Katotohanan
Hindi ko alam kung baket
Pero tila ayaw kong magising
Sa katotohanan.Ayaw kong magising dahil alam
Kong masasaktan lang ako.
Ayoko dahil parang gusto ko na lang dito
Sa panaginip ko.Sa panaginip ko kung saan masaya tayo.
Sa panaginip ko na wala akong tinatagong sakit
At masaya ako.Pero baket ganon?
Bakit tila ayaw ayaw akong patulugin ng katotohanan.
Na tila sinasabi nitong imulat ko ang mga mata ko dahil
Kailangan kong tanggapin ang katotohanan.Ang totoong wala na tayo.
Ang saklap naman ng love story ko.
Ng dahil sayo ay naging bitter tuloy ako.
Ng dahil sayo ay tila nawalan na ng kulay ang buhay ko.Ng dahil sayo ang masasaya kong ngiti ay napalitan ng mga ngiting may bahid
Ng lungkot at pait.
Mga ngiting tila ayaw ng magpakita at magtago na lamang.Ayokong tanggapin ang reyalidad.
Na tayo'y wala na hindi hinding hindi na magkakaroon pa.Gusto ko na lang ata matulog at hindi na magising pa.
Dahil dito sa panaginip ko ay masaya pa tayo.
Na tayo pa ren hanggang ngayon.Ayokong magising sa katotohanan.
Na kahit kelan ay hinding hindi na muli kitang
Matatawag na aking mahal.Na ikaw na lang ay bahagi ng nakaraan.
Ang nakaraan na ayaw ko ng mabalikan.Ikaw ang bumitaw ngunit baket ganon at tila ang saya mo pa.
Dahil ba nakahanap ka na ng iba?
Na dahil ba ako'y nakalimutan mo na?Mahal kita sana'y malaman mo yon.
Na kahit ganito ang nangyare ay patuloy akong
Magmamahal sayo hanggang sa makalimutan ko at makaya
Kong makita at makausap kang muli na wala ng
Nararamdaman pa
Para sayo.