4~~

22 14 0
                                    

"Good evening maam" binati ako ng isang waiter na sumalubong sa amin pagkatapos sabihin ni Anne yong pangalan ko na naka reserve. Ngumiti lang ako at tumango sa kaniya.

"This way maam" dagdag pa nito at iginaya kami sa isang lamesa malapit sa pader na salamin.

Umalis ang waiter pagkaupo ko, sumunod rin si Anne na nagpaalam na sasagutin ang tawag.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng restaurant pagka alis ni Anne. Maganda at maaliwalas ang ambiance, perfect for relaxation habang kumakain. Maganda nga talaga dito.

"Miss Lim?" napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. I smiled at him at tumayo nang marealize kong si Mr. Sarmiento ito.

"Good evening Mr. Sarmiento, nice to meet you" bati ko at itinuro ang upuan sa harap ko, "Have a sit."

"Can we eat first before anything else?" tanong ni Mr. Sarmiento sakin kaya napatango naman ako sa suggest niya.

I gestured the waiter earlier na lumapit dahil o-order na kami.

"Whats your order Maam....Sir?" tanong nito kaya binigay naman namin ang order namin.

Light meal lang ang sakin dahil mini-maintain ko ang physical feature ko. Sa halip na soft drinks ay tubig lang ang hiningi ko.

Pagkadating ng pagkain namin ay siyang pagdating rin ni Anne. Umorder rin siya ng light meal for dinner. Hindi naman payat si Anne, kung tutuusin sexy na siya sa lagay na yan kaya nagtataka ako kung bakit pa ang konti ng kinakain niya. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain kaya halos laman ng usapan ay talambuhay ng isat isa.Matapos kaming kumain ay naghanda na ako para sa proposal na gagawin.

"So,... for the proposal that we talked about yesterday is already here. You can expect more than this if this project will done accordingly and perfectly Mr. Sarmiento. You could get your share this instant and we will assure you that your money is surely safe with us,we will not dissapoint you sir, actually this proposal will give your  company a good impact." paliwanag ko kay Mr.Sarmiento pagkatapos naming magkamustahan matapos mag dinner.

Iniabot ko naman ang ang mga papeles na kailangang mapirmahan.

"Ive heard so many good news about you Ms. Lim, and I really think your the person I am looking for. Youre perfect to be a business woman. Surely, you can handle my money. Deals closed" ngumiti ito at nakipaghand shake matapos niyang pirmahan ang proposal ko.

"Good choice Mr. Sarmiento" tugon ko at tumayo na.

"Swerte ang magiging asawa mo kung ganun Ms. Lim." tumawa ito pagkasabi niya yon.

O_o mukha na bang kailangan ko na ng asawa?

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon. Ang bata bata ko pa para mag asawa pero kung makapagsalita sa harap ko balewala lang, Syempre baby face noh! aish! kung hindi lang kita client nabatukan na kita.....

"Ah...eh haha" nakitawa nalang ako kahit pilit. Baka ma offend pa at mabawasan pa ang panot niyang buhok kung sasabihin kong hindi ako natutuwa at hindi ako mag aasawa . Bawiin pa ang deal namin...... Pero syempre joke lang yong hindi mag aasawa noh!

"Sige Mr. Sarmiento mauna na po kami. Thank you again" paalam ni Anne kay Mr. Sarmiento sa kanya. Tumango nalang ako ng tumingin siya sakin.

"Okay, good night to the two of you ladies" sabi nito sabay talikod at sumakay sa sasakyan nila. Hayy!

Sa wakas tapos narin at walang naging problema sa negotiation. Malaking isda talaga si Mr. Sarmiento dahil isa siyang kilalang successful businessman dito sa lungsod. Hindi ko akalaing magiging madali lang ito.

"Lets go El?' napalingon ako kay Anne tumawag sa pangalan ko... T_T

"San mo naman nakuha yan?" tanong ko sa kaniya. Pano ba naman may nakusuot na ngayong balabal sa ulo niya. Hindi ko man lang namalayan. Anong trip niya?

"Ah.... eh w-wala to" aniya na naiilang. Napakamot rin siya sa ulo niya na may nakatalukbong na scarf.

"baliw ka na ba? Sa BAR po tayo pupunta, hindi sa beach." diniinan ko talaga salitang "bar" sa kaniya. Nawawalan na ata siya ng bait -_-

"Tanggalin mo nga yan!" dagdag ko pa at sinubukang kong abutin ang nasa ulo niya. Lumayo at iniwasan niya naman ang kamay ko. Ugghh!

"Waaaagg!! Kasi nga...........--Ah basta! wag mo tong tatanggalin! bahala ka jan!" tumalikod na siya at nauna ng maglakad papalayo  sakin.

"Eh,.. alam mong bar yon eh! Paano ka makakakuha ng lalake niyan?" hinabol ko naman siya at sumabay sa paglalakad. Nanlaki naman ang mata niya.

"Nagbiro ka ba tungkol sa mga lalake, El? Wow! First time!" tawa niya kaya napasimangot ako.

Like hindi ba ako pwedeng magbiro ng ganun?

Parang nabasa naman niya ang nasa utak kung kayat tumawa ulit ito ng napakalakas. Sa sobrang sira na ng ulo nito pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid... aish!

"Oo naman noh! A manhater? magbibiro na maghahanap ng boy? Dude! youve got to be kidding me!" mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya. Nauna na akong naglakad sa kaniya ng natanaw ko ang newly open na sign sa isang bar.

Oh! so man hater na ba agad yung hindi kumakaibigan ng lalake, iniisnob at tinataasan ng kilay? Grabe ha!

Eh, sa ayoko sa kanila eh! Hindi ko sila trip..-_-b

"Mapili lang" depensa ko.

"Hahahah. Ang taas naman ng taste mo El!" asar niya habang nakahawak na sa tiyan sa kakatawa T_T

Teka nga!-- kanina pa to ah! Sumimangot ako at hinarap siya.

"Anne? Can you stop it now? Tama na okay? Isipin mo na ang gusto mong isipin dahil andito na tayo" Nauna na naman akong naglakad papasok sa bar.

"O-kay hahaha-- Hoy! hinitayin mo ako!"

Baliw talaga ang isang to. Kung nasa office kami, ni hindi mo siya mabibiro ng ganiyan at napakaseryoso talaga ng mukha. Pero kapag andito kami sa labas o kapag tapos na trabaho niya, palaging may banat at asar para sakin..

Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok at hindi siya pinansin. Pagpasok namin konti palang ang mga tao---kung sabagay 7:25 palang naman at maaga pa para mag night party.

"Maganda ang interior design nila ha!" ani Anne na nasa likod ko na pala.Inilibot ko ang tingin ko loob.

"Oo nga, malaki rin ang space sa loob at mukhang mayaman ang may ari" tugon ko. Hindi maipag kakailang mayaman nga ang may ari nito. Sa mga muwebles at kagamitan palang, makikita mo na.

Dumiretso kami sa isang set table na malapit lang sa labasan. Pwede narin dito dahil madilim at hindi crowded.

"Waiter!" tumawag si Anne ng waiter, kumaway pa ito para makita ng waiter kung nasaan kami dahil napalingon ito na parang may hinahanap.

Nang makita kami ay dali dali itong naglakad palapit sa amin. May hawak din itong trey na nasa gilid ng bewang niya.

"Yes maam?" tanong niya kay Anne, napalingon naman sakin si Anne.

"Go ahead." napangiti naman siya na parang nanalo ng lotto. Napailing nalang ako.

Ibig sabihin kasi nun, ako ang magbabayad. Eh, syempre bilang isang heredera.... ako ang nakatoka lahat ng babayarin pag ganitong lumalabas kami. Badtrip nga eh! Ni minsan di pa nila ako nilibre..... eh, kasi nga raw Big Time na ako -_-

Ang saya nilang kaibigan, grabe T_T
palagi nila akong pinagkaka isahan (>_<)

Lies between truthsWhere stories live. Discover now