10~~

7 4 0
                                    


Sa mga nakalipas na araw nawalan ako ng balita sa kanila . Kung ano nang ginagawa nila ngayon. Kung saan na sila nakatira at kung may pera pa ba sila?

"Kung tutuusin bagay lang sila na mapaalis dito. They deserve nothing. Sa mga pinaggagawa nila sayo ay kulang pa 'yon"

Napatingin ako kay Jean sa sinabi niya. Nakatayo siya sa harapan ko at sinusukat ang isang cocktail dress. Napansin kong mahirap niyang itinataas ang zipper sa likod. Tumayo ako at lumapit.

"Pero pamilya ko pa rin sila. Alam kong may kasalanan sila sa akin. But then....." tumigil ako ng maisara ko na ang zipper nito. Napatulala ako sa salamin na katapat namin. "Ive had enough."

"Tama El. Please spare yourself" tumingin siya sa akin mula sa salamin. Hindi ko maalis ang titig ko sa kaniya.

"Pero....." natigil ako sa pagsasalita. Napatulala ako sa reflection ko. "Im not like that. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanila. Theyve been my........   family" hindi ko maintindihan. Sa mga salitang binigkas ko ay parang labas nalang sa ilong ko.

"Family."

Umirap ito at umalis sa harap ng salamin. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong umupo siya sa dulo ng kama ko. Kinuha nito ang three-inched heels na white at isinuot.

Habang isinusuot ay muling itong nagsalita. Napalaglag nalang ang dalawang balikat ko sa mga sumunod na salitang binitawan niya.

"Bahala ka na jan. Pero...... pupunta kang bar mamayang gabi diba? Okay yun. Humanap ka na ng ibang pagkaka abalahan mo. Dont stress yourself just for those unpityful creatures. Humanap ka na ng mamahalin mo. okay?" tapos na niyang maisuot ang heels nito.

Napasapo nalang ako sa noo ko. Sa pagkakasabi niya ay parang laro lang ang pagmamahal. It seems like humanap ka lang ng kalaro mo sa larong ito at okay na.

"Im not ready yet Jean. Sa panahon ngayon, tanghali nalang ang tapat. Ayoko pang masaktan. Paglalaruan ka lang naman.Curse them, curse those playboys" sabi ko. Nagsing abot narin ang mga kilay ko sa huling salitang binitiwan ko.

Bahagyang tumawa si Jean sa mga sinabi ko. Napasin ko rin ang pagtayo niya papuntang walk in closet ko.

"Dont isolate yourself, sis. Try to be social. Sakyan mo lang sila. Wag ka lang magpapahulog." sabi nito bago tuluyang mawala sa paningin ko.

"Hah! no hell way! They are just a waste of time. Mas mabuti pang mag overtime nalang lagi ako sa opisina kaysa jan. Teka nga.... Ano bang gagawin mo jan sa loob?" habol ko. Tumayo ako at tinignan kung ano ang ginagawa niya sa loob..

"Maganda, right? Ito ang susuotin mo mamaya."

Halos magwala na ang loob loob ko ng makita ang sinasabi niya. Isang black fitted dress na halos kita na ang kaluluwa ko. More like pwede nang pangswimsuit.

"Again. No. Hell. Way.! Alam mong ayaw na ayaw ko yan." I exclaimed. Nawala ang ngiti sa labi niya.

"So, ayaw mo ng regalo ko?!"

Oo, regalo niya ito sa akin noong last birthday ko. Sa pagkakatanda ko sinabi niya pang gamitin ko ito sa lalakeng mamahalin ko para daw akitin ko siya. Siraulo.

"Hindi naman sa ganun. Pero kasi...." tumigil ako. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na ayoko?

"Kasi ano?" napa crossed arms narin siya habang naghihintay ng sagot ko.

"Ayaw ko talaga. Hinding hindi ko yan susuotin!" tanggi ko. Hinding hindi ko talaga yan susuotin.

***

Pagdating ng gabi, may narinig kaming isang busina mula sa labas.

"Andyan na sundo mo" sabi ko kay Jean na hawak ang cellphone niya.

"Yeah I know." sagot niya habang nakatingin parin sa cellphone niya. Napansin ko ang ngisi niya na parang kinikilig. -_-

"Bilisan mo dyan, naghihintay na siya."

"Ito na nga! magbihis ka na rin jan. Diba magbabar ka pa?" linihis na niya ang pagkakatitig sa cellphone niya at napunta na sa akin. Umirap ako.

"Oo mamaya pa. Kaya huwag ka nang makialam pa." sagot ko. Umirap naman siya pabalik sa akin sabay flip ng hair bago naglakad palabas.

"K." What. the?! Suplada.

"Huwag kang mag alala, hindi ko yon susuotin. Gusto mo yata akong mabastos, eh!" sumunod ako sa kaniya palabas. Pagdating sa labas napansin kong napatigil si Jean. Napatingin ako sa tinitigan niya.

Ahh. Kaya naman pala.

Sino ba naman ang hindi mapapatulala sa naka ayos na si Drenz. Naka ayos narin ang dating magulong buhok. Wow! nagmukhang tao narin! Di kagaya nung una na mukhang gangster.

"Uhy! wag masyado. Baka matunaw. Tulo laway kapa" kinalabit ko si Anne na nakatulala parin. Bigla naman itong natauhan at pasimpleng nagpunas ng bibig. Natawa naman kami Drenz.

"El! Pumasok ka na nga sa loob! Pinapahiya mo ko, eh!" lumapit ito sakin at bumulong, at hindi mawawala ang pasimpleng kurot nito sa tagiliran ko.

"Araay!! Oo na! Hahaha" tumawa nalang ako at tumalikod, "By the way, ang gwapo mo ngayon Drenz, ah! Huwag mong papabayaan si Jean kundi lagot ka sa akin. Ay! Ito pa,  in case na alam niyo na, dont forget to use protection, okay?!" pagkatapos kong masabi ito ay tumakbo ako ng mabilis patungo sa loob habang tawa ng tawa. Narinig ko pa ang sigaw ni Jean, pero binaliwala ko lang at tinawanan.

Pagdating ko sa loob, napangisi nalang ako. Its time for me naman para mag ayos.

Lumakad ako papuntang room ko at naghanap ng isusuot. I found a black backless dress na 1 inch above the knee pero hindi naman daring sa paningin. I am still a conservative lady however. Pagkasuot ko rito, nag ayos narin ako ng buhok at mukha.

Hindi na ako nag abala pang kumain ng dinner dahil masusuka lang ako pag ganun. Dumiretso agad ako sa garahe at binuksan ang sasakyan ko. I start the engine at pinatakbo ito ng matulin. Mabilis lang akong nakarating sa bar na pinuntahan namin nila Anne. Pagdating ko sa loob, sumalubong sa akin ang maingay na dance floor at amoy alak na ambiance.

Lies between truthsWhere stories live. Discover now