bahay nila. Pero nababahala ako. Hindi natin alam kung ano ang ginagawa nila sa bata habang wala sila Anne. Para ko narin silang mga kapatid, thats why malapit sila sa akin.

Naglakad ako palabas ng building ng may naisip na paraan para sa mga bata.

Sila nalang ang natitira kong pamilya. I will do everyrhing  para sa kanila. I dont want to lose another . Tama na ang dalawa..

Lies between truthsWhere stories live. Discover now