Bakit?
Bakit tayo nagkaganito?
Bakit tayo umabot dito?Bakit mo ako kailangang iwan na para bang
Ako'y wala na talagang halaga sayo.
Bakit parang lahat ng pinagdaanan naten ay baliwala na para sayo.Bakit tila nagbago ka na?
Ang dating ikaw ay hindi ko na makita.
Bakit tila ika'y hindi na katulad ng dati.Naging malamig ka na saken.
Ika'y hindi na ngumiti at naging tahimik.
Nanatili sa isang tabi at hindi na umimik.Sinubukan kong unawain.
Sinubukan kong kumapit ngunit baket ganon?
Baket parang pinapalayas mo na ako sa buhay mo?Sa buhay mo na dating ako.
Sa buhay mo na dating punong puno ng kulay
Na ngayon ay nabalutan na ng kalungkutan.Ika'y kinausap, tinatong kung pagod ka na.
Ikaw ay sumagot naman at sinabing ayaw mo na.Sinabing gusto mo ng bumitay at maging malaya.
Sinabing gusto mo ng lumaya mula sa aking yakap.Baket?
Baket mo gustong bumitaw saken?Akala ko ba'y walang bibitaw?
Pinilit kong sabihin sa sarili ko'y lahat ng ito ay isang
Bangungot lamang.
Sinabing lahat ng sinasabi mo ay puro kasinungalingan.Dahil mahal tila hindi ko talaga kaya.
Hindi ko kayang makita ka sa piling ng iba.
Nais kong manatili ka sa tabi ko at hindi lumisan pa.Ngunit baket ganon?
Tila binabagabag ako ng aking konsensya.
Sinasabing kailan kong ika'y pakawalan na.Ako'y unti-unting bumitay mula sa kamay mong nasasabik ng
Hawakan ang kamay ng iba.
Mga kamay mong alam kong hindi ko na mahahawakan pa.Sana ay maging masaya ka aking mahal.
Sana ay bumalik ka na sa dating ikaw.
Yung ikaw na dating minahal ako ng minsan.