5~~

15 13 0
                                    

"Alam mo bang *hik* inishnob lang *hik*ako ng lalakeng yon nung nagki-*hik* -ta kami? Ang kapal talaga ng mukha *hik* niya! Urrgghh!! *hik* " kwento ni Anne sakin, lasing na talaga ito. Pagka order kasi niya ng alak, kumuha agad ito saka ininom. Kanina pa 'yan.Nakailang case na kami ng beer na parang siya lang yong nakarami. Inlove ata ito eh.

"Gusto ko na shang (siyang)  *hik* patayin *hik*!" dagdag pa nito. Akma ring ibabato na niya yung bote sakin ng may kamay na pumigil dito.

Napatingin ako kay Jean. Siya pala ang may ari ng kamay na yon. Parang nabunutan rin ako ng tinik sa lalamunan, may kasama na akong matino. Yehee!

"Creepy mo besh! Wag mo kasi tong yayain ng maaga. Alam na kasi mangyayari, inulit mo pa. Bobita!" binabawi ko na palang matino siya -_-
Kung maka mura naman to sakin, akala mo kung sino T_T

"Wow! nahiya naman ako sayo noh? Bobita ka jan. Ipalunod kaya kita sa dagat ng alak" inis na sabi ko. Hindi naman niya ako pinansin at umupo na sa tabing upuan.

"Buti *hik* dumating ka na *hik " napatingin ako kay Anne na gulong gulo na ang buhok, sira sira na rin ang make up at umiiyak. what. the. hell?

"Inlababo ata friend?" tanong sakin ni Jean na nakatitig narin kay Anne ngayon. Tumango tango ako.

"Yeah, I can tell" sang ayon ko. Mukhang natokhang na ngayon ang itsura niya. Daig pa ang gusgusing bata sa kalye, grabe!

"Bat ba late ka? akala ko ba 9? eh, 10:15 na oh?" tanong ko ng maalala kong ngayon lang siya dumating.

"May emergency kasi kanina.... oh? bat may kalmot ka?" tanong nito ng napalingon siya sakin. Umiling ako dahil naalala ko na naman yung nangyari kanina.

"May nangyari kasi kanina...... Napa away tong si Anne kaya ako ang rumesbak" napatingin ako kay Anne.

Nakasubsub na siya ngayon sa lamesa. Yung isang kamay niya nasa ibabaw ng lamesa, hawak hawak pa ang isang beer na konti nalang ang laman. Grabe! okay pa ba bituka nito? Ang dami nang nainom eh.

Flashback~

Pagdating ng inorder namin, kumuha kaagad si Anne ng isang bote ng beer at in-straight ang laman nito.

"Ahhhhh!" sigaw nito na parang nasaktan ang lalamunan.

"U-uhy! hinay hinay, hindi ka iiiwanan niyan" sabi ko. Tinignan naman niya ako ng seryoso. Biglang may pumatak ng luha galing sa kaliwang mata niya.

"Buti pa 'tong beer hindi ako iiwanan hindi kagaya niya na iniwan na nga ako......... dinala pa ang puso ko" umiiyak na sabi niya. Kumuha pa ulit siya ng isang bote at tinongga ang laman nito. Hindi ba ito titigil?

"dahan dahan sa pag inom, malalasing ka kaagad diyan. Bahala ka...... baka hindi ka na talaga balikan" aniko. Napatigil naman siya sa pag inom at seryosong napatingin sakin. Sinalubong ko ang mga tigtig niya at pilit na binabasa kung anong  binabalak niya.

Siya ang unang bumawi ng titigan namin at tsaka tumayo.

"Aish! Wala to. Sayaw nalang tayo!" yaya nito at hinila pa ako patayo. Ayaw ko pang sumayaw eh!

Pagdating namin sa dance floor, todo hataw na siya at pilit na nakikipagsabayan sa iba. Mukha naring mababaliw na siya sa sakit na dinadamdam. Mukha na kasing nagwawala na ang sayaw nito eh. Kumbaga sa kanta, wala na sa tono.Aish, Kawaawang bata. >o<

"Ano ba!  Sinasadya mo ba?!"  napalingon ako sa banda kung saan sumasayaw si Anne kanina. Paalis na sana ako dun.

Hindi pinansin ni Anne yung babaeng sumigaw sa kaniya at nagpatuloy parin ito sa pagsasayaw.

Lies between truthsWhere stories live. Discover now