Mga pangako

51 5 0
                                    

Pangako?
Sapat na nga ba ang pinky promise
Para maniwala ka na tutuparin niya ito.

Baket ganon?
Baket tayo nagkaganito?
Baket tayo umabot sa puntong tila
Nabalewala lahat ng pangako mo.

Lahat ng pangako mo
Ay tila kinalimutan mo na nga talaga.
Na para bang wala kang binanggit na
Hindi mo na ako iiwan pa.

Baket ka nangako
Kung alam mong hindi mo kayang tuparin?
Baket ka nangako kung kakalimutan mo lang den.

Napakasakit na malaman na buong akala ko
Ay tutuparin mo ang mga pangako mo.
Mga pangakong minsan kong pinanghawakan
Upang ako'y magtiwala sayo.

Nangako ka ngunit baket nga ba ganon?
Baket nga ba tayo nakarating dito?

Minsa'y ipinangako mo na ako lang at
Wala ng iba.
Ngunit baket ganon at lumipas lang ang ilang taon
At nakalimutan mo ang pangako mo.

Ika'y kumaliwa sa daan na dating matuwid.
Tumingin sa iba at nabihag ng kanilang titig.

Minsan rin ay ipinangako mo na itong meron tayo
Ay panghabang buhay na.
Na wala ng makakapaghiwalay saten.
Ngunit baket ganon?
Baket tila nakalimutan mo na ang pangakong iyon?

Mahal kita aking sinta.
Ngunit ako'y minahal mo nga ba?
Masakit aaminin ko ngunit may magagawa pa ba ako?
May mahal ka ng iba at ako'y tila nabura na.

Isang pangako lang ang gusto kong
Ipangako mo.
Wag mong sasaktan yang bago mo dahil hindi
Mo na mababalikan ang dati mo.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon